PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Alden Richards, nagko-commute kahit bida na sa mga Kapuso serye noon

Alden Richards, hindi pumasa sa StarStruck V pero naging prime star ng GMA-7.
by PEP Troika
Published Dec 8, 2020
Alden Richards, hindi pumasa sa StarStruck V noong 2009, pero kinalaunan ay naging prime star ng GMA-7. Ngayong December 8 ang selebrasyon ni Alden ng 10th anniversary sa showbiz via Alden's Reality virtual concert.
PHOTO/S: @aldenrichards02 Instagram

JERRY OLEA

Magpapaka-crazy ang fans ni Alden Richards sa virtual reality concert na Alden’s Reality ngayong Disyembre 8, Martes, 9:00 p.m. (Philippine time).

Magde-debut sa virtual concert ang latest single ni Alden na "Goin’ Crazy," na collaboration ni Alden with GMA Music and FlipMusic Productions.

“I’ve done a few singles in the past but this is one of my favorites... It’s very timely, especially because we're all in community quarantine right now. Sobrang chill lang and I enjoyed recording it,” sabi ni Asia’s Multimedia Star.

"Goin’ Crazy" will be available for streaming on YouTube Music, Spotify, Apple Music, and across all other digital platforms worldwide beginning December 9, Wednesday.

Ang Alden’s Reality ay iprinodyus ng Synergy upang ipagdiwang ang ikasampung anibersaryo ni Alden sa showbiz.

Bahagi ito ng pagdiriwang ng 70th anniversary ng GMA Network.

Panauhin sa concert ang bandang December Avenue, at ang magkapatid na Rodjun at Rayver Cruz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Manonood kaya si Maine Mendoza ng Alden’s Reality?

GORGY RULA

Mahalaga itong concert ni Alden na bahagi sa selebrasyon ng kanyang 10th anniversary.

Magiging emotional siya rito dahil hindi talaga biro ang mga pinagdaanan niya noong nagsisimula pa lamang siya sa pag-aartista.

Isa ako sa saksi sa struggle niya nang mag-audition siya sa Kapuso reality show na Starstruck V, na umere noong November 2009 hanggang February 2010.

Talent coordinator ako roon at isa si Alden sa kinatuwaan namin dahil napakamasunurin. Kapag sinabi namin kung saan sila pupuwesto, siya ang pinakaunang tumayo at kaagad na sumusunod. Talagang nakikinig sa instructions.

Kaya na-sad kami nang hanggang Top 60 lang siya. Sabi pa ng isa sa mga boss namin, mestiso lang daw siya. Ang bait niya kasi kaya gustung-gusto namin siya.

Nagulat na lang kami nang nasa pictorial na siya ng Alakdana (2011) na pinagbidahan nila nina Louise delos Reyes at Paulo Avelino.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kahit nagbibida na siya sa mga drama series, wala pa rin siyang kotse kaya nagko-commute lang siya mula Sta. Rosa, Laguna o kaya ay sumasabay sa service ng crew.

Tuluy-tuloy na yung pagbibida niya sa mga Kapuso drama series, hanggang sa natisod niya ang swerte sa Eat Bulaga! at sumikat ang tambalang AlDub nila ni Maine Mendoza.

Kaya gusto kong panoorin ang Alden’s Reality mamayang gabi. Gusto kong makita kung ano ang partisipasyon dito ng Kalyeserye ng Eat Bulaga.

May pa-surprise kaya si Maine Mendoza? Congratulations kay Alden!

Yung nasa General Admission na lang daw ang natirang tickets.

Ang nakalagay sa poster ay 9:00 p.m. ang simula ng concert, pero bakit ang instruction ay 11:00 p.m. kami manonood? Para kaya ito sa mga manonood sa ibang bansa?

NOEL FERRER

Nakita ko ang post ng kaibigan nating si Christian Bautista, na kasama ni Paolo Valenciano at mga taga-GMA-7 ay nagsanib-puwersa para sa proyektong ito na magaganap na ngayong gabi.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Bagamat may kakaibang audience naman, aabangan natin ang mga reaksiyon sa virtual concert ni Alden and how it will fare vis-a-vis the concert of Kapamilya Daniel Padilla.

All the best lang sa mga hari ng kani-kanyang network!

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Alden Richards, hindi pumasa sa StarStruck V noong 2009, pero kinalaunan ay naging prime star ng GMA-7. Ngayong December 8 ang selebrasyon ni Alden ng 10th anniversary sa showbiz via Alden's Reality virtual concert.
PHOTO/S: @aldenrichards02 Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results