Sanya Lopez, ipinaliwanag ang pag-back out ni Marian Rivera sa First Yaya

by PEP Troika
Oct 13, 2020
Sanya Lopez (left) on replacing Marian Rivera (right) on GMA-7's First Yaya: “Ang maipapangako ko lang po sa inyo ay gagawin ko po ang lahat para magawa ko po at mahalin niyo rin po ako bilang inyong Yaya Melody.”
PHOTO/S: @sanyalopez / @marianrivera Instagram

GORGY RULA

Marami ang agree sa pagpili kay Sanya Lopez bilang kapalit kay Marian Rivera sa upcoming GMA-7 drama series na First Yaya.

Pero hindi maiwasang may fans pa rin si Marian na hindi matanggap kung sino man ang papalit sa Kapuso Primetime Queen.

May ilang hindi magagandang komentong ibinato kay Sanya, pero may mga nagtatanggol din.

Hindi nagpabaya ang Sanya warriors at ilan pang fans club niya sa pagtatanggol at pagbubunyi na ang Kapuso sexy actress ang piniling magbida sa proyektong ito.

Nakiusap si Sanya na sana ay suportahan siya.

Tiniyak niyang huhusayan ang proyekto na dapat sana ay para kay Marian, na tinawag niya sa palayaw na Yanyan.

Pahayag ni Sanya sa mediacon nitong Oktubre 13, Martes ng tanghali:

“Sa lahat po na sumusuporta kay Ate Yanyan, gusto ko lang pong sabihin sa inyo na kung ano man po siguro yung naging desisyon ni Ate Yanyan ay para sa ikabubuti ng pamilya niya.

Continue reading below ↓

“Siguro, bilang isang ina na mas pinili niya yung ikabubuti para sa mga anak niya, at dapat lang din siguro natin irespeto yun.

“Siguro, kung ako rin ang isang ina ay gagawin ko rin po siguro yun.

“Ang maipapangako ko lang po sa inyo ay gagawin ko po ang lahat para magawa ko po at mahalin niyo rin po ako bilang inyong Yaya Melody.”

NOEL FERRER

Laging magandang istorya ang mga nabubuo with the yayas, na mala-Cinderella ang inspirasyon.

It shows love transcending social classes.

Kaya naman, naalala natin ang pelikulang Pati Ba Pintig Ng Puso? (1985), kung saan yaya si Jena (Sharon Cuneta) at yayamanin si Aldrin (Gabby Concepcion).

May Inang Yaya (2006) si Maricel Soriano pero iba naman ang ipinakita rito—ang paninilbihan sa anak ng iba kumpara sa tunay na anak.

Si Jodi Sta. Mari ay naging yayey rin sa defunct Kapamilya teleserye na Be Careful With My Heart.

Continue reading below ↓

Ganito kaya ang tahakin ng kuwento ng bagong teleserye ni Sanya?

Ang tanong ko lang, ii-incorporate ba nila ang pagkakaroon ng pandemya sa kuwento, o deadma katulad ng karamihan ng teleserye ngayon?

Gusto ba ng mga manonood makita ang katotohanan o mas gusto nila ang nakasanayang “old normal” na walang social distancing?

JERRY OLEA

Hindi lang si Marian ang pinalitan sa First Yaya.

Ang aalagaan dito ni Yaya Melody ay hindi na tsikiting, kundi teenager na.

Bawal kasing mag-taping ang below 15 years old.

Kaya sa Kapuso teledramang Prima Donnas, natanggal ang 14-anyos na si Sofia Pablo na isa sa tatlong bida.

Siyempre, iba ang First Yaya sa Kapamilya series na Be Careful With My Heart, kung saan pumatok ang istorya nina Maya (Jodi Sta. Maria) at biyudong Ser Chief (Richard Yap).

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sanya Lopez (left) on replacing Marian Rivera (right) on GMA-7's First Yaya: “Ang maipapangako ko lang po sa inyo ay gagawin ko po ang lahat para magawa ko po at mahalin niyo rin po ako bilang inyong Yaya Melody.”
PHOTO/S: @sanyalopez / @marianrivera Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results