Vic Sotto todo-bigay sa TikTok dance with wife Pauleen Luna and daughter Tali

by PEP Troika
Oct 18, 2020
Aliw na aliw ang Instagram followers ni Pauleen Luna sa TikTok dance niya kasama si Bossing Vic Sotto at ang anak nilang si Tali. At press time, naka-186K likes na ito.
PHOTO/S: @pauleenlunasotto on Instagram; Pauleen Luna

GORGY RULA

Dinagsa ng napakaraming likes at comments ang ipinost ni Pauleen Luna sa kanyang Instagram account noong Sabado, October 17, 2020, kung saan nag-TikTok dance sila ni Vic Sotto, kasama ang anak nilang si Tali, sa kantang "Boom Boom Boom" ng Vengaboys.

Sabi ni Pauleen, bahagi raw ng bonding nila ni Tali ang mag-TikTok minsan, pero nagulat siya kay Bossing Vic na pumayag agad sumama sa pagsayaw.

Ipinuwesto lang daw niya ang iPad at niyaya ni Pauleen ang asawa na sabayan siya sa pagsayaw, sundin lang ang nakikita sa iPad.

Kaagad na sumunod daw ito, at nag-enjoy sa pagsayaw.

Continue reading below ↓

“Parang laru-laro lang namin ni Tali iyon, hahaha! Di ko nga alam, bakit iyon yung nagawa namin hahaha!” text ni Pauleen sa akin.

Dagdag pang kuwela ay naglagay sila ng malaking nunal sa mukha. Ito yung ginagamit nila sa "Pamilya Nunal" segment nila sa Eat Bulaga!

Tuwang-tuwa ang followers nilang nag-comment.

Pati si Paolo Balleteros ay nagkomentong ibalik na raw ang nunal niya.

Sa totoo lang, nakakadagdag-good vibes na makita ang mga cute na anak ng mga kilalang celebrities.

Nakakatuwa ang pagsali ni Tali tuwing naghu-host si Vic sa "Bawal Judgmental," pati ang latest post ni Marian Rivera na nag-aaral ng alphabet si Ziggy, at ang touching na pagpaalam ng yaya ni Scarlet Snow Belo.

Sa panahon ngayon na nakakatakot mag-positive sa COVID-19, itong mga post sa celebrity kids ang gusto nating positive vibes.

NOEL FERRER

Happy family talaga ang nakita natin sa TiktTok video na iyon nina Bossing Vic, Pauleen, at ang anak nila.

Continue reading below ↓

Was it part of an Eat Bulaga! segment? Sana, dalas-dalasan pa nila ito, at lalo pang nakaka-endear ito sa kanilang followers.

Deadma na sa haters and bashers lalo pa’t maayos at masaya ang pamilya nina Bossing at Poleng!

JERRY OLEA

The family that TikToks together, stays together. A world @ TikTok is a world @ peace. As of October 18, Sunday, umabot na sa 356,618 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa. Kaya ikinakatuwa natin ang mga balitang pampa-good vibes. Stay safe!

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Aliw na aliw ang Instagram followers ni Pauleen Luna sa TikTok dance niya kasama si Bossing Vic Sotto at ang anak nilang si Tali. At press time, naka-186K likes na ito.
PHOTO/S: @pauleenlunasotto on Instagram; Pauleen Luna
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results