GORGY RULA
Isang kaibigan ng PEP Troika ang dumalo sa 23rd birthday celebration ni Ruru Madrid sa Madrid Summer House, Antipolo, noong Biyernes ng gabi, December 4.
Obvious na limitado lang ang inimbita dahil iniiwasan nila ang mass gathering. Karamihan ng dumalo ay pamilya at malalapit na kamag-anak, na ang ilan ay ngayon lang nakita ulit ni Ruru pagkatapos ng ilang buwang naka-quarantine.
Nakarating din ang ilang close friends ni Ruru sa showbiz, at namataan doon ng aming kaibigan si Andre Paras na naki-jamming sa bandang tumutugtog. Dumating din si Lexi Gonzales na kasabayan ng kapatid ni Ruru na si Rere Madrid sa StarStruck.
Bukod sa handa ni Ruru, nag-enjoy raw silang lahat sa kantahan.
Marami raw daw ipagpasalamat si Ruru, kaya kahit paano ay nag-celebrate siya kasama ang pamilya at malalapit na kaibigan.
Sabi ni Ruru sa kanyang Instagram post: “This is my year of dreams coming true.”

Tinext namin si Ruru upang tanungin sino pa ang mga dumalo, bumati, at ang wish niya sa kanyang kaarawan. Pero hindi naman siya sumagot.
Ang tanong ng lahat: humabol kaya sa kanyang birthday celebration ang rumored girlfriend niyang si Bianca Umali?
Hindi raw, sabi ng aming source, dahil nasa lock-in taping na ito ng Legal Wives.
NOEL FERRER
Among the Kapuso leading men, naging magaan at mabuti ang loob ko kay Ruru Madrid dahil isa siya sa mga totoong may talent at goodwill. Given the right projects ay tiyak sisikat at susulong pa siya bilang aktor.
Hindi pa man nila inaamin ni Bianca ang kanilang relasyon, okey lang yun. They should be concentrating on their respective projects.
Sana lang talaga, they would have supporters who would be loyal and willing to pay to watch and consume their outputs.
Excited ako sa HBO project ni Bianca. Kay Ruru naman, may bagong teledrama, ang Lolong.
Sana, magka-dent pa sila sa pelikula at kahit sa mga merchandise o commercials.
Basta, Happy Birthday, Ruru! I hope to see you soon and let’s have na that Level Up interview!
JERRY OLEA
Huwag sanang mapag-iwanan ni Bianca si Ruru.
Sumemplang ang 2019 movie ni Ruru with Jasmine Curtis-Smith, iyong Cara x Jagger, na kahit nang ipalabas sa TV ay mahina ang rating.
Iyong smorgasbord movie ni Ruru na G! LU kasama sina Derrick Monasterio, David Licauco, Enzo Pineda, Kiko Estrada, at Teejay Marquez, balita ko’y hindi pa natatapos.
Samantalang si Bianca, bida sa Season 3 ng Halfworlds sa HBO Asia, at naka-lock-in taping na para sa cultural teleserye na Legal Wives.
High-profile project ang Legal Wives para sa GMA Telebabad.
Siguradong pag-uusapan ang isyorya nito kaugnay sa Muslim na si Ismael Macadato (Dennis Trillo) at ang tatlo niyang asawa na sina Amirah Alonto-Macadato (Alice Dixson), Diane San Luis-Macadato (Andrea Torres), at Farrah Macadato (Bianca Umali).
Ewan kung kailan ang taping ng Lolong na pagbibidahan ni Ruru, kung saan katambal niya si Shaira Diaz.
Kung hindi ako nagkakamali, si Sanya Lopez sana ang leading lady ni Ruru sa Lolong. Kaso, nang magbida si Sanya sa First Yaya katambal si Gabby Concepcion, pumalit si Shaira kay Sanya sa Lolong.
Naka-lock-in taping na rin ang First Yaya.
May weekly series pa si Sanya sa GMA-7, ang Agimat ng Agila kung saan leading lady siya ni Senator Bong Revilla. At kasama pa si Sanya sa MMFF 2020 entry na Isa Pang Bahaghari.
Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika
