JERRY OLEA:
Bangis-bangisan!
Mas matindi ang bakbakan ng daily noontime shows simula ngayong Oktubre 19, Lunes ng tanghali.
Eat Bulaga sa GMA-7, Lunch Out Loud (LOL) sa TV5, It’s Showtime sa A2Z Channel 11, at Happy Time sa Net 25.
IT'S SHOWTIME
Road to 11 years na ang It’s Showtime sa pangunguna ni Vice Ganda, kaya mas solid ang pagkakasayahan nila with the madlang people.
Guests ng It’s Showtime today sina Enchong Dee, Maymay Entrata, at ang gandarang si Janine Berdin.
Naroon din ang mga bida ng teleseryeng Bagong Umaga na sina Heaven Peralejo, Tony Labrusca, Barbie Imperial, Kiko Estrada, Michelle Vito, at Yves Flores.
Inanunsiyo rin ng It's Showtime na guests sina ang gold squad (left photo) na sina Seth Fedelin, Andrea Brillantes, Francine Diaz, at Kyle Echarri, Idagdag pa (right photo) sina Jeremy Glinoga, Robi Domingo, at Edward Barbers.

Makikisaya rin ngayong tanghali sa mga Kapamilya sina Aubrey Miles, Matet de Leon, Jaya, Jed Madela, at Paulo Angeles.
LUNCH OUT LOUD
Sa unang hirit ng Lunch Out Loud, magpapaulan ng saya at papremyo sina Billy Crawford, Alex Gonzaga, Wacky Kiray, K Brosas, Bayani Agbayani, KC Montero, at Macoy Dubs.
Kada-araw ay mamimigay daw sila ng higit PHP300,000 na kabuuang premyo para sa studio contestants at home viewers.
Ilan sa segments nila ay ang "Kantrabaho;" "Pera Usog;" "Color Game;" at "Sagot Mo, Sagot Ko."
Ito nga ba ang pinakamarami ang papremyo sa noontime TV?

HAPPY TIME
May ibang pasiklab pa ba ang Happy Time nina Anjo Yllana, Kitkat, at Janno Gibbs ngayong Monday?
"Hehehehe wala po, di po napag-uusapan," sabi ni Kitkat noong Oktubre 17, Sabado ng gabi via Facebook Messenger.
"Kasi, di ba po, di naman po talaga kami nakikipaglaban?
"Hehehe these past weeks at this week, puro taga-Showtime ang guests namin or taga-ibang channel.
"Then, pinapa-promote namin sila ng shows nila sa ibang channel hehehe... binabanggit nga namin ang ibang shows na katapat namin palagi, e hahaha!
"Kaya ok lng din po. The more, the MANIER hahahah!”
Si Snooky Serna ang Celebrity on Deliver sa "PM is the Key" segment ng Happy Time today. Ikukuwento ni Snooky ang mga naging ups and downs sa kanyang buhay.

Noel Ferrer:
Hanggang kagabi, aligaga pa rin ang It’s Showtime to achieve the level of Kapamilya participation sa "We Are Family" para sa kanilang "I Saw The Sign" dance tune mamaya.

Narito ang eksena habang nagre-rehearse ang magkasintahang Vice Ganda at Ion Perez:

Mukhang chill lang ang Eat Bulaga na 41 years na sa TV, habang kampante rin ang Happy Time.
Ang talagang pursigido sa ensayo ay ang Lunch Out Loud na akmang palaban sa kanilang opening salvo!
Muli, tumutok po tayo at maaliw and may the best show last long and create a major impact sa ating TV viewing and, more importantly, sa buhay nating mga Pilipino.
GORGY RULA:
May mga idinagdag ang Eat Bulaga na segment kagaya nitong "Social Dis-dancing" kung saan nakikisayaw ang mga manonood sa kani-kanilang tahanan.
Ito ang sampol nina Alden Richards at Jose Manalo mula sa studio:

Ito naman ang kuha mula sa netizens:

May ilang binago rin sila sa mechanics ng "Bawal Judgmental" na kinagigiliwan pa rin ng karamihan.
Pinapasali pa nila ang ilang celebrities na naka-base na sa ibang bansa kagaya nina Beth Tamayo at Sphencer Reyes.
May ilan pa silang kinu-contact na hopefully, makakasali sila sa mga susunod na araw.
Ngayong tanghali ay ang representative ng district 5 ng Quezon City na si Alfred Vargas ang maglalaro sa "Bawal Judgmental." Abangan natin!
