GORGY RULA
Pagkatapos pumirma ni Kahlil Ramos sa GMA-7, wala pa tayong balita kung ano ang kauna-unahan niyang programa sa Kapuso network.
Ang nabalitaan lang namin ay nakapag-tape na si Kahlil para sa All-Out Sundays para i-welcome siya bilang bagong Kapuso. Mapapanood na ito sa Linggo, November 1.
Siyempre, kasama roon ang kasintahang si Gabbi Garcia.
Pero ang isa sa aabangan natin ay ang announcement mamaya sa 24 Oras kung anong programa ang gagawin niya. Si Gabbi ang makakasama niya rito, pero wala kaming ideya kung anong klaseng show ito.
Kaya abangan mamaya sa 24 Oras para sa buong detalye ng programang pagsasamahan nina Gabbi at Khalil!
NOEL FERRER
Magaling na artista si Khalil Ramos at kahit kanino siya ipares, mukhang uubra naman.
Noong maipalabas ang LSS (Last Song Syndrome) movie nila ni Gabbi with Ben&Ben sa 3rd Pista ng Pelikulang Pilipino last year, ang taas ng expectations doon.
Baka talagang wala pang paying audience ang fans nila. Sa TV kaya, meron? Tingnan natin.
Pero katulad ng nauna kong sinabi, magaling si Khalil na artista, kaya kahit sino ang kasama, OK siya.
Napag-usapan nga namin ng talent kong si Iza Calzado na kung merong movie na May-December affair ang tema, pwede si Khalil. Sayang nga lang na hindi siya ang napili sa Loving Emily ng iWant TFC.
JERRY OLEA
Malamang sa alamang na maging regular si Khalil sa weekend variety show ng GMA-7 na All-Out Sundays.
Sa recent Kapuso Brigade ZOOMustahan, pinagbigyan ni Khalil Ramos request ng kanyang fans na live song cover ng Rivermaya ballad na "214."
Ibinahagi rin ni Khalil kung paano siya nahilig sa pagkanta sa tulong ni Jay Glorioso ng UP Diliman College of Music.
“Actually, bata pa ako nun, I think mga 11... 12 years old. Dun ako nagsimulang magkaroon ng proper training sa pagkanta.
"Si Jay, actually, ay using theater actor. So, napapanood po siya sa mga musical Broadway shows, sa mga theater shows dito sa Pilipinas.
“Siya ang isa sa mga importanteng tao sa buhay ko dahil siya ang nakapagturo sa akin kung paano ko maabot yung potensiyal ko bilang isang mang-aawit,” sabi ni Khalil.
May ibubuga si Khalil bilang aktor.
Sa interbyuhan namin sa presscon ng LSS (Last Song Syndrome) noong Setyembre 5, 2019 sa Tipsy Pig Gastropub, Timog Avenue, Quezon City, inusisa ko siya kung keri niyang mag-butt exposure sa movie.
Sagot ni Khalil, “Basta ako, iyong eksena, at iyong konteksto ng eksena ay tama, if it’s strong enough to show my butt... Ha! Ha! Ha! Ha! Then, OK, sige.”
Inurirat namin ang katabi ni Khalil na si Gabbi kung OK iyon sa kanya.
Natatawang sambit ng young actress, “Kung OK sa kanya, siya ang bahala. Puwet niya ‘yan, hindi ko puwet ‘yan! Ha! Ha! Ha! Ha! Sa kanya ‘yan!”
Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.
