Lovi Poe at Winwyn Marquez, kabugan ang aktingan sa kabitan story ng I Can See You

by PEP Troika
Oct 8, 2020
PHOTO/S: @lovipoe / @teresitassen Instagram

JERRY OLEA:

Kabugan sa acting sina Lovi Poe at Winwyn Marquez sa "High-Rise Lovers," ang ikatlong installment ng I Can See You anthology. Mapapanood ito umpisa Oktubre 12, Lunes ng 9:15 p.m. sa GMA Telebabad.

Ka-love triangle nila rito si Tom Rodriguez.

"This is a story of a young couple starting their married life in a high rise building—a career-focused wife (Lovi) and a simple-minded engineer husband (Tom) who is in between jobs," lahad ng direktor ng episode na si Monti Parungao nitong Oktubre 8, Huwebes via Messenger.

"Dahil sa sobrang busy ni wifey sa kanyang career, nawalan siya ng oras at pansin kay mister.

"The husband found a loving new friend (Winwyn), and their friendship eventually became a forbidden romantic affair."


Continue reading below ↓

Aminado si Direk Monti na mahirap ang sistema ngayon ng shooting sa ilalim ng new normal, kung saan kailangang isaalang-alang ang safety protocols.

Paliwanag ni Direk Monti, "Kailangang tapusin ang nakakasang 50 sequences sa loob lang ng 12 oras.

"Kahanga-hanga ang dedikasyon nina Lovi, Tom, at Winwyn na naglaan ng oras para sa three sessions of character study bago pa man ang shooting.

"Kaya pagdating sa set, handang-handa na sila sa bawat eksena.

"Because we all came so prepared and everything is planned, we were able to finish the sequences in the given hours."

Bukod sa time limit, mahigpit din ang protocols pagdating sa intimate scenes.

"Pero naging mahirap sa mga maseselang eksena. Kailangan kasing maipakita at maiparamdam ang romantic scenes.

"Sa safety protocols ng IATF, bawal ang physical contact. Kinailangang dayain ang mga eksena na effective namang nagampanan ng mga artista."


Continue reading below ↓

Bumilib si Direk Monti sa atake nina Lovi, Tom, at Winwyn sa kani-kanyang character.

"Kabitan ang story pero binigyan nila ng bagong atake ang confrontation scenes," pahayag ni Direk Monti.

"Feeling ko nga, parang mga eksena sa isang Korean drama.

"Fab lang ang peg ng leading ladies. Masarap panoorin.

"May eksena sa elevator na unang tagpuan ng dalawa. Napansin ni Lovi ang lipstick ni Winwyn. Ang ganda ng linya ni Lovi... nakakatawa pero sapul.

"Sa episode na ito, malilito ka kung kanino ka kakampi—sa asawa o sa kabit? Ganoon kagaling ang pagkaganap nina Lovi at Winwyn!"


Continue reading below ↓

NOEL FERRER:

Lovi Poe and Winwyn Marquez will learn a lot from Jodi Sta. Maria and my talent Iza Calzado in Ang Sa Iyo Ay Akin (ASIAA) ng ABS-CBN, na labis na pinag-uusapan. Kahit mga Kapuso ay nagpo-post kung gaano kaganda ang aktingan at linyanan dito.

Mabuti na lang, magkakaroon ng whole-day catch up sa Sabado at Linggo, October 10 at 11, para sa ASIAA sa A2Z Channel 11. Para sa Lunes, October 12, sabay-sabay nang makakapanood ang viewers ng bagong episode sa free TV.

Sabi ng iba, iyung impact ng ASIAA ay parang Pinoy version ng hit Korean series na The World Of The Married, kaya magandang mapanood ang showdown ng Lovi-Winwyn versus Jodi-Iza.

Muli, sa pagandahan ng palabas... ang audience ang panalo!

GORGY RULA:

First time na magtrabaho ng tatlong bida pagkatapos ma-quarantine ng mahigit limang buwan.

Takot daw silang lumabas. Takot daw silang magtrabaho dahil maraming taong makakasalamuha mo na hindi mo sigurado, pero nang inilatag sa kanila ang mga safety protocols and guidelines na dapat sundin, nabawasan ang kanilang takot.

Continue reading below ↓

Sabi ni Winwyn sa virtual mediacon noong Setyembre 30, Miyerkules, "Hindi naman dapat katakutan dahil alam ko namang safe ako dahil alaga kami ng mga kasama namin sa production."

"Sa akin, pera-pera lang," pabirong sambit ni Tom.

Pero aminado ang aktor na kapag nababawasan na ang naipon, siyempre, mag-iisip ka nang dapat na talagang bumalik sa trabaho.

"I have to admit, takot na takot ako. Pero kapag nandiyan ka sa craft na nakasanayan mo, we have to love what we do," sabi pa ni Tom.

Si Lovi Poe naman ay maraming napagtanto habang naka-quarantine. Bilang isa rin siya sa nahuhumaling sa mga K-drama, marami siyang napaghugutan na magagamit niya sa karakter niya.

Marami siyang napanood sa TV, at na-realize niyang dapat lang na magbigay na rin sila ng magandang panoorin ngayong pinipilit nating makabalik na sa normal.

"We are here to provide a good show and to give the audience a new material to enjoy, parang doon ko na-realize na I have to be part of this show," sabi pa ni Lovi.

Continue reading below ↓

Natututukan ko ang The Promise episode nina Paolo Contis at Andrea Torres, maganda ang takbo ng kuwento at magagaling silang umarte.

Magkakainteres kang subaybayan hanggang ending, para malaman mo kung mabubuking bang nagpapanggap lang si Andrea na sinapian siya ng kaluluwa ng asawa ni Paolo na ginampanan ni Yasmien Kurdi.

O kung tuluyan nang ma-in love si Andrea kay Paolo at hindi na niya susundin ang boyfriend niyang ginampanan ni Benjamin Alves, na nagmaniobra nito lahat.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: @lovipoe / @teresitassen Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results