The Clash Season 2 winner Jeremiah Tiangco, hindi naiinip sa kanyang career; handang magpa-sexy

by PEP Troika
Oct 15, 2020
Jeremiah Tiangco on going sexy: "Siyempre, go tayo diyan. Nandito na tayo, e, matagal ko na pinangarap ito."
PHOTO/S: Courtesy of GMA Records

GORGY RULA

Simula ngayong October 15, Huwebes, ay mapapakinggan na sa Apple Music, Spotify, YouTube Music, at iba pang digital stores ang debut single ng The Clash Season 2 champion na si Jeremiah Tiangco.

Ito ang awiting "Titulo" na inilaan noong nakaraang taon sa kung sino ang tatanghaling champion sa second season ng The Clash.

Sinasalamin ng kantang ito ang relasyong walang label.

Ang tindi ng kanta dahil ang nagsulat nito ay sina Vehnee Saturno, Ebe Dancel, Jungee Marcelo, at Top Suzara ng Filscap Master Camp.

Kaya ang laki ng pasasalamat ni Jeremiah na sa kanya ibinigay ang awitin.

Para sa amin ay maganda ang pagkakanta niya, at bumagay sa kanya.

Sabi-sabi, parang wala pa ring nangyayari sa career ng dalawang The Clash champions na sina Goden Cañedo (Season 1) at si Jeremy. At ginaganap na ngayon ang Season 3.

Hindi raw naiinip si Jeremiah. Naniniwala siyang sa tamang panahon ay ibibigay ng Diyos ang nararapat para sa kanya.

Continue reading below ↓

“In God’s perfect timing, mangyayari lahat kung ano ang gusto Niya.

“Itong time na ito, ginawa ni Lord para mag-improve talaga ako at abangan nila pagkatapos ng pandemic, baka magulat na lang sila,” punung-puno ng excitement na pahayag ni Jeremiah.

Kahit nasa pamilya siya ng mga pastor at napakarelihiyoso niya, open sa ideyang magpa-sexy si Jeremiah dahil panay ang workout niya para lalong mapaganda ang katawan.

“Sexy Soul Singer, SSS!” natatawang sagot sa akin ni Jeremiah sa titulong puwedeng ibigay sa kanya.

“Siyempre, go tayo diyan. Nandito na tayo, e, matagal ko na pinangarap ito,” bulalas niya.

Isa kasi sa wish niya ay mapasama rin siya sa grupo ng Bench models na mag-e-endorse ng Bench Body. Open na open si Jeremiah sa pagpapa-sexy.

Pero ang isa pang gusto niyang matupad ay makasali siya sa international singing competitions gaya ng American Idol, America’s Got Talent, The X Factor, The Voice, World Championship of Performing Arts, Karaoke World Championship, at marami pa.

Continue reading below ↓

Iyan daw ang pinaplano nila ngayon ng isa ring produkto ng The Clash na si Garrett Bolden.

“Siyempre naman, every artist’s dream na makasali sa ganoon kalaking competition at siyempre po, gusto ko to bring pride dito sa GMA,” pakli ng Caviteñong singer.

NOEL FERRER

Napakinggan ko ang kantang "Titulo"... maganda!

Narinig ko rin si Jeremiah Tiangco, may boses naman siya.

Ramdam mo na sinubukan niyang tumodo para markahan ang kanyang signature anthem.

Pero kahit ulit-ulitin ko, mahirap sundan ang kanta at nag-struggle talaga rito si Jeremiah.

At try niyong pakinggan ulit... parang ang daming boses at notang lumutang kaya parang napagod ako sa pakikinig. Kung saan-saan napunta ang kanta.

Siguro, parang pandemya... magandang matutunan ni Jeremiah na back-to-basic muna lahat bago mo baliin ang melodya.

Simplicity is beauty really!

JERRY OLEA

Simula noong Agosto 25 ay napapakinggan na worldwide ang bagong single ng The Clash Season 1 champion na si Golden Cañedo sa ilalim ng GMA Music... ang "Walang Hanggang Sandali."

Continue reading below ↓

Ang awit ay isinulat nina Ebe Dancel, Yumi Lacsamana, Herbert Hernandez, at Jim Paredes.

Produkto ito ng nakaraang Filscap Master camp, ang unang major songwriting collaboration sa Pilipinas.

Maaaring i-stream at i-download ang kanta ni Golden sa Spotify, YouTube Music, Apple Music, at iba pang digital platforms worldwide.

Ang lyric video nito ay naka-14K views na sa YouTube channel ng GMA Music.

Nawa’y magningning nang husto ang bituin nina Golden at Jeremiah bago mapili ang kampeon sa ikatlong season ng The Clash.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jeremiah Tiangco on going sexy: "Siyempre, go tayo diyan. Nandito na tayo, e, matagal ko na pinangarap ito."
PHOTO/S: Courtesy of GMA Records
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results