PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Vhong Navarro at Tanya Bautista, takot magkaanak ngayong panahon ng pandemya

Vhong Navarro, nao-OP sa closeness ng misis niya at dalawang anak.
by PEP Troika
Published Nov 27, 2020
Vhong Navarro on having a child with wife Taya Bautista: "Sa panahon ngayon na mas mabuting mag-enjoy kami habang malakas pa kami. I-enjoy naming dalawa na magkasama kami, maging masaya. 'Tapos, pag may bata, oo, mas masaya. Pero ano ang future niya?"
PHOTO/S: Instagram

GORGY RULA

Kagaya ng ibang pamilya, lalong naging close si Vhong Navarro sa dalawang anak niyang sina Frederiek at Isiah nitong pandemic.

Si Frederiek, 21, ay anak ni Vhong sa dati nitong karelasyong non-showbiz; habang si Isaiah, 20, ay anak ng It's Showtime host sa dati niyang asawa na si Bianca Lapus.

Ilang buwan silang naka-quarantine kaya talagang nakapag-bonding sila nang mabuti, kasama ang asawa ng comedian-TV host na si Tanya Bautista. Mas naging malapit din daw si Tanya sa dalawa niyang anak.

“Minsan nga, sa sobrang close nila parang na-OOP [out of place] na ako,” biro ni Vhong nang nakapanayam namin siya aming programa sa DZRH noong Miyerkules, November 25.

Masaya raw sina Vhong at Tanya sa kanilang pagsasama kasama ang dalawang anak ng comedian-TV host mula sa mga dating karelasyon.

Sa napag-uusapan kasi nilang mag-asawa, parang takot silang magkaanak ngayong panahong ito ng pandemya.

“Tingnan ninyo ang mga nangyayari, parang ang hirap. Ang hirap kasi ng... ewan ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Meron kaming pag-uusap sa mga nangyayari ngayon. Ako naman, may edad na rin,” naaalangang pahayag ni Vhong, 43.

Naiisip daw nilang baka mahirapan lang ang kanilang magiging anak dahil matanda na sila at baka hindi na nila ito maprotektahan.

“Ganun na ang aming iniisip. Sa panahon ngayon na mas mabuting mag-enjoy kami habang malakas pa kami. I-enjoy naming dalawa na magkasama kami, maging masaya.

“'Tapos, pag may bata, oo, mas masaya. Pero ano ang future niya?

"Kasi, ako talaga… sa kanya [Tanya] na rin mismo nanggagaling na paano pag may edad tayo? Paano siya? Ganun na yung mga iniisip namin, e.

“Mahilig siya sa bata, ako, mahilig sa bata. So, paano?” seryosong pahayag ni Vhong.

JERRY OLEA

Masaya siyempre si Vhong na kalahok sa MMFF 2020 ang pelikula niyang Mang Kepweng: Ang Lihim ng Bandanang Itim.

“Ngayon, nakapasok ako, akala ko, makakasakay uli ako sa float. Kasi, ito na ang nakaugalian natin, e, di ba?” saad ni Vhong.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Akala ko, makakasakay na ako. Pero iba ngayon. First time na mangyayari na online ang Metro Manila Film Festival, e.

“Kakaiba, kumbaga, nasa history na siya na kauna-unahang nag-online na nakapasok sa MMFF na dapat ding ma-experience natin. Ma-try natin, ano ang kakaiba.”

Co-stars ni Vhong sa nasabing pelikula sina Jaclyn Jose, Barbie Imperial, Joross Gamboa, Benjie Paras, Ryan Bang, Ion Perez, at Ritz Azul.

NOEL FERRER

Pinag-uusapan pa rin kung paano gagawin ang parada sa 46th MMFF. Kung may physical float pa rin at ibi-beam na lang nang live sa digital platform o talagang iiwan na lang sa online ang pangyayari.

Pagmimitingan pa iyan ng MMFF ExeComm, pati na ng host city na Quezon City.

Ngayong si Vhong naman ang nakapasok sa MMFF, susuportahan kaya siya ni Vice na ang mahal nitong si Ion Perez ay kasama sa pelikula?

Aabangan natin ‘yan!

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vhong Navarro on having a child with wife Taya Bautista: "Sa panahon ngayon na mas mabuting mag-enjoy kami habang malakas pa kami. I-enjoy naming dalawa na magkasama kami, maging masaya. 'Tapos, pag may bata, oo, mas masaya. Pero ano ang future niya?"
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results