Pilot weekend ng The Clash sa GMA-7, kumusta ang ratings?

by PEP Troika
Oct 5, 2020
Sina Ai-Ai delas Alas, Christian Bautista, at Lani Misalucha ang judges ng kasisimulang Kapuso reality talent show na The Clash Season 3. Isa ito sa top-rating shows ng GMA-7 nitong weekend.
PHOTO/S: Screengrab from The Clash

GORGY RULA

May hatak ang pilot episode ng The Clash noong Sabado, kaya ang laki ng itinaas ng rating nito noong Linggo, October 4.

Naka-16.6% ang first episode nito noong October 3, at kinabukasan ay tumaas ito sa 20%.

Bahagyang tumaas ang All-Out Sundays na naka-6% noong October 4. Inaasahang mas tataas pa ito. Ang replay episode ng Wagas ay 4.9%.

Tumaas ang Lockdown: Food Diaries na naka-5.6%, at tumaas din ang bagong episode ng Amazing Earth na naka-8.9%.

Napakataas ng Daig Kayo ng Lola Ko kahit replay lang ito, at wala pang nagagawang bagong kuwento. Ang unang episode nito ay 18.8%, at ang pangalawang episode ay naka 22%.

Medyo bumaba naman ang Kapuso Mo, Jessica Soho noong Linggo dahil 20% lang ang naitalang rating mula sa 21.7% noong September 27.

Ang replay episode ng The Boobay and Tekla Show ay naka-6.3%.

Noong nakaraang Sabado, October 3, ay hindi ganoon kataas ang fresh episode ng Pepito Manaloto na naka-16%.

Continue reading below ↓

Ang bagong episode ng Magpakailanman tungkol nurse na nagpaanak sakalye ay 17.3%. Mas mababa siya sa replay episode noong September 26 na naka-19%.

NOEL FERRER:

Sana, hindi panghinaan ng loob ang mga network na patuloy na gumawa pa rin ng fresh episodes kahit nagpa-fluctuate ang ratings.

Commitment nila yun sa audience, lalo pa’t sila ang market leaders na may prangkisa.

Teka, Tito Gorgy at Tito Jerry, gusto ko lang malaman, magkapareho lang ba ang ad rate kapag fresh or replay ang episode ng isang programa?

JERRY OLEA

Sa ngayon, ang kalaban ng GMA-7 ay ang sariling ratings.

Alin ba ang mas nagre-rate at mas loaded ng patalastas—ang replay o ang fresh episode?

Aba! Ngayong Oktubre 5, Lunes ng 11:30 a.m,, nagsimula na sa GMA-7 ang re-run ng teledramang Tempation of Wife nina Marian Rivera, Dennis Trillo, Glaiza de Castro, at Rafael Rosell.

Himutok ng isang masugid na tagasubaybay sa re-run ng Kapuso teledramang Ika-6 Na Utos, "OA ang commercial load. Maiikli ang mga eksena, sandamukal ang commercials. Tubong-lugaw ang GMA!"

Continue reading below ↓

Well, isinasaalang-alang ng GMA-7 ang health protocols kaya hindi sila makapag-full blast sa paggawa ng fresh content.

Kapag may mga staff na nagpositibo sa COVID-19 test, ipinagpapaliban muna ang taping. Ibayo ang kanilang pag-iingat.

Mula noong Oktubre 3, Sabado, mas maaga na ang timeslot ng Pepito Manaloto— 6:15 p.m. pagkatapos ng 24 Oras Weekend.

Nakaapekto kaya iyon sa ratings ng programa nina Michael V at Manilyn Reynes?

Nagkaroon ng adustments sa time slots noong Sabado dahil sa pag-uumpisa ng The Clash Season 3 pagsapit ng 7:15 p.m.

Ipinalabas ng 8:15 p.m. ang Magkailanman, tampok ang “Viral Frontliner: The Lorraine Pingol Story," na pinagbidahan ni Shaira Diaz. Co-stars sa episode na ito sina Yayo Aguila, Anthony Rosaldo, at Luis Hontiveros.

Noong Oktubre 4, Linggo ay 7:45 p.m. ipinalabas ang The Clash. Laban kung laban!

Siyempre pa, looking forward tayo sa bagong episodes ng Descendants of the Sun at Anak ni Waray vs Anak ni Biday.

Continue reading below ↓

MORE PEP TROIKA STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sina Ai-Ai delas Alas, Christian Bautista, at Lani Misalucha ang judges ng kasisimulang Kapuso reality talent show na The Clash Season 3. Isa ito sa top-rating shows ng GMA-7 nitong weekend.
PHOTO/S: Screengrab from The Clash
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results