The Clash, pataas nang pataas ang rating kahit bina-bash ang ilang contestants

by PEP Troika
Oct 14, 2020
PHOTO/S: Courtesy of GMA-7

GORGY RULA

Hindi pa rin siguro talaga nawawala ang hilig ng mga tao sa singing contests kaya gustung-gusto nila itong panoorin.

Agree ba kayo roon, mga ka-Troiks?

Sa loob ng dalawang linggong pag-ere ng The Clash Season 3, pataas nang pataas ang rating nito, ayon sa AGB NUTAM.

Noong Sabado, October 10, ay 18.8% ang nakuha nitong rating.

Noong Linggo, October 11, ay 20.4% naman ang nakuha nito.

Ang napansin namin, mataas ang episode nito sa Sabado, pero mas tumaas pa kinabukasan. Maganda ang pagkakabitin nila sa Sabado para subaybayan ng mga manonood pagka-Linggo.

Marami ang nagkomentong maraming contestants na nakasali na sa iba’t ibang singing competitions, pero interesting pa ring panoorin kung papasok sila sa The Clash. Kaya abangan ito sa darating na weekend.

Totoo bang pababalikin yung mga natalo at magkakaroon ng "one more clash"?

Makalusot kaya rito yung magaling mag-impersonate kay Angel Locsin na si Jenny Gabriel, at ang dating kasamahan nina Julie Anne San Jose at Rita Daniela sa Sugarpop na si Cholo Bismonte?

Continue reading below ↓

Samantala, naka-17.3% ang Pepito Manaloto noong Sabado.

Mataas din ang Bea Binene-Martin del Rosario episode ng Magpakailanman na naka-19.9%, at 10.9 percent naman ang replay ng Daddy’s Gurl.

Noong Linggo, October 11, ay nakakuha ng 5.8% ang All-Out Sundays. Sumunod ang Wagas na 5.3%, at 5.8% ang Dear Uge na replay episode din. Mas mataas pa ito sa fresh episode noong nakaraang Linggo.

Mataas din ang pelikulang Patikul sa GMA Blockbuster na naka-6.8%, at super-taas ang fresh episode ng Amazing Earth ni Dingdong Dantes na naka-12.4%.

Bahagyang tumaas ang Kapuso Mo Jessica Soho na naka-20.7%, at 6.2% naman ang replay episode ng The Boobay and Tekla Show.

JERRY OLEA

Hindi pa ba nasasagap ng NUTAM ang ratings ng A2Z Channel 11?

For sure, maraming interesado sa ratings ng It’s Showtime noong Sabado, at ASAP Natin ‘To noong Linggo.

Sa Oktubre 18, Linggo, ay magpapaningning na sa TV5 ang Sunday Noontime Live (12:00 NN-2:00 P.M.), I Got You (2:00-3:00 P.M.), at Sunday Kada (3:00-4:00 P.M.), kaya mas masaya na ang mga kaganapan sa telebisyon.

Continue reading below ↓

All-Out Sundays vs Sunday Noontime Live vs ASAP Natin ‘To!

Siyempre, hindi basta-basta nganganga ang Kapuso Network.

Noong Oktubre 10, Sabado, nag-umpisa ang Pepito Manaloto: Kuwento, Kuwento! Itinampok dito ang mini-stories na “On-Lie Shopping,” “Bugok,” at “Eme ni Enemy.”

More and more ang mini-stories ng Pepito Manaloto: Kuwento, Kuwento! na kikiliti sa atin, at maghahatid ng aral.

Sa Oktubre 17, Sabado ng gabi, fresh na naman ang episode ng Magpakailanman anthology na hinu-host ni Mel Tiangco.

Sa episode na "Sign Language of Love," abangan si Jeric Gonzales bilang deaf student na mai-in love sa kanyang teacher na ginampanan ni Thea Tolentino. Sumailalim sina Jeric at Thea sa workshops para matuto ng sign language.

Sa The Clash, bina-bash ang ilang contestants. May nagreklamo ring maraming hosts ang programa, gayong may tatlo nang hurado rito.

Aba! You cannot argue with success, 'ika nga.

Trending na ang The Clash, bonggacious pa sa ratings!

Continue reading below ↓

NOEL FERRER

Kailangan ng mga tao ng pang-aliw at pera habang naaaliw, kaya hit ang talent shows o yung puwedeng pagkakitaan.

Again, support ako sa mga fresh episodes sa TV kaya go, go, go!!!

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Courtesy of GMA-7
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results