PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Battle of the Christmas Station IDs: GMA-7 vs ABS-CBN vs TV5

Aling Christmas station ID ang nangibabaw?
by PEP Troika
Published Dec 2, 2020
(From left) Marian Rivera and Dingdong Dantes in GMA-7's Christmas Station ID; Kathryn Bernardo and Daniel Padilla in ABS-CBN's Christmas Station ID; and KC Montero and Billy Crawford in TV5's Christmas Station ID.
PHOTO/S: Screen grab from YouTube

JERRY OLEA

Naka-1.4M views na sa Facebook page ng GMA Network ang 2020 Christmas station ID nilang "Isang Puso Ngayong Pasko," na inilunsad noong Nobyembre 16, Lunes.

Sa YouTube channel ng GMA Network ay naka-797K views na ito mula nang mag-premiere noong Nobyembre 17.

Samantala, naka-10M views na sa Facebook page ng ABS-CBN ang lyric video ng 2020 Christmas station ID nilang "Ikaw Ang Liwanag at Ligaya," na nagsabog ng kislap at pag-asa noong Nobyembre 27, Biyernes.

Sa YouTube channel ng ABS-CBN Entertainment ay naka-5M views na ang lyric video na ito.

Iyong mismong Christmas station ID ay inilunsad nitong Disyembre 1, Martes ng gabi, sa TV Patrol.

Matapos ang 20 oras, naka-2.5M views na ito sa Facebook page ng ABS-CBN, at 1.3M views sa YouTube channel ng ABS-CBN Entertainment.

“Isang KARANGALAN ang maging bahagi ng ABS-CBN. Periodt!” tweet kaagad ni Vice nitong Tuesday night pagkalunsad ng 2020 Christmas station ID ng Kapamilya Network.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nag-tweet din agad si Vice ng open letter:

“Dear ABS-CBN,

“Saksi ako sa dami ng iyong pinagdaanan ngayong taon. Pinahirapan ka. Binugbog. Pinagtulungan. Patuloy na sinipa habang duguang nakahandusay. Pinipilit kitilin ang buhay. Naghingalo ngunit di namatay.

“Sasamahan kita sa iyong pagbangon. Sa iyong pagpapalakas. At sa muli mong paglipad.

“Binabati kita! Kahit na binalot ka ng dilim ay patuloy kang nagniningning! Mahal na mahal kita!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang dating manager ni Vice na si Ogie Diaz, nag-post sa Facebook nitong Disyembre 2, Miyerkules ng umaga:

“Nagkaroon na ng retrenchment, pansamantalang sumakabilang bakod ang ibang artista, higit sa lahat, wala pa yang prangkisa — pero parang kumpleto pa rin ang Christmas station id ng ABS-CBN, yung ‘Ikaw Ang Liwanag At Ligaya.’

“Sa mga department stores, sa mga supermarket, kahit sa convenience stores, pinapatugtog ang mga walang kalumaang Christmas songs ng ABS-CBN.

“And i’m sure, yung mga yes to shutdown, napapaindak at napapakanta din sila. “Laging tumatagos hanggang buto ang bawat kwento ng Pasko ng ABS-CBN. Laging may recall pa rin ang melody at lyrics ng awitin.

“At sa dagok at pagkakadapang naranasan ng Kapamilya network ba pilit na bumabangon, heto ang awiting pamasko ng Kapamilya — buo pa rin. Kumpleto. Parang wala ka namang hinahanap pang ‘Sana ganito, sana nandiyan si, nasaan si _?’

“Iba pa rin talaga ang ABS-CBN sa husay sa paggawa ng station id. Sila yung tipong kung ano ang nandyan, pagkasyahin, gawan ng paraan.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Hindi kailangang hanapin ang wala at hindi rin kailangang hanapin ang kulang.”

GORGY RULA

Maganda ang 2020 Christmas station ID ng ABS-CBN.

Pero mas gusto ko ang kanta ng Christmas station ID ng GMA-7, ang "Isang Puso Ngayong Pasko."

Ang naisip ko, pagkatapos kong mapanood ang kabuuan ng sa ABS-CBN CSID, sana sa kanilang Summer station ID, sila pa rin ang nandoon o mas maganda kung madagdagan o merong magbabalik.

So, ano kaya ang hinaharap na kapalaran ng Kapamilya channel sa 2021?

Marami ang hopeful na makakabalik sila. Pero hindi ko lang alam kung yun pa rin ba ang frequency na gagamitin nila.

Ang narinig ko kasi, mas dumami ang naglabas ng interes na makuha ang franchise o ang frequency nito.

Kung hindi ako nagkamali, limang korporasyon ang nagpadala ng request. Pero ngayon ay nadagdagan pa raw.

Tingnan natin kung ano ang susunod na magaganap dahil hindi pa tapos itong isyu ng ABS-CBN.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NOEL FERRER

I’ll suspend my judgment sa mga Christmas Station IDs and defer to the review of Earl Victor Rosero, na dating nagtatrabaho sa GMA News Online, ha?

Heto ang nasabi niya sa critique post niya:

“AND THE WINNER IS!! TV5!! TV5 wins this showdown for several reasons:

"1) MELODY SINGABILITY. Ordinary people should be able to catch the core melody of the song. The refrain carries. REFRAIN: Tayo’y maging Liwanag Ng Pasko, Tulung-tulong tayo… (Sama-sama tayo) Tayo’y liwanag, ikaw at ako — Tuloy Pa Rin ang Pasko!

"2) HARMONY SIMPLICITY. Basic voices of soprano, alto, tenor, and bass.

"3) SOLO. Can be sung acapella using any of the four voices of SATB.

"3) SCALEABLE FOR BASIC MUSIC INSTRUMENTS. The four voices or just one voice can have one guitar accompaniment, but better with two guitars, with one of them doing some power chords.

"4) LYRICS BREVITY. The TV5 (3minutes, 53 seconds) song is meant to be sung for just a while, not as a chorale or concert piece, compared to the super long ABS-CBN (Station ID : 15 minutes 36 seconds) and GMA (Station ID: 7mins 31 seconds).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"ABS-CBN takes 2nd Place and sneaks past GMA because of this section of its lyrics: Ikaw lang, ikaw lang Ikaw ang liwanag at ligaya Ikaw lang, ikaw lang Ikaw ang liwanag at ligaya Sa mahabang gabi tumigil ang mundo Sa pag-asang dala mo, tuloy ang pasko Liwanag, ligaya, Light, Joy Claridad, Alegria, Kasanag, Kasadya Lamrag, Kalipay, Sahaya, Kakuyagan Kahayag, Kalipay, Raniag, Ragsak Liwawa, Liket, Sigay, Lilini Liwanag, Kaogmahan, Sulu at ing tula Kibou, Yorokobi, Illumina, Gioia YangGuang, XiYue, Lumiere, Joie Bit, Jeulgeoum, Adwaa’, Farah ‘Or’, Osher, Luz, Alegria.

"Third place goes to GMA because it was not able to do what TV5 or ABS-CBN did. Tinimbang ngunit mas mabigat iyung iba."

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
(From left) Marian Rivera and Dingdong Dantes in GMA-7's Christmas Station ID; Kathryn Bernardo and Daniel Padilla in ABS-CBN's Christmas Station ID; and KC Montero and Billy Crawford in TV5's Christmas Station ID.
PHOTO/S: Screen grab from YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results