Joross Gamboa at Roxanne Guinoo, reunited sa iWant TFC series na Hoy! Love You!

by PEP Troika
Nov 10, 2020
Star Circle Quest alumni Joross Gamboa and Roxanne Guinoo team up anew in iWant TFC's Hoy! Love You.
PHOTO/S: Instagram

NOEL FERRER

Ginanap ang storycon ng bagong sitcom ng Kapamilya Network na Hoy! Love You! nitong Nobyembre 9, Lunes ng gabi.

Masaya ang takbo ng storycon with the lead actors, ang Star Circle Quest tandem ng JoRox—ang talent kong si Joross Gamboa at si Roxanne Guinoo.

Kasama rin sa sitcom sina Dominic Ochoa at Carmi Martin, na nagbabalik pagkatapos maunsiyami sa KathNiel project na The House Arrest of Us.

Ipalalabas ito sa iWant TFC, na naglalayong ibalik ang situational comedy na kakapitan ng mga tao dahil sa wholesome, family-oriented, na hindi lang magpapakilig kundi may buo at matibay na narrative.

Ito ay sa pamamahala ng team nina Linggit Tan-Marasigan at Direk Theodore Boborol.

Maganda ang parallelism na ginawa ni Linggit, na nakasama ni Carmi noon pang panahon ng Chicks To Chicks sa IBC 13.

“Si Carmi ang naunang White Castle girl habang si Roxanne naman ay sumunod sa yapak niya noong 2007,” ani Linggit.

Continue reading below ↓

Ito ang unang major project ng JoRox, na isu-shoot during the pandemic sa labas ng bahay at naka-lock in taping sa isang resort sa Batangas.

Naging maganda ang samahan nina JoRox sa totoong buhay at hanggang ngayon, maayos silang magkaibigan kahit mga ex-lovers sila.

May blessing ng kani-kanyang pamilya ang paggawa nila ng proyektong ito.

Kasama rin sa cast ng Hoy! Love You! sina Keanna Reeves, Pepe Herrera, TJ Valderrama, Casey Santos, pati na ang PBB alumni na sina Aljon Mendoza at Karina Bautista.


Continue reading below ↓

All set para gawin ng grupo ang first six episodes soon. At sa pagkakalahad ng istorya, parang pwede itong humaba nang humaba lalo pa’t tila kinakapitan ng mga tao ngayon ang mga feel-good at inspiring, uplifting stories.

Isa na siguro itong Hoy! Love You! na talagang nakalatag ang masayang first season, pero ready na sa mga susunod na nakakaaliw na pagpapatuloy ng istorya!

Can’t wait to watch JoRox again given a new material!

GORGY RULA

Nag-comment nga si Carmi Martin sa IG post mo, Sir Noel, na sana ay matuloy na talaga siya.

Comment ni Carmi, “If God willing (pray emoji) tuluy na tuloy na ako (pray emoji pa uli).”

Hindi mo rin maiwasan kay Carmi na matakot dahil wala raw talaga siyang naramdaman nung nagpa-swab test siya para sa The House Arrest of Us, pagkatapos ay positive pala siya.

Pero kakaibang experience naman ito para sa kanya noong naka-quarantine siya, kaya marami pa rin siyang dapat na ipagpasalamat sa Diyos.

Continue reading below ↓

Sana, this time ay back to work na siya talaga at bagay talaga siyang magpatawa.

Cute ding panoorin ang pagbabalik-tambalan nina Joross at Roxanne na matagal-tagal ding nawala dahil sa pag-focus nila sa kani-kanyang pamilya.

At least, nag-endure ang JoRox tandem, having movies and teleseryes and TV shows together.

JERRY OLEA

Tuluy-tuloy ang mga bagong content ng iWant TFC.

Noong Nobyembre 5, Huwebes, nagsimulang mag-streaming sa iWant TFC ang Pinoy BL series na Oh, Mando!

Ilaladlad ng serye ang kuwento ng college student na si Mando (Kokoy de Santos), na pilit itinatago ang pagtingin niya para sa mga lalaki.

Napalapit si Mando sa liberated na si Krisha (Barbie Imperial), kaso nakilala niya ang out-and-proud gay athelete na si Barry (Alex Diaz).

Nakaka-Lito Lapid! Kanino magbo-Bong Go, este, magre-Rachelle Ann Go ang puso ni Mando?


Continue reading below ↓

Kokoy de Santos, Barbie Imperial, and Alex Diaz

Sa Nobyembre 13, Biyernes, magka-come out sa iWant TFC, KTX, at iba pang pay-per-view platforms ang BL movie na My Lockdown Romance. Bromance ito nina Tom (Jameson Blake) at Kendrick (Joao Constancia).

Mas nakakakilig kaya ang tandem nila kesa sa XavMi (Tony Labrusca at JC Alcantara) ng Hello Stranger? Meron kaya silang kissing scene? Swak ito sa mga marurupok!

Magpapaligaya ang teleseryeng La Vida Lena umpisa Nobyembre 14, Sabado, sa iWant TFC.

Ano ang lihim ng matigas na puso ni Lena (Erich Gonzales)? Bakit mula sa pagiging Magda ay nagpalit siya ng pangalan?

Tatlo ang mga lalaki ni Lena—ang matalik niyang kaibigan na si Jordan (Carlo Aquino), ang nanloko at nakabuntis sa kanya na si Miguel (Kit Thompson), at ang anak ng mortal enemy niyang si Adrian (JC de Vera).


Continue reading below ↓

Nasa cast din ng La Vida Lena sina Janice de Belen, Agot Isidro, Raymond Bagatsing, Sofia Andres, Christian Vazquez, Pen Medina, Ruby Ruiz, Soliman Cruz, Malou Crisologo, Josh Ivan Morales, Hasna Cabral, Danica Ontengco, at Renshi de Guzman.

Sa Nobyembre 18 naman ang streaming ng iWant TFC series na Loving Emily.

Kaabang-abang ang maiinit na eksena nina Iza Calzado at Jameson Blake sa kanilang May-December affair.

Rumaratsada pa rin sa iWant TFC ang mga teleseryeng Ang Sa Iyo Ay Akin, Walang Hanggang Paalam, Be Careful With My Heart, Bagong Umaga, FPJ’s Ang Probinsyano, A Love To Last, Ina, Kapatid, Anak, at Forevermore.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Star Circle Quest alumni Joross Gamboa and Roxanne Guinoo team up anew in iWant TFC's Hoy! Love You.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results