JERRY OLEA
Tumatagos sa puso ang pag-awit ni Mikoy Morales ng "Atin Lang," ang theme song ng Pinoy BL series na Happenstance.
Komposisyon iyon mismo ni Mikoy, na siya ring musical scorer ng nasabing nine-episode series.
Ano ang inspirasyon ni Mikoy sa likod ng kantang "Atin Lang"? Ano ang pinaghugutan niya?
“The theme of the movie. The feeling of taking ownership of what you have with someone, regardless of what others say or think,” sagot ng Kapuso actor-singer nitong Nobyembre 9, Lunes, via Messenger.
Nag-umpisa ang 2020 na nakipag-break sa kanya si Thea Tolentino.
On-and-off ang kanilang relationship. And then the pandemic happened.
Kumusta siya? Paano siya nag-cope up?
“I’m taking steps towards being better, choosing myself.”
Valentine’s Day. May realization ba siya? Ano talaga ang gusto niya sa buhay? May gusto ba siyang patunayan?
“Valentine’s Day? Last Feb? I don’t celebrate Vday, traffic at punuan lahat,” saad ni Mikoy.
“I’d rather celebrate my love with a partner some other time and more often.”
Adhikain niya ang mental health. Bakit? Na-frustrate ba siya sa mga nangyayari? Anxious? Depressed?
“Dahil alam ko ang pakiramdam ng nalulunod sa sarili, and it is a condition that shouldn’t be talked about lightly.”
Ano ang inaasam niya sa Kapaskuhan, at sa pagsapit ng 2021?
“Basta buo kaming pamilya—ganun naman taon-taon,” sabi ni Mikoy.
Ilulunsad ang full music video ng "Atin Lang sa Nobyembre 12, Huwebes, sa lahat ng social media accounts ng GagaOOLala.
Happenstance is about lost love and love found. Wade (Kiko Ipapo) and Jose Manuel (Jovani Manansala) are both reeling from pain but found each other though years apart in a magical twist of things.
Idinirek ni Adolf Alix Jr. ang Happenstance, mula sa panulat ni Jerry Gracio. Kasama rin sa cast nito sina Rosanna Roces, Allan Paule, Bembol Roco, Angeli Bayani, Erlinda Villalobos, Saviour Ramos, Shu Calleja, at Ken Anderson.
Mag-uumpisa ang streaming ng Happenstance sa GagaOOLala not later than the first week of December.
NOEL FERRER
Mahal ko iyang si Mikoy Morales. Classmate ko siya sa Workshop Class ni Ricky Lee.
He is really so talented. Aside from acting on TV and movies, he also does theater. Now, he is into music and not only performance but songwriting.
Isa pang ipinagkakapuri ko riyan, may mga kaibigan tayo sa League of AKTOR at ang sabi nila sa akin, may sariling palo at initiative na progresibo itong si Mikoy na naa-appreciate nila.
Dahil diyan, buo ang suporta natin sa kanya sa mga ginagawa niyang maganda sa industriya, pati sa kanyang pagluluto ng masasarap na cookies at brownies!
“Masuwerte ang magmamahal at mamahalin ni Mikoy,” sabi iyan ng kaklase rin naming direktor na ngayong si Fifth Solomon.
GORGY RULA
Si Mikoy ang tipo ng artista na malalim mag-isip.
Parang ang dami mo pang dapat malaman sa kanya, at sa tamang panahon ay bubuksan niya iyan para sa ating lahat.
Bukod pa riyan, magaling din siyang magpatawa. Kasi, matalino siya.
Sana, mabigyan ng GMA-7 ng tamang proyekto ang artistang ito na magagamit ang kanyang talento.
Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika
