Virtual concert ni Alden Richards, mas mahal ang tickets kumpara sa digital concert ni Daniel Padilla

by PEP Troika
Oct 15, 2020
Kapuso star Alden Richards will stage a virtual concert titled "AR: Alden's Reality" on December 8, 2020 to celebrate his 10th anniversary in showbiz.
PHOTO/S: Instagram

JERRY OLEA

Ini-announce ni Alden Richards sa New Year Countdown ng Kapuso Network noong Disyembre 31, 2019 na may concert siya ngayong 2020 upang ipagdiwang ang ika-sampung anibersaryo niya sa showbiz.

Hulyo 25, Sabado, sana iyon gaganapin. Siyempre, ipinagpaliban iyon dahil sa COVID-19 pandemic.

“We’ll work on that. We’ll find a way to still produce a concert this year,” sambit ni Alden sa virtual mediacon ng isa niyang endorsement noong Agosto 14, Biyernes.

Nitong Setyembre 20, nag-post si Alden sa kanyang Instagram account: “Malapit na tayong magkasama uli! Save the date: Dec 8! #AldensReality #AldenRoadToTen”

Iyon na nga ang virtual reality concert niyang AR: Alden’s Reality to celebrate his 10th anniversary in showbiz, na gaganapin sa Disyembre 8, Martes, 9:00 P.M.

Continue reading below ↓

Ang tiket ay nagkakahalaga ng P999 (General Admission) at P1,200 (VIP). Available na bukas, Oktubre 16, Biyernes, via gmanetwork.com/synergy.

Sa nasabing website ay may info tungkol sa concert at admission rules.

Itong Alden’s Reality raw na ididirek ni Paolo Valenciano ang “first ever virtual reality show in the Philippines.”

Kapansin-pansing mas mahal ang tiket sa Alden’s Reality concert kesa sa Apollo: A Daniel Padilla Digital Experience noong Oktubre 11, Linggo, na P499 ang tiket.

Continue reading below ↓

NOEL FERRER

Buti naman at tuloy ang mga ganitong virtual concert, tulad ng successful na Apollo concert ni Daniel Padilla, at heto ngang parating na Alden’s Reality ni Alden Richards.

Bago pa man sumalang si Alden sa December, meron ding ONLINE concert sina Mitch Valdes at Mel Villena sa October 24, at puwede nang makuha ang tickets sa Ticketworld at 88919999.

This goes to show na kahit may pandemya, Filipinos will always find ways for self-expression and to earn money.

Sana, masuportahan natin itong mga pinaghihirapan nilang palabas!

GORGY RULA

Ang ini-expect ko sana kay Alden ay humataw siya ng sayaw sa 10th anniversary concert niya.

Napapansin ko sa Eat Bulaga!, lalo siyang gumagaling sumayaw at ang sexy pa niya.

Dagdag-kuwela kung sasayawin niya ang folk dance na "Maglalatik" na kantiyaw sa kanya dati sa "Bawal Judgmental."

I-improvise na lang nila at pag-isipan ng makabagong style. Tiyak na kering-keri iyan ni Alden.

Continue reading below ↓

Ang hindi lang maiwasan ay malamang pagkumparahin ang online concert nila ni Daniel Padilla.

Hindi na maiwasang sila na talaga ni Daniel ang mahigpit na magkatunggali ngayon!

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapuso star Alden Richards will stage a virtual concert titled "AR: Alden's Reality" on December 8, 2020 to celebrate his 10th anniversary in showbiz.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results