NOEL FERRER
Tatlong malalaking pelikula ang inaalok kay Senator Manny Pacquiao.
Isa na rito ay ang kanyang life story with no less than Rami Malek (Oscar-winning star ng Bohemian Rhapsody) portraying Manny, and Leonardo DiCaprio taking on the role of Freddie Roach, his trainer.
Tinanong ng maraming bagay si Senator Pacquiao ni Karen Davila sa programang Headstart, at sinabi ng Pambansang Kamao na hindi ngayon ang panahon para pag-usapan ang posibleng pagtakbo niya sa pagka-Pangulo sa 2022.
Binatikos si Senator Pacquiao dahil may mga lumabas na photos sa kanyang 42nd birthday celebration na nagkumpul-kumpol ang mga tao sa pictures. Ang sabi niya’y malaki naman ang bulwagang pinagganapan ng kanyang pagtitipon at pina-test daw lahat ng nandoon.
Sinabi rin ni Senator Pacquiao na sana raw ay mag-resign na lang out of delicadeza si DOH Secretary Duque dahil sa lapses nito sa ilang desisyon sa ahensiya.
Kinumpirma rin niyang maaaring magkaroon siya ng isa hanggang sa dalawa pang boxing fights sa isang taon, lalo pa’t nami-miss na raw niyang mag-exercise.
Sa pagwawakas ng programa, sabi ng isang viewer ng Headstart, “We respect Manny Pacquiao as a boxer, but we hope he concentrates on his boxing and not politics.”
Ang sagot dito ni Senator Pacquiao: “You cannot please everyone. I can easily forego politics but not the opportunity to serve the people."
GORGY RULA
Sa totoo lang, ramdam na sa ilang lalawigan si Senator Pacquiao. Ang hirap pa sa ngayong mag-decide at magbigay ng anumang opinyon.
Mas excited pa ako dito sa pelikula niya kung matutuloy. Pero hindi maiwasang magagamit ito sa political plan niya kung sakali.
Kung ano man ang mangyayari sa 2022, bahala na ang Diyos talaga.
Pero ito ay personal ko lang nararamdaman at walang kinalaman ang pahinang ito—ayoko na sanang masundan pa ng isa pang Duterte sa 2022.
JERRY OLEA
Agosto 27, 2019 ini-announce na isasapelikula ng JMV Film Production ang buhay ni Heneral Miguel Malvar, na pagbibidahan ni Pacquiao.
Intended ito para sa MMFF 2020, with Imelda Papin as line producer, and Kaka Balagtas as director. Kasama sa cast ang actor-politicians na sina Isko Moreno, Daniel Fernando at E. R. Ejercito.
Nakausap ko ang isang insider noong Oktubre 13, 2020.
Aniya, hindi pa buo ang production budget ng movie. Dahil sa pandemya, lumobo siyempre ang budget.
Naisapelikula na ang buhay ng Pambansang Kamao, di ba? Remember Pacquiao: The Movie (2006) na pinagbidahan nina Jericho Rosales at Bea Alonzo, sa direksiyon ni Joel Lamangan? Co-production ito ng Star Cinema at FLT Films.
Siyanga pala, heto ang Facebook post ni Arnold Vegafria (business manager ng Pamilya Pacquiao) noong Disyembre 17:
“Destiny has led you to a path defined by a higher purpose.
“God has blessed you with priceless gifts—wealth, fame, power—not for you to indulge in your own whims and short-lived plans, but for you to heed your higher calling, to be an instrument of change, and be the voice of the needy and the oppressed.
“May you have the strength and tenacity to bear the great responsibilities that come with great power.
“May you always strive for betterment-in mind, body and spirit.
“May you forever remain humble and generous with your blessings
. “And above all, may you always seek Divine Guidance as you fulfill your duties as a leader and public servant.
“Happy birthday, Senator Manny Pacquiao!!!”
Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika
