Vice Ganda, limitado ang galaw sa It's Showtime sa Channel 11

by PEP Troika
Oct 10, 2020
Vice Ganda in white long dress with MABAIT printed on it.
Marami ang nakapansi na limitado ang pakuwela ni Vice Ganda sa unang broadcast ng It's Showtime sa Zoe TV Channel 11.
PHOTO/S: Screen grab from It's Showtime, ZBN Channel 11

GORGY RULA

Bilang nasa A2Z Channel 11 (Zoe TV na isang Christian station) na ang It’s Showtime simula Oktubre 10, Sabado, marami ang nagsasabing tiyak na limitado na ang jokes ni Vice Ganda na medyo may kahalayan minsan, pati ang paglalandi-landi niya.

Kaya pagkatapos ng opening number kung saan kinanta niya ang "Unstoppable," nagpalit siya ng damit na isang white long dress na may nakasulat na ‘MABAIT.’

Kuwento ni Vice Ganda, tinanong siya kung ano ang isusuot niya.

“Mabait,” sagot daw niya.

Kaya parang isa siyang diwata sa white dress na suot niya na may nakasulat na ‘Mabait.’

Mukhang limitado na ang mga pakuwela ni Vice Ganda at ewan ko kung puwede na nilang gawin ni Ion Perez ang mga pa-sweet nila sa TV na dati nilang ginagawa sa ABS-CBN 2.

Pero ang mahalaga ay nasa free TV na sila at sinasabi ng comedian/TV host na nagpapasalamat siya sa Zoe TV dahil binigyan sila ng isa pang tahanan para sa kanilang pamilya.

Continue reading below ↓

“Kasi tayo, kapamilya, masaya tayo, e. Masaya tayo sa ating tahanan sa ABS-CBN. Ngayon, binigyan tayo ng isa pang tahanan para sa ating pamilya. Kaya paulit-ulit talaga kaming magpapasalamat,” sabi ni Vice Ganda.

“Maraming salamat, Bro. Eddie Villanueva,” paabot naman ni Vhong Navarro sa may ari ng Zoe Broadcasting Network.

JERRY OLEA

Kung may Vhong Navarro ang It’s Showtime, may Sphencer Reyes ang Eat Bulaga nitong Oktubre 10, Sabado.

Si Sphencer na nasa Scotland, UK, ang home partner ni Maritoni Fernandez na naglaro sa "Bawal Judgmental" segment.

Sina Vhong at Sphencer ay dating members ng dance group na Streetboys.

Ang It’s Showtime, meron namang A from A—si Anne Curtis na nasa Australia.

Sabi ni Vice Ganda, zuper at zobra-zobra ang kanilang zaya ngayong nasa free TV na naman sila sa A2Z Channel 11.

Ito ang bahagharing idinadalangin ni Vice.

Siyempre, hindi na tayo hopia o asado na merong magpapa-wetpaks or something to that effect.

Continue reading below ↓

Or else, baka maging A2X ang It’s Showtime.

OK na iyang "Tawag ng Tanghalan" na nag-weekly finals.

Mahina pa ang signal ng A2Z kaya siguradong kabog ang It’s Showtime sa TV ratings.

Pero ito ay simula pa lamang... kaya exciting ang mga kaganapan sa mga susunod na araw, lalo na kung meron nang noontime show ang TV5, at kung rumatsada rin ang Happy Time ng Net 25.

NOEL FERRER

Maganda ang sandaling pagbati ni Anne Curtis sa It’s Showtime family from Melbourne, Australia.

Dahil may iba’t iba nang platforms ang mga manonood, ang challenge ay ang mas mapaganda pa ang kalidad ng presentation.

Kung may Sphencer (may “h” na talaga?) at Maritoni sa Eat Bulaga, may Jodi Sta. Maria at Raymart Santiago kasama ng kapatid na si Rowell sa It’s Showtime.

Ang ok ay full load ang dalawang live show. Kaya sana, wala nang balikan sa replay, please!!!

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Marami ang nakapansi na limitado ang pakuwela ni Vice Ganda sa unang broadcast ng It's Showtime sa Zoe TV Channel 11.
PHOTO/S: Screen grab from It's Showtime, ZBN Channel 11
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results