Lorna Tolentino, sanay nang walang alalay sa taping; Ang Probinsyano, limang taon na sa ere

by PEP Troika
Oct 7, 2020
Lorna Tolentino on Ang Probinsyano's fifth anniversary: “Noong nag-celebrate kami sa Zoom meeting namin nung fifth anniversary, tuwang-tuwa kaming lahat at kinu-congratulate namin lahat ng bumubuo ng Probinsyano. Sinabi namin na sana, five more years pa ang itagal. Kasi, marami pa naman talagang pwedeng gawin."
PHOTO/S: Instagram

GORGY RULA

Five more years pa ang inaasahang itatagal ng FPJ’s Ang Probinsyano.

Ito raw ang pinag-usapan ng lahat ng involved sa teleserye nang ipinagdiwang nito ang kanilang 5th anniversary.

Nagpamisa sila at meron din silang virtual celebration via Zoom

Kuwento sa amin ‘yan ni Lorna Tolentino nang nakatsikahan namin sa DZRH noong October 6, Martes ng gabi.

Iyon daw ang wish nilang lahat, na tumagal at madagdagan pa ng limang taon ang Ang Probinsyano, na pinagbibidahan ni Coco Martin.

Iyon daw ang mensaheng gusto nilang iparating sa video nilang “Tuloy ang Laban” dahil marami ang nagsasabing matatapos na ang teleseryeng ito ng ABS-CBN.

Tuluy-tuloy pa rin ang taping nila at magtatagal pa raw sila.

Continue reading below ↓

Kuwento ni Lorna, “Noong nag-celebrate kami sa Zoom meeting namin nung fifth anniversary, tuwang-tuwa kaming lahat at kinu-congratulate namin lahat ng bumubuo ng Probinsyano.

“Sinabi namin na sana, five more years pa ang itagal. Kasi, marami pa naman talagang pwedeng gawin."

Sa limang taong pamamayagpag ng Ang Probinsyano, nakadalawang taon na si Lorna at mukhang magtatagal pa siya bilang si Lily.

“Tuwang-tuwa nga ako nang sinabi ni Coco na wala munang mamamatay na kontrabida!” natatawa niyang pakli.

Katatapos lang nila ng second-round taping na naka-lock in, at naghahanda na sila ngayon ng pangatlong round.

Meron pa raw silang fourth round of taping bago matapos ang taong ito. Para pagdating daw ng Pasko at Bagong Taon ay bakasyon na sila dahil marami na silang naibangkong eksena.

JERRY OLEA

Dapat ay may Zoom meeting sila kagabi, pero hindi natuloy.

Tingin ni Lorna, pag-uusapan na nila ang pag-ere ng Ang Probinsyano sa A2Z ng Zoe TV dahil nabanggit na raw ito sa kanila noon.

Continue reading below ↓

“Sabi ko nga sa kanila, parang lumaki na ang butas ng ilong ko sa kaka-swab test!” natatawang pahayag ng multi-awarded actress.

Pero kailangan niyang magpalakas pa ng immune system dahil stressful ang araw-araw na naka-lock in sa taping. Kaya todo raw siya vitamins at supplement para pam-boost ng immune system.

“Minsan kasi, pag every day ka nagti-taping, medyo bumababa na ang immune system mo, e.

“Kahit hindi ka nagpupuyat, pero maaga ka nagti-taping at marami kang sequences, minsan, bumababa rin. Para lumakas, medyo napapakain ka na rin.”

Nakasanayan na ni Lorna ang bagong sistema sa taping na wala siyang alalay, dala na niya ang kanyang bag na may make-up dahil siya na ang nagre-retouch. Limitado kasi ang mga tao sa set.

Sa mga susunod nilang episodes, ita-tackle na raw nila ang pandemic sa kuwento.

NOEL FERRER

Don’t fix what ain’t broken.

Nananatiling matatag na brand ang FPJ’s Ang Probinsyano at kailangang dumami pa ang hatak nito sa online audience.

Continue reading below ↓

Formidable naman ang team, at mukhang maraming namumuong pagmamahalan sa team dahil na rin sa proxomity nila, di ba, Tito Gorgy?

Mukhang magkakaroon ng Fast Rewind versions ang mga existing soaps para makahabol ang mga ito sa fresh episodes sa Kapamilya Channel.

Excited ako sa development na ito dahil it will set the tone for an active production of new episodes, na parang nabalam the past months nang mawala ang ABS CBN sa free TV.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Lorna Tolentino on Ang Probinsyano's fifth anniversary: “Noong nag-celebrate kami sa Zoom meeting namin nung fifth anniversary, tuwang-tuwa kaming lahat at kinu-congratulate namin lahat ng bumubuo ng Probinsyano. Sinabi namin na sana, five more years pa ang itagal. Kasi, marami pa naman talagang pwedeng gawin."
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results