Pepito Manaloto ng GMA-7, may bagong format na simula sa October 10

by PEP Troika
Oct 8, 2020
Pepito Manaloto na pinagbibidahan ni Michael V., laugh trip ang three mini-stories sa bago nitong format sa GMA-7.

JERRY OLEA:

Good-bye, Pepito Manaloto: Ang Tunay na Kuwento!

May bagong twist ang family sitcom nina Michael V at Manilyn Reynes. Maghe-hello na ang Pepito Manaloto: Kuwento, Kuwento! sa Oktubre 10, Sabado, pagkatapos ng 24 Oras Weekend sa GMA-7.

Bagong format na ang pagkukuwento rito. Sa bagong episode sa Sabado, tatlong mini-story ang nakapaloob.

Sa unang kuwento, bumili sa online si Pepito (Michael V.) ng mamahaling gaming speaker system nang walang pasabi sa asawang si Elsa (Manilyn Reynes). Nadiskubre ni Chito (Jake Vargas) ang bagong gadgets at gustong subukan.

Mabuti na lang, abala si Elsa sa pag-i-schedule ng mani-pedi session kay Deedee (Jessa Zaragoza). Mabuking kaya ni Elsa ang guilty pleasure ni Pepito?

Sa ikalawang kuwento, susunduin dapat nina Patrick (John Feir) at Robert (Arthur Solinap) si Baby (Mosang) sa store. Nagutom si Patrick.

Kung anu-ano ang suggestion ni Patrick na lantakan nila, na pawang nire-reject ni Robert dahil nagdidiyeta ito. Gaano katagal maghihintay si Baby kina Robert at Patrick?

Continue reading below ↓

At sa ikatlong kuwento, niyaya ni Tere (Cherry Malvar) si Vincent (Tony Lopena) na lumahok sa dance contest ng nalalapit na online office party nila. Matigas ang pagtanggi ni Vincent kahit nalaman niyang PHP20,000 ang cash prize na ipagkakaloob ni Pepito sa winner.

Matapos pagbentahan ni Tere si Deedee ng ilang beauty products, hindi niya mahagilap si Vincent. Nasaan kaya ang hitad na si Vincent at ano ang pinagkakaabalahan nito?

Maliban sa pagiging bida sa Pepito Manaloto, si Michael V ang concept creator at creative director ng programa.

GORGY RULA:

Parang see-saw ang rating ng Pepito Manaloto. Minsan, mas mataas ang bagong episode kesa sa replay. Kapag maganda ang kuwento ng replay episode, mas bongga pa ang rating nito sa fresh episode.

Pero proud si Michael V sa sitcom niyang ito, dahil marami ang nagku-comment na kahit replay at matagal nang naere, nakakatawa pa rin.

Sabi ni Bitoy, inspired sa John en Marsha (1973-1990) ang Pepito Manaloto, kaya minahal din talaga ng sambayanan kagaya ng pagkatuwa dati kina Mang Dolphy at Nida Blanca.

Continue reading below ↓

Kunsabagay, puwede talagang sina Bitoy at Manilyn Reynes na ang John en Marsha sa makabagong panahon.

NOEL FERRER:

Mas masaya at mas pinalakas na Bitoy ang mapapanood sa bagong Pepito Manaloto!!! Series na tuluyan ba ito o tapusan?

Ano’t anuman, aabangan pa rin ito!

Maganda rin na magkakakumpetisyon ito sa TV5 sa sitcom na Oh My Dad with Ian Veneracion, Dimples Romana, Sue Ramirez, Ariel Ureta, Gloria Diaz, and Macoy Dubs. Si Jeffrey Jeturian ang director ng Oh My Dad.

At least, di ba, hindi puwedeng makampante. Sana on their toes palagi para sa mas magaganda at mas kapupulutan ng aral at saya - para muli-muli, sa huli’t-huli, ang audience ang panalo!!!

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pepito Manaloto na pinagbibidahan ni Michael V., laugh trip ang three mini-stories sa bago nitong format sa GMA-7.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results