PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

ABS-CBN kinumpirma ang pag-alis ni Bea Alonzo sa Star Magic

Piolo Pascual, aalis na rin ba ng Star Magic?
by PEP Troika
Published Nov 26, 2020
ABS-CBN: “Even if Bea is no longer with Star Magic, she will always remain a Kapamilya.”
PHOTO/S: Instagram

JERRY OLEA

Sa paglisan ni Mr. M (Johnny Manahan) sa ABS-CBN Star Magic, tila isa-isang nag-aalisan sa kanilang kuwadra ang pinakamaniningning nilang bituin.

Kumpirmadong wala na sa Star Magic ang tinaguriang “Movie Queen of the New Generation” na si Bea Alonzo.

Unang lumabas dito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), nooong November 23, ang pagkalas ni Bea sa talent management arm ng ABS-CBN pagkatapos ng 19 taon.

Ngayong Huwebes ng umaga, November 26, naglabas ng official statement ang ABS-CBN tungkol kay Bea.

Dito ay kinumiprma nilang wala na si Bea sa Star Magic, na si Shirley Kuan na ang kanyang bagong manager, at mananatiling Kapamilya ang aktres.

Narito ang kabuuang statement ng ABS-CBN:

“After a series of consultations, Bea Alonzo has decided to pursue her professional goals under a new talent management. Bea has subsequently advised ABS-CBN that she has appointed Ms. Shirley Kuan to represent her as manager. We respect her decision.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“ABS-CBN has full confidence that Ms. Kuan, an industry veteran, will manage Bea with the same attention and care that Star Magic has devoted to Bea’s professional career. Star Magic is coordinating with Bea and her new management to ensure a smooth and seamless transition.

“Even if Bea is no longer with Star Magic, she will always remain a Kapamilya.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

GORGY RULA

Noong pumutok ang balitang ito, kaagad naming tinext si Shirley Kuan pero hindi siya sumagot.

Hindi lang si Bea ang big star na napababalitang aalis na sa Star Magic. Matagal nang usap-usapang ang Cornerstone na raw ang magha-handle kay Piolo Pascual. Pero hindi pa ito sinasagot ni Erickson Raymundo.

May naririnig din kaming posibleng magtrabaho sa GMA-7 ang iba pang Star Magic talents dahil sa mga naka-lineup na projects ng Kapuso network.

Mas palalakasin kasi ang GMA News TV dahil may mga programa na ring naka-lineup doon.

Sa dami raw ng mga commercial loads na hindi ma-accommodate ng GMA-7, inilalagay na ito ngayon sa GMA News TV. Kaya dapat maraming bagong programang gagawin, at posibleng gagamitin doon ang ibang talents ng Star Magic.

Siyempre, busy na rin ang karamihan ng stars ng GMA Artist Center, kaya kailangan ng bagong putahe na posibleng salihan ng Star Magic talents.

NOEL FERRER

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Kahit saan man pumunta si Classmate Bea Alonzo, suportado at mahal natin siya.

May napababalitang proyekto dapat nila ni John Lloyd Cruz na kaabang-abang talaga. Saan kaya mangyayari ito, sa pelikula ba o sa TV5?

Kung mananatiling Kapamilya pa rin si Bea, aabangan natin ang kanyang susunod na projects dito.

Dahil sa pagtaas ng over-all ratings ng TV5, maeenganyo na kaya ang GMA News TV na mag-produce ng mas marami at magaganda ring mga palabas para hindi ito mahuli sa tapatan ng networks?

At kung mangyari iyan, sa huli, tulad ng lagi nating sinasabi... ang audience ang wagi!

RELATED STORY

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ABS-CBN: “Even if Bea is no longer with Star Magic, she will always remain a Kapamilya.”
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results