Tulad ni Paolo Gumabao, Sean de Guzman game rin magpahawak ng private part sa sexy film

by PEP Troika
Oct 8, 2020
Sean de Guzman (in khaki jacket) at Paolo Gumabao, bagong pagpapantasyahan sa sexy films ni Direk Joel Lamangan na Anak Ng Macho Dancer at Lockdown, respectively.
PHOTO/S: Jerry Olea

JERRY OLEA:

Nairaos ni Direk Joel Lamangan ang eight consecutive days na shooting ng pelikulang Lockdown noong Setyembre 7-14 sa Cavite.

Launching movie iyon ng 22-anyos na si Paolo Gumabao, na walang eme-eme sa mga eksenang mapangahas.

Sa last shooting day ng Lockdown kinunan ang maselang eksena ni Paolo with Allan Paule.

Ang sabi kapagkuwan ni Direk Joel, "A star is born!"

ON ANAK NG MACHO DANCER

Nag-mediacon ang bagong pelikula ni Direk Joel na Anak ng Macho Dancer nitong Oktubre 7, Miyerkules sa Game Over PH restaurant, Xavierville Street, Quezon City.

Launching movie ito ng Clique V member na si Sean de Guzman, na ang sabi’y 20-anyos pa lamang.

Batid ni Direk Joel ang kalibre ni Sean dahil isa ito sa Video Call Boys na sumuporta kay Paolo Gumabao sa Lockdown.

Siyempre, kasama rin sa cast ng bagong movie ni Direk Joel si Allan Paule. Si Allan ay unang inilunsad sa pelikulang Macho Dancer (1988), na idinirek ni Lino Brocka mula sa panulat ni Ricky Lee.

Continue reading below ↓

Memorable ang role ni Direk Joel sa Macho Dancer bilang Mother na dumukot sa private part ni Allan.

Itong Anak ng Macho Dancer ay sequel ng Macho Dancer.

RICKY LEE'S VOTE OF APPROVAL

Humingi ng basbas ang scriptwriter na si Henry King Quitain kay Ricky Lee upang likhain ang karugtong na kuwento.

Anak-anakan ni Ricky si Henry, at bantog ang pagiging generous at matulungin ni Ricky sa mga mas batang manunulat, kaya hindi nagkaproblema.

Maliban kay Allan, kasama rin sa Anak ng Macho Dancer sina Jaclyn Jose at William Lorenzo, na ire-reprise ang kani-kanyang role sa naunang movie.

Sa Anak ng Macho Dancer, hindi pa naika-cast kung sino ang dudukot sa private part ni Sean.

Gaya ng Lockdown, ang istorya ng Anak ng Macho Dancer ay mag-uumpisa nang lumaganap ang COVID-19, at itakda ang community quarantine.

Sa mediacon kahapon, halos nag-chorus kay Sean ang mga dumalong taga-media, "A star is born!"

Continue reading below ↓

OCULAR INSPECTION

Matapos ang mediacon at production meeting kahapon, nag-ocular inspection si Direk Joel at ang line producer na si Dennis Evangelista sa mga pagsusyutingan ng Anak ng Macho Dancer, na ikalawa sa pandemic trilogy ni Direk Joel.

Naglalaro na sa diwa ni Direk Joel ang kasunod niyang pelikula—Anak ng Burlesk Queen. Nakalaan dito ang papel ng ina kay Ina Raymundo na nagbida sa pelikulang Burlesk Queen Ngayon (1999), sa direksyon ni Jose N. Carreon.

Siyempre, hindi pwedeng ikunsidera rito ang Congresswoman for All Seasons na si Vilma Santos, na nagbida sa kontrobersyal at sensational Burlesk Queen noong 1977 Metro Manila Film Fest. Ang direktor noon ay si Celso Ad. Castillo.

Tumikwas ang kilay ng isang super-Noranian, “Kung si Ate Vi ang kukunin, hindi na iyon Anak... kundi Apo ng Burlesk Queen.”

NOEL FERRER:

Tawagin nang prolific at productive talaga si Direk Joel Lamangan na pursigudong makagawa ng makabuluhang pelikula ngayong pandemic.

Continue reading below ↓

Kung ganito na rin lang na tema done by the masters, puwede ring isipin ang mga sumusunod: Anak Ng Burlesk King, Anak Ng Boatman, Anak Ng Bomba Queen, Anak Ng Palengke Queen.

O kaya ay Anak Ng Promo Girl, Anak Ni Inday Bote, Anak ni Rosa Mistica, Anak Ni Bona, Anak Ni Annie Sabungera, Anak Ng Bulaklak Sa City Jail, and the list goes on and on.

Kung pelikula ni Direk Joel na rin mismo: Anak Ni Flor Contemplacion, Anak Ni Mila, Anak Ni Sabel, o Anak Ni Sarah Balabagan.

Ang daming puwedeng gawan ng sequel ang mga classic Pinoy films. Interesting, di ba?

GORGY RULA:

Challenge kina Direk Joel Lamangan kung paano maging interesting ang kuwento nitong Anak Ng Macho Dancer at Anak Ng Burlesk Queen.

Hindi na kasi uso ngayon ang macho dancers at burlesk queens.

Dapat, swak sa kontemporaryong kuwento na gets ng millennials. Puwede siguro ang Anak Ng Pandemya, Anak Sa Lockdown, Anak Sa Ayuda, Anak Sa Swab Testing, Quarantine Baby, o Rapid Test Baby.

Continue reading below ↓

Kapag ganitong ang daming ginagawa ni Direk Joel, ang likot ng utak niya at ang daming naiisip kaya hindi siya natatakot magtrabaho sa gitna ng pandemya.

Noong unang buwan pa lang ng quarantine ay bagot na bagot na siya at gusto na niyang bumalik sa trabaho.

Mabuti na lang at may producers na nangahas na gumawa ng pelikula kahit wala pang kasiguraduhan ang mga sinehan natin.

Bukod sa mga pelikulang natapos at sisimulan ni Direk Joel, meron din siyang gagawing drama series na pam-Pasko, tampok ang mga magagaling na aktres na karamihan ay galing sa Kapamilya Channel. Abangan iyan!

JERRY OLEA:

May dalawa pang natapos na pelikula si Direk Joel. Una, iyong Isa Pang Bahaghari nina Nora Aunor, Phillip Salvador, at Michael de Mesa.

Official entry ito sa 1st Summer MMFF na gaganapin sana noong Abril. Naudlot ang filmfest dahil sa pandemya.

Nakatakda rin sanang Mother’s Day presentation ang In The Name of the Mother na dinirek ni Joel Lamangan. Bida rito si Snooky Serna, at tampok bilang mga anak niya sina Pancho Magno, Rita Daniela at Miggs Cuaderno.

Continue reading below ↓

Naka-line up ding gawin ni Direk Joel ang launching film ni Sunshine Guimary ng Unfaithful Nights. Tinagurian si Sunshine na Braless Goddess, at leading men niya sa movie sina Marco Gumabao at Albie Casino.

Inaasam din ni Direk Joel na idirek ang pelikulang Ang Huling Bakla sa Balat-Lupa, na siya mismo ang sumulat. Puwedeng magbida rito si Vice Ganda, Paolo Ballesteros o Roderick Paulate.

Si Direk Joel din ang napipisil ng The IdeaFirst Company na magdirek ng isang major series na ipoprodyus nila para sa TV5.

May casting call ito para sa isang female character na edad 18-20. Open ito para sa mga nakatira sa NCR at kalapit-lalawigan.

Sa mga interesado, mag-email ng litrato, resume at one-minute self-intro video sa castingideafirst@gmail.com. Ang deadline ay bukas, Oktubre 9, Biyernes ng 5:00 p.m. (Manila time).

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sean de Guzman (in khaki jacket) at Paolo Gumabao, bagong pagpapantasyahan sa sexy films ni Direk Joel Lamangan na Anak Ng Macho Dancer at Lockdown, respectively.
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results