NOEL FERRER
So, the news is out. Hindi tuloy ang grupo nina Nanay Cristy Fermin, Lolit Solis, at Mr. Fu sa bagong online talk show sana with Kris Aquino with a major grocery sponsor.
According to Tita Lolit, kinailangang i-trial period pa si Mr. Fu na hindi pa kagamay ni Kris.
Maliban doon, nagkaroon daw ng hitches sa technical run at medyo hassle ang swabbing kaya nagdesisyon daw sina Nanay Cristy, Lolit, at Mr. Fu na huwag nang ituloy ang pagsama nila kay Kris.
Kahapon, nag-post si Mr. Fu sa kanyang IG ng pasasalamat kina Nay Cristy at Lolit sa pagpaparamdam sa kanya ng pagmamahal sa gitna ng pinagdaanan nila sa proseso ng pagpaplano ng show with Kris.
Ano nga ba ang kuwento sa likod nito, mga ka-Troika?
GORGY RULA
Nasa Instagram post na nila ang mga kaganapan at naipaliwanag na lahat doon.
True na isinama ako riyan ni Nay Lolit, para tumulong daw sa pag-feed ng mga isyung pag-uusapan.
Sabi niya, parang content provider ako roon, para buo pa rin ang grupo na nagsasama-sama tuwing Martes ng tanghali.
Pero sa takbo ng mga pangyayari na ayaw ni Kris na makasama si Mr. Fu dahil hindi pa raw niya kilala, tapos may mga demands din sina Nay Lolit at Tita Cristy, at meron ding requirements na ayaw nilang gawin, ramdam ko nang di kami matutuloy.
Biniro ko si Manay Lolit na parang ang hirap nilang magsama-samang tatlo nina Tita Cristy at Kris dahil pare-pareho silang may mga attitude.
Masaya tiyak pag magsama sila, pero sa lakas ng mga personalidad ng tatlong babaeng ito, parang ang hirap buuin.
Kaya siguro mas mabuting ibigay na iyan kay Kris dahil dapat talagang magkaroon na siya ng sarili niyang talk show.
Darating din ang panahong magsasama-sama silang tatlo, sa ibang pagkakataon siguro.
E, sa totoo lang, itong show na ito ni Kris ay isang segment lang sana diyan na magkasama sila.
One-hour-and-a-half ang show, at parang thirty minutes lang doon ang partisipasyon nina Nay Lolit at Tita Cristy. 'Tapos, may mga ganyan pang problema.
So, siguro tama ngang huwag na lang muna silang tumuloy.
JERRY OLEA
Maraming proyektong binabalak pero hindi nasisimulan, sa TV man o pelikula, o online.
Noong nasa ABS-CBN pa sina Kris at Willie Revillame ay lumutang ang posibilidad na magsasama sila sa isang game show, pero hanggang ngayon ay hindi iyon nangyari.
Dahil sa pandemic, andaming palabas ang naudlot.
Kawikaan natin, kung hindi ukol, hindi bubukol. Tuloy ang ikot at ikit ng mundo.
Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika
