Erich Gonzales, pinalitan ang nag-back out na si Ivana Alawi

by PEP Troika
Oct 7, 2020
Si Erich Gonzales (kaliwa) na ang bida sa dapat sana'y launching teleserye ni Ivana Alawi (kanan) sa ABS-CBN. Pinalitan na rin ang title nito mula sa Ang Lihim Ni Ligaya sa La Vida Lena.
PHOTO/S: Instagram

NOEL FERRER

Ano ang nangyari?

Bakit nawala si Ivana Alawi sa dapat launching teleserye niya sa ABS-CBN na nag-storycon na?

Nag-backout ba siya? Inalis? Natakot sa COVID?

Anyare, tanong ng fans!

Bakit biglang si Erich Gonzales na with JC de Vera, Carlo Aquino, at Kit Thompson as leading men?

“Revenge knows no love.” La Vida Lena!!!

Gustung-gusto ko ang title dahil tribute ito sa pangalan ng kaibigan naming direktor ng serye na si Direk Jojo Saguin, na halos kasabay naming nagsimula at lumago sa industriya at nananatiling magkakapamilya at magkakapatid!


Continue reading below ↓

JERRY OLEA

Maraming pagbabago sa mga plinanong teleserye ng ABS-CBN dahil sa pandemya, at pagkitil sa kanilang prangkisa.

Naiintindihan natin kung may mga artistang ayaw pang sumabak sa trabaho, at mas isinaalang-alang ang kalusugan at kaligtasan hindi lamang ng kanilang sarili, kundi ng kani-kanyang pamilya.

Nag-backout sa teleseryeng Burado sina Julia Montes at Nadine Lustre. Pinalitan sila nina Angelica Panganiban at Arci Muñoz, at ginawang Walang Hanggang Paalam ang title ng teleserye.

Tinanggal si Julia Barretto sa cast ng teleseryeng Cara y Cruz, kung saan kasama sa casting sina Barbie Imperial at Heaven Peralejo.

Nagkaroon ng adjustments sa assignment ng role. Napasama sa cast si Michelle Vito, at ang bagong title ng teleserye ay Bagong Umaga.

Sa storycon ng teleseryeng Ang Lihim ni Ligaya noong Pebrero 19, 2020, ibinalitang bida rito sina Ivana Alawi at Kit Thompson.

Naka-line up din sa cast nito sina Raven Molina, Michelle Vito, Ryle Santiago, Mica Javier, Janice de Belen, Agot Isidro, Pen Medina, Daisy Cariño, Michael de Mesa, Christian Vazquez, Emjay Savilla, Wealand Ferrer, at Argel Saycon.

Continue reading below ↓

Nag-back out sa project si Ivana. Ang katwiran niya, ayaw pa niyang mag-take ng risk habang laganap ang COVID-19 pandemic.

Naulinigan natin noon pa na si Erich Gonzales ang kapalit ni Ivana.

Matagal-tagal nang bakante si Erich matapos mag-back out sa teleseryeng Love Thy Woman, kung saan pinalitan ito ni Yam Concepcion.

May launching teleserye na nga si Yam na kinukunan, ang Init sa Magdamag, katambal sina Gerald Anderson at JM de Guzman.

Mabuti at sinalo ni Erich ang role na tinanggihan ni Ivana. Wala siyang eme-eme na maging “Salome” (taga-salo).

Pinalitan ang title ng teleserye. Ginawang La Vida Lena. Short for “Magdalena” ba ang pangalang Lena?

Leading man pa rin diyan si Kit Thompson. At nadagdag sina JC de Vera at Carlo Aquino.

Ang iba pang artista sa cast nito ay sina Agot Isidro, Janice de Belen, Raymond Bagatsing, Sofia Andres, Christian Vazquez, Ruby Ruiz, Malou Crisologo, Pen Medina, at Soliman Cruz.

Continue reading below ↓

GORGY RULA

Nilinaw ng manager ni Ivana na si Perry Lansigan na nasa ABS-CBN pa rin ang sexy star.

Kasama pa rin ang Star Magic na nagde-decide para sa career ni Ivana.

Sabi pa ni Perry, mag-uusap pa sila ni Ivana sa susunod na hakbang at kung ano ang plano ng ABS-CBN sa kanya.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Si Erich Gonzales (kaliwa) na ang bida sa dapat sana'y launching teleserye ni Ivana Alawi (kanan) sa ABS-CBN. Pinalitan na rin ang title nito mula sa Ang Lihim Ni Ligaya sa La Vida Lena.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results