It's Showtime at ASAP Natin 'To, makikipagtapatan na uli sa Eat Bulaga! at AOS

by PEP Troika
Oct 7, 2020
It's Showtime (Jhong, Vice & Vhong) at ASAP Natin 'To (Regine), masusubukan ang lakas sa viewers sa pagbabalik sa free TV via A2Z. Eat Bulaga! (Vic & Maine) at All-Out Sundays (Rayver, Julie & Alden) ng GMA-7, tuloy ang pagbibigay-saya sa mga manonood.
PHOTO/S: Screengrab from It's Showtime / ASAP Natin 'To / Eat Bulaga / AOS

JERRY OLEA:

Nagbunyi ang madlang people sa balitang simula Oktubre 10, Sabado, magpapalabas na ang ABS-CBN ng mga programa sa bagong A2Z Channel 11, na dating kilalang Zoe TV.

FUNalo ang buena manong paandar diyan ng It’s Showtime sa pangunguna ni Vice Ganda. Chugug!

Sa Oktubre 11, Linggo ay magpapasiklab na rin diyan ang ASAP Natin ‘To.

Sa darating na weekend (Oktubre 10 at 11, Sabado at Linggo), may marathon telecast sa A2Z Channel 11 ang mga teleseryeng FPJ’s Ang Probinsyano, Ang Sa Iyo Ay Akin, at Walang Hanggang Paalam.

Sa Oktubre 12, Lunes, mapapanood ang fresh episodes ng mga ito sa primetime block.

Sa mga darating na linggo, ieere rin ng A2Z Channel 11 ang public service programs na Iba ‘Yan at Paano Kita Mapasasalamatan.

Asahang ipapalabas din sa A2Z Channel 11 sa takdang panahon ang MMK, Magandang Buhay, at I Can See Your Voice.

Hindi rin papahuli ang GMA-7.

Continue reading below ↓

Siyempre, inaasahan nating bonggacious ang “Bawal Judgmental” segment ng Eat Bulaga sa Sabado.

At sa Linggo, 12:00-1:45 p.m., bubuhos ang all-out performances sa All-Out Sundays (AOS).

Exciting ang all-out K-pop opening number nina Alden Richards, Rayver Cruz, Gabbi Garcia, Glaiza de Castro, Miguel Tanfelix, at Julie Anne San Jose.

Makikisaya ang cast ng Anak ni Waray vs. Anak ni Biday na sina Barbie Forteza, Kate Valdez, at Migo Adecer.

Nasa AOS din pati ang Prima Donnas stars na sina Jillian Ward, Althea Ablan, Will Ashley, Vince Crisostomo, at Elijah Alejo.

Present ang stellar cast ng "I Can See You: High-Rise Lovers" na sina Tom Rodriguez, Winwyn Marquez, at Lovi Poe.

Pagalingan sa pag-arte sina Jeric Gonzales, Paul Salas, at Denise Barbacena sa "Ang Drama Mo" kasama ang guest judge na si Rhian Ramos.

NOEL FERRER:

Ang ganda ng timing! Birthday ni Brother Eddie Villanueva kahapon nang in-announce ang pagsasanib-puwersa ng Kapamilya Network at A2Z.

Continue reading below ↓

Ang A2Z ay dating partner ng GMA-7 sa QTV.

Magandang pag-aralan kung paano gagamitin at paano tatanggapin ng networks at ng audiences ang partnership sa Channel 11.

Ano ang mas bongga, ang A2Z Channel 11 o ang QTV Channel 11?

One week after, papasok naman ang mga bagong programa ng TV5!

Tulad ng lagi kong sinasabi, mas maraming networks, mas maraming trabaho. Mas maraming mapagpipilian ang audiences. Panalo ang manonood na Pilipino!

GORGY RULA:

Dito natin mapapatunayan ang lakas ng Kapamilya shows.

Tingnan natin kung pinapanood sila kahit saan sila ilagay.

Sabi ng isang kaibigan, napakalinaw raw ng A2Z sa SkyCable na Channel 11 sa pihitan ng TV.

Sa Cignal TV naman ay Channel 183 ang A2Z, na medyo malayo hanapin.

Tiyak na malaki ang mababago sa ZOE TV o Light TV, na ang tagline nito ay God’s Channel of Blessings.

Obvious na ang laking blessing nito sa ABS-CBN.

Paano kaya kung pagkatapos ng agawan sa trono ng speakership sa Kamara ay pag-initan muli ang Kapamilya network at ungkatin na naman ang imbestigasyon sa lupang kinatitirikan ng mga gusali ng ABS-CBN?

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
It's Showtime (Jhong, Vice & Vhong) at ASAP Natin 'To (Regine), masusubukan ang lakas sa viewers sa pagbabalik sa free TV via A2Z. Eat Bulaga! (Vic & Maine) at All-Out Sundays (Rayver, Julie & Alden) ng GMA-7, tuloy ang pagbibigay-saya sa mga manonood.
PHOTO/S: Screengrab from It's Showtime / ASAP Natin 'To / Eat Bulaga / AOS
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results