MMFF 2020, online ang showing ngayong Pasko; Sinu-sino na nga ba ang mga kalahok?

by PEP Troika
Oct 8, 2020
Una nang naanunsiyo na ang first four films ng MMFF 2020 ay The Exorcism of My Siszums nina Toni at Alex Gonzaga; Praybeyt Benjamin 3 ni Vice Ganda; Mga Kaibigan ni Mama Susan ni Joshua Garcia; at Magikland ni Miggs Cuaderno.
PHOTO/S: Toni Gonzaga Youtube / @praybeytbenjamin @garciajoshuae @miggscuaderno Instagram

NOEL FERRER:

Anuman ang mangyari, tuloy ang Metro Manila Film Festival 2020!

Iyan ang napagdesisyunan sa katatapos pa lang na meeting ng MMFF, na talagang well-attended at puno ng good vibes.

Sa pangunguna ni Tita Boots Anson Rodrigo, nag-alay ang grupo ng dasal sa resolusyon ng commendation sa mga yumaong MMFF Executive Committee members na sina Manay Ichu Vera-Perez Maceda at si Atty. Rolando Duenas.

Pinakamalaking balita na magiging ONLINE na ang MMFF sa taong ito at ia-announce sa mga susunod na mga araw ang magiging ka-partner na worldwide streaming ng mga kalahok.

This ensures that the biggest, the most popular, and the longest-running Filipino film festival will be happening everywhere—recreating happy traditions and experiencing MMFF beyond-the-movies—together with the whole family.

Nakaka-excite ito dahil ultimo ang president ng Cinemalaya Foundation na si Direk Laurice Guillen ay kumbinsido sa nakuhang malawakang streaming partner ng MMFF, baon ang mahahalagang learning nila sa nakaraang online Cinemalaya.

Continue reading below ↓

But here are some important announcements sa mga gustong sumali pa sa finished film entries.

Acknowledging the challenges ng film shooting ngayon, the deadline for finished film submission is moved from October 15 to November 15.

Samantalang ang finished films based on the approved scripts ay may bagong deadline from October 31 to November 30.

This will give producers and filmmakers more time na puliduhin pa ang kanilang entries.

Magandang balita rin na WAIVED na ang entry fees ng mga isinubmit for consideration sa MMFF Summer Festival. They just have to fill out the forms for resubmission.

Dahil sa ONLINE distribution, mas maraming Pilipino ang makakapanood ng mga pelikula.

Isang major na kunsiderasyon ang pag-iwas sa piracy, na natugunan ng magiging partner ng MMFF, at i-aannounce sa mga darating na araw!

Tuloy na tuloy ang MMFF ngayong Pasko!!!

JERRY OLEA:

Aabangan natin kung paano ang Parada ng mga Bituin at Gabi ng Parangal ng MMFF 2020 sa ilalim ng new normal.

Continue reading below ↓

At least, with the online festival, na-solve na iyung unequal distribution ng cinemas before.

Magandang balita rin nalabas na ng ruling ang Office of the Solicitor General under the Office of the President na ang MMDA at hindi ang ano mang ahensya o council ang may jurisdiction ng MMFF.

"Case closed na ito!" pagdidiin ng isang showbiz insider.

Ang first four official entries ng 46th MMFF batay sa screenplay ay una nang inanunsiyo noong July.

Kasama rito ang comedy film ni Vice Ganda na Praybet Benjamin 3 at comedy horror nina Toni at Alex Gonzaga na The Exorcism of My Siszums.

Gayundin ang fantasy adventure nina Miggs Cuaderno, Jun Urbano at Bibeth Orteza na Magikland pati na ang horror film ni Joshua Garcia na Ang Mga Kaibigan ni Mama Susan.

GORGY RULA:

Wala akong ideya kung nagsimula nang mag-shoot ang mga pelikulang napili ang script.

Wala pa akong nakikitang nai-post si Vice Ganda tungkol sa MMFF entry niyang Praybeyt Benjamin 3.

Continue reading below ↓

Ang pagkakaalam ko, tapos nang mag-shoot si Direk Chito Roño ng Mga Kaibigan ni Mama Susan, at nasa post production na rin ang Magikland ng Brightlight Productions.

Wala rin akong balita sa The Exorcism of My Siszums. Sana, umabot sila sa deadline, di ba?

Mukhang wala nang partisipasyon dito ang FDCP na naghahanda sa Pista ng Pelikulang Pilipino na gaganapin mula Oktubre 31 hanggang Nobyembre 15 sa bagong FDCP Online Channel.

“Sama All” ang tema ng PPP4 kung saan mahigit 100 pelikula ang ipapalabas online.

Kabahagi rito ang iba’t ibang film festivals gaya ng Cinemalaya Philippine Independent Film Festival, QCinema International Film Festival, Cinema One Originals Film Festival, Sinag Maynila Film Festival, CineFilipino Film Festival, ToFarm Film Festival, at Metro Manila Film Festival.

Pati na rin iba’t ibang producer at regional film festival, ang PPP Retrospective, ang Lab portion ng Sine Kabataan Short Film Competition, at ang CineMarya Women’s Film Festival.

Continue reading below ↓

Nilinaw ni FDCP Chairperson Liza Diño na ang lahat na kita ng pelikula ay buong mapupunta sa mga producer.

PPP4 offers several festival subscription options. The Full Run Pass (PHP 599) grants a 16-day access to the Premium Selection films and events, free content, free panel sessions/workshops, calendar, and trailers.

The Half Run Pass (PHP 299) provides access to the short films library and full-length scheduled screenings for eight consecutive days.

The Day Pass (PHP 99) gives access to the short films library and full-length scheduled screenings for one day.

The Early Bird Rate for the Full Run Pass, priced at PHP 450, is available until October 15.

There is also a Free Pass that provides access to the calendar and free content.

Beginning October 16, senior citizens and persons with disabilities (PWDs) can avail of a 20% discount while students will get to enjoy a 30% discount.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Una nang naanunsiyo na ang first four films ng MMFF 2020 ay The Exorcism of My Siszums nina Toni at Alex Gonzaga; Praybeyt Benjamin 3 ni Vice Ganda; Mga Kaibigan ni Mama Susan ni Joshua Garcia; at Magikland ni Miggs Cuaderno.
PHOTO/S: Toni Gonzaga Youtube / @praybeytbenjamin @garciajoshuae @miggscuaderno Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results