K Brosas, itinangging pinigilan siya ng ABS-CBN na lumipat sa TV5

by PEP Troika
Oct 14, 2020
K Brosas (left) and KC Montero (right) are among the hosts of TV5's upcoming noontime show, Lunch Out Loud.
PHOTO/S: Courtesy of Brightlight Productions

JERRY OLEA

Pinagbibintangang traydor ang Kapamilya stars na lumipat sa TV5.

Kabilang sa mga pinaratangan si K Brosas, na nag-pinchhit bilang talent scout sa Bangon Talentadong Pinoy, at isa sa hosts ng daily noontime show na Lunch Out Loud (LOL) na mag-uumpisa sa Oktubre 19, Lunes.

Sa virtual mediacon ng TV5 at Brightlight Productions nitong Oktubre 14, Miyerkules, inurirat si K kung kusa siyang umalis, o pinaalis siya sa ABS-CBN.

Pahayag ni K, una siyang nawala sa Umagang Kay Ganda, kung saan lumalabas siya dalawang beses bawat linggo sa loob ng apat na taon.

“Sa Tawag ng Tanghalan sa It’s Showtime, hindi ako every day na hurado. Marami kaming mga hurado, mga labinlima [15],” paliwanag ng singer-comedienne.

“Twice a week akong hurado sa Tawag, minsan once a week.

“Nang dumating itong offer na Lunch Out Loud, isa itong malaking blessing sa akin, na maging regular host ng daily noontime show.

Continue reading below ↓

“Nagpaalam ako nang maayos sa mga taga-Showtime, at naintindihan nila. Sabi nila, they’re happy for me.

“Alam ito nina Vice, T’yang Amy [Perez], at masaya sila para sa akin.”

Natutuwa si K sa camaraderie nila ng fellow LOL hosts na sina Billy Crawford, Bayani Agbayani, Wacky Kiray, KC Montero, Alex Gonzaga, Macoy Dubs, Jeff Tam, at Ariel Rivera.


Continue reading below ↓

Tahasang itinanggi ni K na hinarangan o pinigilan ng ABS-CBN ang pag-ober da bakod niya.

Ani K, si Erickson Raymundo ng Cornerstone Entertainment ang nakausap ng mga taga-It’s Showtime.

After three months na pamamahinga ni K sa "Tawag ng Tanghalan," tinawagan ang Cornerstone para bumalik siya bilang hurado.

Doon daw sinabi ni Erickson na may offer na kay K na mapasama bilang isa sa hosts ng daily noontime show ng Kapatid Network.

“Walang nega!” pagdidiin ni K.

“Alam nila na pinapangarap ko ito, matagal ko na itong ipinagdarasal.

“Wala pong kumpetisyon sa amin. Magkakaibigan kami. Mamaya nga, magkikita-kita kami nina Ogie [Alcasid] at Vice sa prayer group namin.

“Walang humarang!”

Inamin ni K na may kirot siyang naramdaman nang lisanin niya ang Kapamilya Network at lumipat siya sa TV5.

“Isa ako sa pinakamaingay noong nawala ang prangkisa ng ABS-CBN!” bulalas ni K.

“Doon lang ako sa tama. Iyon ang ipinaglalaban ko.

Continue reading below ↓

“Bilog po ang mundo. Nag-start ako, e, sa Eat Bulaga. Napunta ako sa TV5, sa Talentadong Pinoy.

"Nag-QTV rin ako, bago nag-ABS-CBN. Ang kulang na lang, Animal Planet.

“Matagal ko nang pinapangarap na maging host ng noontime show na every day. Hindi po ako exclusive sa ABS-CBN.

“Hindi ko maitatanggi na sa ABS-CBN talaga ako nakilala nang husto. Malaki ang utang na loob ko sa ABS-CBN, kaya I’m eternally grateful!”

GORGY RULA

Sayang at wala si Alex Gonzaga sa mediacon.

Pero isa raw siya sa excited dito sa LOL, lalo na’t balik-TV5 na siya. Happy raw siya dahil ang kanyang mga kapamilya ay mga kapatid na rin niya.

Ang narinig naming pinanghihinayangan daw talaga ng It’s Showtime ay si K Brosas. Pero sa panahon ngayon, kailangan talaga ang regular na trabaho.

Huwag na lang sigurong i-nega ang paglipat nila ng TV5 dahil masaklap na ang nangyari sa kanila sa ABS-CBN.

Continue reading below ↓

Curious ako sa pagbabalik-TV ni KC Montero. Matagal-tagal na rin siyang hindi napapanood.

Kaya thankful siya dahil makakasama pa niya ang best friend na si Billy Crawford. Pero “scary” raw ito sa kanya.

Muling makakasama ni KC ang mga dati niyang nakatrabaho, at ang mahalaga ay marami silang mapapasaya.

Sabi ni KC, “Ito yung pinaka-biggest opportunity sa career ko… I mean, lunch… noontime every day.

“This is everybody’s dream, lalo na sa mga hosts.

“To be part of this cast is super super fun. I’m very excited, and to work with these people and watch them as hosts is a treat for me.

“As Billy was saying, it’s not about competing, it’s not about being the number one show.

"It’s about giving people hope, it’s about making people feel happy and good.

“Good vibes talaga ang show na ‘to."

NOEL FERRER

Test of pangangailangan at character na rin ang desisyon ng pananatili sa network at paglipat.

Continue reading below ↓

Nasabi na ni K Brosas ang kanyang dahilan.

Medyo naantala at naging urong-sulong lang ang paglipat o pag-uwi ni Alex Gonzaga sa dati niyang mga kapatid!

Excited ako sa mga bagong shows na ito.

Ang tanong lang talaga... can TV5 finally have loyal viewership now that the station has bigger stars and bigger shows? That remains to be seen!

Good luck and all the best!!!

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
K Brosas (left) and KC Montero (right) are among the hosts of TV5's upcoming noontime show, Lunch Out Loud.
PHOTO/S: Courtesy of Brightlight Productions
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results