PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Donita Nose, pinayuhan si Super Tekla na huwag nang balikan ang live-in partner

Donita Nose, overwhelmed sa bansag na "Pambansang Beshy."
Published Oct 29, 2020
Donita Nose (right) to Super Tekla (left): "Kung ako, sa desisyon ko, ayoko na hangga’t maari, pero kung saan ka maging masaya, bahala ka diyan. Pero ako lang, halimbawa magkaroon ng option na babalikan siya, ‘te, hindi ganun kadali iyan. Mahabang proseso iyan."
PHOTO/S: Screen grab from YouTube

GORGY RULA

Masarap sa pakiramdam na tawagin kang "Pambansang Beshy," shout out ni Donita Nose sa Facebook noong Oktubre 28, Miyerkules.

Marami ang pumuri sa friendship nila ni Super Tekla, na talagang hindi niya iniwan noong panahong dapang-dapa ang komedyante sa mga isiniwalat ng dating live-in partner nitong si Michelle Lhor Bana-ag.

Ngayong naabswelto na si Tekla sa mainit na isyu nila ni Michelle, nakita raw ni Donita na okay na ang kaibigan at pursigido itong magbago at mag-move on sa buhay na hindi na kasama si Michelle.

“Nakikita ko talaga ngayong maayos na siya. Ang isip niya ngayon is okay, yung talagang may direksiyon, ganun.

Sabi ko sa kanya na, 'Ipakita mo na sa mga tao na okay ka na ngayon,'” pahayag ni Donita Nose nang nakapanayam namin sa aming radio program sa DZRH noong Miyerkules, October 28.

Nagkausap na raw sina Tekla at Michelle. Tanggap na raw ng komedyante na talagang hiwalay na sila ng dating live-in partner.

Pero alam ni Donita na mahal pa rin ni Tekla si Michelle, na gusto sanang pakasalan ni Tekla bago siya mag-40.

Hindi hawak ni Donita ang damdamin ni Tekla sakaling gusto nitong makipagbalikan kay Michelle.

Bilang kaibigan, gusto sana niyang huwag na, pero desisyon daw ito ni Tekla. Kaya pinapayuhan na lang ni Donita ang kaibigan:

“Regarding diyan sa love life mo, wala akong pakialam diyan. Desisyon mo iyan. Kung ano ang magpapasaya sa iyo, doon ka.

“Pero siya [Michelle], alam mo naman kung ano ang isyu niya. Kung babalikan mo siya, para sa akin, huwag na.

"Kasi, masyado ka nang nasaktan. Marami nang taong na-involve.

“Masyado ka nang naano sa mga tao sa mga nangyari. Para sa akin, huwag na lang sana.

"Pero para sa akin, hindi ko saklaw ang pag-ibig mo."

Umayon naman daw si Tekla, pero siyempre alam ni Donita na hindi ganoon kadali yun lalo na’t matagal silang nagsama at meron silang anak.

“‘Alam ko naman yun,’ sabi niya. ‘Hindi na.’

"Pero I doubt it. Hindi ganun kadaling sabihin yun.

“Six years silang nagsama. E, ako nga, wala pang one year, 'tapos, wala na kayo. Ang hirap agad bumitaw, e. 'Tapos may anak pa kayo.

“Merong bagay na nag-bond sa inyo, parang gusto mong buuin. Pero dahil sa mga nangyari, nahihirapan ka ngayon.

"Kasi, nandiyan pa ang mga tao na sinasabing huwag nang balikan, ganyan.

“Ako, sabi ko, ikaw iyan. Kung ako, sa desisyon ko, ayoko na hangga’t maari, pero kung saan ka maging masaya, bahala ka diyan.

“Pero ako lang, halimbawa magkaroon ng option na babalikan siya, ‘te, hindi ganun kadali iyan. Mahabang proseso iyan.

"Patunayan ninyo sa isa’t isa, lalo na siya, patunayan niya na nagbabago na siya. Ipakita niya sa mga tao whatsoever, parang ganyan.

“Pero hangga’t maari, ayoko na.

"Pero ikaw iyan, kung saan ka maging masaya hahayaan kita. Hindi ko hawak ang buhay mo.

"Kaligayahan mo ‘yan, e, alangan namang pipigilan kita. Alam mo naman ang tama sa mali,” litanya pa ni Donita.

JERRY OLEA

Naka-7.4M views na sa YouTube channel na Donekla in Tandem ang part 1 ng “Bodega o Condo???” vlog kung saan ipinakita kung gaano karumi ang condo unit ni Tekla matapos mag-alsa balutan si Michelle.

Ito iyong “Ang Nakakalokang Condo Ni Tekla” (21:45) na in-upload noong Oktubre 25, Linggo.

Ang part 2 titled “Ito Na Po Ang Condo Ngayon Ni Tekla” (24:57) na in-upload noong Oktubre 26, Lunes, ay halos 7.7M views.

Haggardo Versoza si Donita Nose matapos pangunahan ang paglilinis sa condo unit ni Tekla, pero bakas sa mukha niya ang lubos na kasiyahan.

“Alis iyong toxic lahat, iyong negativity ng nangyari. Lahat ng mga masamang nangyari,” sambit ni Tekla.

Sabi naman ni Donita, masusukat talaga ang pagkakaibigan in times of trouble.

Nagbiro pa si Tekla na pag siya ay nag-ayos talaga sa bahay, baka ma-in love sa kanya si Donita.

Sa Facebook post ni Tekla nitong Oktubre 28, Huwebes, nagpasalamat siya sa Panginoon, kay Donita Mommy Rose, at sa iba pang mga kaibigan na hindi siya iniwanan at handa siyang ipagtanggol.

Ani Tekla, hindi niya maiisa-isa ang lahat ng sumuporta at nagtiwala sa kanya. Pipilitin niyang bumangon at magsimula muli.

Nanaig na ang katotohanan, kaya nakiusap si Tekla na huwag nang husgahan at i-bash si Michelle at ang mga kamag-anak nito.

Mas pinili ni Tekla ang pagpapatawad kaysa sa poot, at natapos na ang unos at pagsubok. Mas mabuting kalimutan na raw ang nangyari.

Sa lahat ng humusga agad sa kanya, pinatawad na sila ni Tekla dahil mas ikagagaan iyon ng kanyang kalooban.

Panawagan pa ni Tekla, manalangin tayo at pairalin ang pagmamahal upang maghilom ang sugat na idinulot ng pagsubok na pinagdaanan niya.

Nitong Oktubre 29, Huwebes, heto naman ang Facebook post ni Tekla:

“Sa pinagdaanan kong pagsubok na ito, gusto kong magpasalamat sa aking tahanan, GMA Network, sa patnubay at paggabay sa akin.

“Lubos akong nagpapasalamat at hindi nila ako pinabayaan. GMA bosses, Artist Center at sa aking mga kasamahan sa trabaho at kapwa artista na alam kong nanalangin at nagbigay ng lakas loob sa akin, maraming-maraming salamat.”

NOEL FERRER

OK naman ang role ni Donita Nose bilang sounding board ni Tekla.

Bilang malapit na kaibigan, siya talaga ang may kakayahang magtanong ng tunay na tanong at magproseso ng pinagdadaanan kasama ng kaibigan.

Puwede niyang sabihin kay Tekla, you cannot share what you don’t have. Alamin mo muna sa sarili mo ang tunay na gusto mo! Iyong tunay na magpapaligaya sa iyo.

Kasi, hangga’t hindi niya malilinawan ito, magiging pansamantala lang at agarang lunas (o first aid) lang ang magagawa.

Sana maging pangmatagalan na, at yung makakapagpalinaw ng mga gusto at hangarin nila sa buhay.

Kakaiba talaga itong istoryang ito!

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Donita Nose (right) to Super Tekla (left): "Kung ako, sa desisyon ko, ayoko na hangga’t maari, pero kung saan ka maging masaya, bahala ka diyan. Pero ako lang, halimbawa magkaroon ng option na babalikan siya, ‘te, hindi ganun kadali iyan. Mahabang proseso iyan."
PHOTO/S: Screen grab from YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results