Mga artista at magkakalabang kumpanya, nagkaisa para sa kampanya laban sa COVID-19

by PEP Troika
Oct 16, 2020
May mga artistang mula sa iba't ibang networks gaya nina Jodi Sta. Maria (left) at Alden Richards (center), gayundin ang magkakalabang kumpanya ang naging bahagi ng Ingat Angat campaign laban sa pandemya.
PHOTO/S: YouTube (Unilab, Tourism Philippines, ) / DOH

JERRY OLEA

Napaluha ako sa Ingat Angat campaign na pinangunahan ng mga pribadong sektor, na suportado ng Department of Tourism.

Naka-53,000 views na iyon mula nang in-upload noong Oktubre 10, Sabado, sa YouTube channel din ng Tourism Philippines.

Sa Facebook page ng Ingat Angat, umabot na ito sa 1.5 million views.

Nagsanib-puwersa sa “Ingat Angat Tayong Lahat” video ang tatlumpong (30) brands, na karamihan ay magkakalaban sa negosyo.

Ngunit sa pagkakataong ito, nagkaisa sila upang ipabatid na sama-sama tayong lahat sa pagbangon.

Humaplos, kumurot, at lumapirot sa aking puso ang pagbibigkis ng mga kumpanya gaya ng mga sumusunod: Jollibee at McDo; Coke at Pepsi; Globe Telecom at Smart Communications; Petron at Shell; SM Supermalls, Robinsons Malls, at Ayala Malls; at marami pang iba.

Dalawang minuto at dalawampung segundo (2:20) ang video.

Ganito ang salaysay nito, “Aangat tayo muli. Ito ang paniniwalang ating panghahawakan.

“Sa ngayon, pangamba at pagdududa ang pumipigil sa ating ibalik ang dating buhay.

Continue reading below ↓

“Pero aangat tayo muli. Dahil may isang bagay na hindi kayang kunin ng COVID sa atin.

“Ito ang ating pagiging matibay at determinado.

“Tayo ang lahing hindi natitinag ng bagyo, lindol, baha, at pagsabog ng bulkan...”

Naalala ko tuloy nang mapaluha rin ako sa music video ng “Noypi” na in-upload noong Hunyo 12, 2020, Araw ng Kalayaan, sa YouTube channel ng Tourism Philippines.

Continue reading below ↓

Pinagpugayan doon ang overseas Filipino frontliners kontra COVID-19 pandemic. At this writing, mahigit 29,000 views na iyon sa YouTube channel.

CONTINUOUS FIGHT AGAINST COVID-19

As of October 15, Huwebes, Global Handwashing Day, may 348,698 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa DOH (Department of Health). Ang bilang ng aktibong kaso ay 48,040.

Ayon sa DOH, andiyan pa rin ang mga pasaway o nakakalimot sa safety guidelines para makaiwas sa sakit o para hindi makahawa.

Kaya makabuluhan ang bagong public service campaign ng Unilab, Inc. na “Malasakit Para Sa Isa’t Isa,” na isinusulong ng brand ambassadors na sina Jodi Sta. Maria at Dimples Romana sa social media.

Post ni Jodi sa Instagram, “Kapag may nakikita tayong nakakaligtaang sumunod sa alituntunin upang maiwasan ang COVID-19 tulad ng social distancing, pagsusuot ng face mask at frequent handwashing, maaari natin silang paalalahanan upang ipadama ang ating malasakit sa kanila.

Continue reading below ↓

“Malasakit ang kailangan upang COVID-19 ay maiwasan. #alagangtunay #alagangpilipino #alagangunilab”

Siyempre, andiyan pa rin si Alden Richards bilang Pandemic BIDA—Anti-COVID 19 Awareness Campaign Ambassador ng DOH.

Kagaya ng Ingat Angat campaign, may Viber stickers ang DOH, kung saan tampok si Alden.

NOEL FERRER

Habang naghahanap pa ng mas unified na COVID response ang mga sangay ng gobyerno, welcome ang tulong ng mga nasa private sector sa pamamagitan ng Ingat Angat campaign na kinapalooban ng 30 brands.

Pribadong sektor din ang “Malasakit Para Sa Isa’t Isa” campaign ng Unilab ambassadors na sina Jodi at Dimples, kung saan pinaiigting ang nasimulang kampanya ng DOH laban sa coronavirus.

Sa mga katulad nina Alden (DOH), Catriona Gray (DTI), Sarah at Matteo Guidicelli (Census), who represent the government and got paid in their engagements, we cannot expect them to say anything critical about this dispensation?

Just asking.

GORGY RULA

Ang galing natin gumawa ng mga ganoong campaign. Ang dami nating naiisip na magagandang ideya na tagos sa puso.

Continue reading below ↓

Pero ang mahalaga ay ang disiplina ng ilan sa ating mga kababayan.

Marami pa rin talagang pasaway, kaya sana, umepek sa kanila itong ikinakampanya nina Jodi at Dimples.

Sa gitna ng pinagdaanan natin ngayon, nakakalungkot na ang pinagmamalasakitan ng ilang mambabatas ay ang kani-kanyang upuan.

Sabi nga sa awiting “Upuan” ni Gloc 9: “Ang taong nagmamay-ari ng isang upuan / Na pag may pagkakatao’y pinag-aagawan

“Kaya naman hindi niya pinakakawalan / Kung makikita ko lamang siya ay aking sisigawan

“Kayo po na nakaupo, subukan nyo namang tumayo / At baka matanaw, at baka matanaw na nyo ang tunay na kalagayan ko...”

Nakakalungkot na sa halip na ang kalagayan ng mga mahihirap ang bigyang pansin, ang pinagtatalunan ay ang budget ng kani-kanyang distrito, na sana’y nakakarating sa kanilang kinasasakupan.

Kaya sa dasal na talaga tayo kumakapit.

Sana, muling ibalik ang kampanya na ginawa noon ng namayapang movie industry pillar na si Manay Ichu Maceda, ang araw-araw na pagdarasal ng rosaryo.

Continue reading below ↓

Ilan sa celebrities na nag-e-endorse ng pagrorosaryo ay sina Vic Sotto, Alden, Coco Martin, Dingdong Dantes, at Marian Rivera.

Tuwing October po kasi ay month of the Holy Rosary.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
May mga artistang mula sa iba't ibang networks gaya nina Jodi Sta. Maria (left) at Alden Richards (center), gayundin ang magkakalabang kumpanya ang naging bahagi ng Ingat Angat campaign laban sa pandemya.
PHOTO/S: YouTube (Unilab, Tourism Philippines, ) / DOH
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results