NOEL FERRER
Extended hanggang February 28, 2021 ang nomination para sa National Artist.
Sa larangan ng Film and Broadcast Arts, mga universities, institutions, at guilds ang sumuporta sa premyadong writer na si Ricky Lee.
Ultimo ang Superstar Nora Aunor, sina Judy Ann Santos, Lorna Tolentino, John Lloyd Cruz, Cesar Montano, Jaclyn Jose, Elizabeth Oropesa, Phillip Salvador, at maging ang asawa ng National Artist Fernando Poe Jr. na si Susan Roces ay nag-endorse kay Ricky Lee.
Kasama ang pamunuan ng AKTOR (League of Filipino Actors) sa nag-endorso rin ng nominasyon ni Sir Ricky.
Nabalitaan nating nag-submit din ang grupo nina Marilou Diaz-Abaya, Peque Gallaga, Elwood Perez, at Jose Nepomuceno for consideration.
Ngayong December 15 ang original deadline ng nomination. Bakit kaya in-extend iyon hanggang Pebrero 28? Para mas marami pang ma-nominate?
Matutuloy kaya ang plano ng ibang nasa Senado para i-nominate ang yumaong si Senador Ramon Revilla? Abangan!
GORGY RULA
Inaasahan na talaga ito ng Noranians, pero ewan ko lang kung magbubunyi sila sa kalalabasan ng resulta.
Deserved naman talaga ni Ate Guy ang naturang parangal. Huwag lang sanang mahaluan ng pulitika.
Sa pagkaalala ko, si Senator Grace Poe ang ikinampanya ng Superstar noong 2016 presidential elections.
JERRY OLEA
Mula noon pa ay sinasabi ko nang tatlo ang inaasam kong kilalanin bilang National Artist.
Ang mga ito ay ang manunulat na si Ricky Lee, ang actor-director na si Eddie Garcia, at ang direktor na si Maryo J. de los Reyes.
Marami mang nagsusulong kay Ate Guy, meron din syempreng nagpu-push kay Ate Vi.
Sino kaya sa kanila ang mauunang maging Pambansang Artista?
Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika
