Kapuso royal couple Dingdong Dantes at Marian Rivera, balik-TV na

by PEP Troika
Oct 7, 2020
Mapapanood na muli ang Descendants of the Sun na pinagbibidahan ni Dingdong Dantes, habang ang misis niyang si Marian Rivera ay balik-hosting sa weekly drama anthology na Tadhana.
PHOTO/S: Instagram

JERRY OLEA

Balik-telebisyon ang Descendants of the Sun (DOTS) simula Oktubre 26, Lunes, sa GMA Telebabad.

Magpapakilig muli gabi-gabi sina Dingdong Dantes at Jennylyn Mercado, maging sina Rocco Nacino at Jasmine Curtis-Smith.

Itong DOTS ang unang Kapuso teledrama na nagbalik-taping matapos ideklara ang community quarantine noong Marso 15.


Continue reading below ↓

Jennylyn Mercado and Dingdong Dantes

Ang misis ni Dingdong na si Marian Rivera ay nag-back out sa teledramang First Yaya katambal si Gabby Concepcion.

Sumabak na si Marian sa trabaho bilang host ng Tadhana, with Dingdong as director, at sa kanilang bahay iyon kinunan.

Ni-replay ng Kapuso Network ang teledrama ni Marian na Temptation of Wife (2012) umpisa Oktubre 5, Lunes ng 11:30 A.M., bago mag-Eat Bulaga.

Co-stars dito ni Marian sina Dennis Trillo, Glaiza de Castro, at Rafael Rosell.


Continue reading below ↓

Marian Rivera, Dennis Trillo, and Glaiza de Castro

GORGY RULA

Since sa October 26 na magsisimula ang recap ng Descendants of the Sun, papasok na ang bagong episodes sa November 9 ng taong ito.

Ang isa pang GMA teleserye na Anak ni Waray vs. Anak ni Biday, na natapos na rin ang taping, ay magsisimula na ang recap sa November 23. Idudugtong na ang bagong episodes sa January 25, 2021.


Continue reading below ↓

Nagti-taping na rin ang afternoon drama series na Prima Donnas, at napapanood na natin ngayon ang recap nito pagkatapos ng Ika-6 Na Utos sa GMA Afternoon Prime. Kaya papasok na ang nai-tape na bagong episodes sa November 9.

Abangan na lang daw kung may papalit ba sa Donna Lyn o Lenlen character ni Sofia Pablo, o kung nawala na lang ang karakter niya.

Medyo challenging ito sa kanilang writers, pero maganda raw ang kinalabasan.

Abangan din natin kung kailan babalik ang Bilangin Ang Bituin Sa Langit, Love of My Life, at Magkaagaw.

NOEL FERRER

In the Kapamilya front, nagdiriwang ng 5th anniversary ang sinusundan ng marami na FPJ’s Ang Probinsyano.

Sobrang taas din ang viewership, lalo na sa digital platform, ng Ang Sa Iyo Ay Akin. Pati mga Kapuso ay nagpo-post na hooked sila sa husay ng linyahan at aktingan ng mga bidang sina Jodi Sta. Maria, Iza Calzado, at Maricel Soriano.

Continue reading below ↓


Kakasimula pa lang ng Walang Hanggang Paalam, pero markado na ang unang sultada nito.

'Tapos, pinahihinog na ng Kapamilya network ang promo ng Bagong Umaga na parang nag-survive kahit nawala si Julia Barretto.

Andiyan din ang Init sa Magdamag na unang teleserye na pinagbibidahan ni Yam Concepcion.

Continue reading below ↓

Kapuri-puri ang ABS-CBN dahil kahit walang prangkisa ay tuluy-tuloy sila sa pagte-tape ng mga bagong episodes habang sinusunod ang strict protocols.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mapapanood na muli ang Descendants of the Sun na pinagbibidahan ni Dingdong Dantes, habang ang misis niyang si Marian Rivera ay balik-hosting sa weekly drama anthology na Tadhana.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results