Sunday variety shows pabonggahan ng production numbers; alin ang wagi sa viewers?

by PEP Troika
Oct 18, 2020
Ngayong October 18, 2020, tatlong variety shows ang nagpasiklaban sa tema, talent, at production numbers sa telebisyon. Alin ang pinakabongga: AOS, ASAP o SNL?
PHOTO/S: PR

JERRY OLEA

Team LIVE!

Ipinagdiinan nina Piolo Pascual, Catriona Gray, Maja Salvador, Jake Ejercito, at Donny Pangilinan na live ang welcome party ng Sunday Noontime Live (SNL) ngayong Oktubre 18, 2020, Linggo ng tanghali, sa TV5.

SNL

Hataw sa kanta at sayaw ang Fabulous Five sa opening number, na very fresh ang vibe.

Continue reading below ↓

Impressive ang set, lighting, at galawan ng shots ng direktor na si Johnny Manahan, a.k.a. Mr. M.

OK ang commercial load ng SNL.

Kapagkuwan ay nagpasiklab si Billy Crawford to promote Lunch Out Loud, na mag-uumpisa bukas.

Limang baguhang mang-aawit din ang tampok sa ultimate vocal showdown. Ang tatlong babae ay naka-baby pink na gown, samantalang ang dalawang lalaki ay naka-baby blue na suit. Nanganganay pa lang ang programa, pero bonggang-bongga na ang mga paandar.

Hugot kete hugot ang five-member band na The Juans sa kanilang mga kanta.

Nagpakilig ang limang pogilicious members ng SB19.

Wow na wow ang savage indayog nina Ricci Rivero, Maris Racal, Kokoy de Santos, at Jerome Ponce, na umabot sa sukdulan ng pagtuwad-tuwad at pagkadyot na dance moves ni Maja.

Mag-isang nag-guest si Dimples Romana to promote Oh, My Dad, samantalang magkasalo sa isang awit sina Beauty Gonzalez, RK Bagatsing, at JK Oineza—ang tatlong bida ng romantic drama series na I Got You.

Continue reading below ↓

You can't also miss the costume changes nina Piolo, Catriona, Maja, Jake, at Donny. Stylish at sophisticated ng ultimate fashion statements ng Fab 5—minus face shields.

Naalala ko kay Donny ang makikislap na suot ng namayapang Kuya Germs (German Moreno) sa GMA Supershow at Walang Tulugan with the Master Showman.

donny pangilinan SNL

Continue reading below ↓

Samantala, "banned” man sa ASAP Natin ‘To ng ABS-CBN ang BuDaKhel (Bugoy Drilon, Daryl Ong, at Michael Pangilinan), okay lang dahil may presence sila sa AOS at SNL.

Sina Bugoy at Daryl ay live na kumanta sa SNL, kasama si Renee Dominique. Nagbigay-pugay sila sa Ben & Ben.

Nakapag-guest silang muli sa All-Out Sundays ng GMA-7, at AyOS ang shining moment ni Michael sa hit song niyang "Pare, Mahal Mo Raw Ako."

GORGY RULA

Nasisilip ko rin ang SNL at naaliw naman ako.

Na-achieve nilang magmukhang pang-millennial ang show, kaya tama ring mga bagets ang karamihang guests nila.

Kuhang-kuha naman ng ASAP Natin ‘To ang mga manonood na mahilig sa big production numbers at talagang magagaling na singers.

Pagdating sa big stars, lamang pa rin ang ASAP, pero mahirap lang ilipat sa TV namin. Ewan ko lang sa ibang manonood.

Kasi, madali lang maglipat-lipat sa GMA-7 para sa All-Out Sundays at sa SNL ng TV5.

Continue reading below ↓

Forte na talaga ng GMA-7 ang comedy, na iyon naman ang gustong tutukan ng masa. Sa mga viewers na gustong matawa at maaliw, swak ang AOS.

May bago silang segment na "Bentang-Benta" na hindi binitawan ng mga kasambahay ng ilang kaibigan ko, dahil aliw na aliw sila kina Boobsie, Boobay, Tekla, Pekto, Betong, pati si EJ Salamante, na kuhang-kuha ang pagsasalita ni Rufa Mae Quinto.

Continue reading below ↓

Pagdating sa kantahan, puwedeng ilaban ang "Four the Win" nina Julie Ann San Jose, Aicelle Santos, Thea Ashley, at Golden Cañedo.

Puwede silang itapat sa magagaling na singers ng ASAP.

Nakaka-stress lang na tuwing Linggo, gusto nang bumigay ang remote control sa palipat-lipat sa tatlong istasyon para mapanood ang masasayang noontime variety shows.

Continue reading below ↓

Pero ang mahalaga, mga manonood ang nag-e-enjoy at buhay na buhay na naman ang telebisyon. Hindi iyong sa online shows na lang nakatutok.

NOEL FERRER

Kitang-kita ang effort ng tatlong shows ngayong hapon na talagang sinubaybayan natin.

Hands down, nasa ASAP Natin ‘To ang pinakamagagaling na singers kaya asahan mo ang world-class performances sa kanila.

Aside from the regular ay may pa-award pa kay Moira, at celebration sa bagong kasal na sina KZ Tandingan at TJ Monterde, at may Lea Salonga pa!

Continue reading below ↓

Kailangang mag-adjust ang lighting ng ASAP dahil madilim ito at parang panggabi na show.

Sa SNL, kita mo ang kumpas ng kamay ni Mr. M with the camera shots at ang maliwanag, dynamic, very young, at buhay na buhay na set!

More practice pa si Miss Universe Catriona Gray sa pagkanta nang live, pero refreshing ang dating niya bilang host.

In fairness, ang guests ng SNL ay iyong mga nagte-trending like SB19, BL stars Kokoy de Santos and Jerome Ponce, The Juans, and they featured songs of Ben & Ben. Not bad!

Medyo hindi lang na-traffic ang guesting nina Bugoy Drilon at Daryl Ong.

Nasa taped game portion sila ng All-Out Sundays sa GMA-7, pero live ang mahusay na pagkanta nina Bugoy at Daryl ng Ben & Ben songs sa SNL, kasama si Renee Dominique, who needs improvement pa.

Sa AOS, ngayong may katapat na silang magagandang shows, sana ay ma-challenge sila na gumawa ng bagu-bagong number.

Continue reading below ↓

Halimbawa ay yung sa opening at sa kantahan nina Julie Anne at Rita, na medyo mas puwedeng mas bagu-bago pa kaysa sa "Impossible Dream," "What Kind Of Fool," at "Somewhere."

Kailangan pang ayusin ang comedy sketches, kasi, parang backyard production ang nakita kong "Bentang-Benta" segment.

Sa unang salpukan (in terms of production and quality of numbers) ...wagi ang ASAP na nag-roll call ng mga loyal Kapamilya sa buong programa na nagtapos sa bumibirit na Songbird ng "I Believe I Can Fly."

Continue reading below ↓

Runner-up ang SNL na promising ang mas bagets na look at puwede pang mas sayahan ang kantahan at sayawan at iyung "KantoOke" sa dulo.

KantoOke

Sana, mag-live na at mag-update ng musical repertoire at comedy sketches ang AOS para hindi lang TV ratings ang labanan kundi pati ang pagka-world-class ng presentation dahil kasama na riyan ang online engagement kahit hindi real time.

Continue reading below ↓

And, as I always say, kapag ginandahan pa lalo ang mga programang napapanood natin, ang audience ang panalo!

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ngayong October 18, 2020, tatlong variety shows ang nagpasiklaban sa tema, talent, at production numbers sa telebisyon. Alin ang pinakabongga: AOS, ASAP o SNL?
PHOTO/S: PR
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results