Dear Uge ng GMA-7, may dalawang bagong katapat na programa sa TV5

by PEP Troika
Oct 15, 2020
(Top, left) Eugene Domingo's weekly comedy-drama anthology Dear Uge will have Tom Rodriguez as this week's guest; (top, right) Beauty Gonzalez, RK Bagatsing, and Jane Oineza star in TV5's new romance-drama series I Got You; (bottom) TV5's new gag show Sunday Kada will feature (from left) Jayson Gainza, Wacky Kiray, Badji Mortiz, Sunshine Garcia, Ritz Azul, Jhen Maloles, Jerome Ponce, Daniel Matsunaga, and Josh Colet.

JERRY OLEA

Fresh na naman ang episode ng Dear Uge sa Oktubre 18, Linggo ng 2:45 P.M., sa GMA-7.

Sa episode na “Read My Heart,” pangarap ni Lalai (Eugene Domingo) na makapagtapos ng pag-aaral ang nakababata niyang kapatid na si Cora.

Sa kabutihang palad ay naging successful si Cora at nakapag-asawa ng foreigner sa USA.

Isang araw, namatay ang asawa ni Cora kaya naisipan ni Lalai na puntahan ang kanyang kapatid.

Dahil hindi nakapagtapos ng pag-aaral si Lalai, humingi ito ng tulong sa English tutor na si Elmer (Tom Rodriguez) para paghandaan ang kanyang U.S. Visa application.

May bahid kaya ito ng pelikulang English Only, Please (2014), na pinagbidahan nina Derek Ramsay at Jennylyn Mercado, sa direksiyon ni Dan Villegas?

Dalawang bagong palabas ng TV5 ang katapat ng Dear Uge—ang romance-drama series na I Got You (2:00-3:00 P.M.) at ang comedy show na Sunday Kada (3:00-4:00 P.M.).

Love triangle sina Beauty Gonzalez (therapist na si Del), RK Bagatsing (secret lover na si Louie), at Jane Oineza (beauty vlogger na si Risa) sa I Got You, na idinirek ni Dan Villegas.

Continue reading below ↓

Kapana-panabik na malaman ang kuwento ng sugat sa puso nila, lalo pa’t ang ganda ng timpla ng teaser, “Love hurts pero... I Got You.”

Mukhang kumpleto sa sangkap ang Sunday Kada, na ang unang pasiklab ay liglig at siksik sa good vibes na kinunan sa isla ng saya.

Dalampasigan ng Boracay ang setting kaya swak ang seksi-seksihang sina Ritz Azul, Miles Ocampo, Sunshine Garcia, at Jhen Maloles bilang bikini babes!

May pa-abs naman ang yummylicious pogilicious na sina Daniel Matsunaga, Josh Colet, at Jerome Ponce.

Pasimuno siyempre sa kalokohan sina Jayson Gainza, Wacky Kiray, at Badji Mortiz.

GORGY RULA

Tapatan ito ng drama ng Dear Uge at comedy ng Sunday Kada.

Magmula nang sumali si Eugene Domingo sa drama ng Dear Uge, maganda ang takbo ng ratings ng programa niya.

Mas gusto yata talaga ng mga manonood ang drama-dramahan sa hapon. Kaya laging wagi ang weekdays afternoon drama ng GMA-7.

Continue reading below ↓

Dito kasi sa Dear Uge, hindi mo ma-predict kung anong drama ang gusto ng mga manonood. Minsan, mas mataas pa ang rating ng replay kesa sa ilang fresh episodes.

Tingnan natin ngayon kapag meron na itong katapat na comedy, lalo na’t sanay na sa patawa ang cast ng Sunday Kada dahil ginagawa na nila ito sa dati nilang gag show na Banana Sundae sa ABS-CBN.

Sabi nga ni Miles Ocampo, kaagad silang naging kumportable sa isa’t isa, at na-enjoy nila ang first taping ng Sunday Kada sa Boracay. Ganito rin daw ang ginagawa nila dati na sila-sila ang magkasama.

Sabi naman ni Badj Mortiz, sa panahon ngayon ay kailangan ng mga manonood ang mga patawa.

“May mga bago pong sketch na never pa napapanood. Pero yung saya na ibinigay ng group, nandoon pa rin, e.

"Nandoon yung energy, nandoon pa rin po yung excitement noong nag-shoot kami.

“Kasi, after ilang buwan na walang work, ito na, magbabalik ulit yung comedy sa telebisyon.

Continue reading below ↓

“Ito lang ang gusto naming gawin, na mapasaya lang ang mga tao.

"Sa dami po ng problema every day, parang tama na muna sana yung drama, tawa muna po tayong lahat,” pahayag ni Badj Mortiz sa virtual mediacon ng Sunday Kada noong Miyerkules, October 14.

NOEL FERRER

Dito nakikita na COMPETITION can be healthy.

Naghahamon para i-deliver ang the best at hindi nagiging kampante!

Muli, sana ay tuluy-tuloy na ang fresh episodes because the public deserves those. Even the artists need jobs.

Ikalawa, natutuwa ako na nag-e-effort talaga ang lahat sa kanilang produksiyon!

Masaya ako na aarte ulit si Uge at hindi lang presenter ng kanyang comedy anthology.

Exciting din ang bagong TV5 shows na Sunday Kada at I Got You.

These new shows will definitely up the ante and momentum to produce new concepts and involve really talented and stars with gravitas sa mga produksyon.

And like what I always say, ang panalo ay ang audience din!!!

Continue reading below ↓

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
(Top, left) Eugene Domingo's weekly comedy-drama anthology Dear Uge will have Tom Rodriguez as this week's guest; (top, right) Beauty Gonzalez, RK Bagatsing, and Jane Oineza star in TV5's new romance-drama series I Got You; (bottom) TV5's new gag show Sunday Kada will feature (from left) Jayson Gainza, Wacky Kiray, Badji Mortiz, Sunshine Garcia, Ritz Azul, Jhen Maloles, Jerome Ponce, Daniel Matsunaga, and Josh Colet.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results