PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

ABS-CBN Christmas Special, hitik pa rin sa naglalakihang mga artista

Pero nasaan sina Sharon Cuneta, Sarah Geronimo, at Bea Alonzo?
by PEP Troika
Published Dec 21, 2020
Kabilang sa Kapamilya stars na nakiisa sa ABS-CBN Christmas special sina (top) Vice Ganda, Judy Ann Santos, Kathryn Bernardo and Daniel Padilla; (bottom) Thai stars Bright Vachirawit and Metawin Opas-Iamkajorn; Liza Soberano and Enrique Gil; Ogie Alcasid and Regine Velasquez.
PHOTO/S: Screen grab from Kapamilya Channel

NOEL FERRER

Umabot na sa panibagong araw ang Ikaw ang Liwanag at Ligaya: The ABS-CBN Christmas Special.

Nagsimula nitong Disyembre 20, Linggo ng 7:30 p.m., siksik at liglig ito sa mga sikat na artistang may mga shows at sariling endorsements at active social media platforms na suportado ng network.

Kahit nawalan sila ng franchise, all-out ang visibility nila, with multi-level platforms—TV, movies, online, KUMU, Iwant TFC, CinemaOne, StarRecords, Myx, MORc, at marami pang iba.

At lahat ng naiwan sa network ay may sariling ningning at saysay.


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kathryn Bernardo & Daniel Padilla

Alam niyo bang as we write this, bago mag-12:00 midnight, akala mo ay tapos na ang program? But wait, there’s more!!! Ang saya!

Pero ramdam mo na nalagasan ang kanilang hanay. Pero in fairness, ang mga natira... stars talaga!

Ang tanong lang ng mga Kapamilya na nandoon... nasaan sina Sarah Geronimo, Sharon Cuneta, at Bea Alonzo?

JERRY OLEA

Forty-five (45) minutes ang sari-saring pasiklab bago nag-commercial ang Christmas special.

Nagsimula ang palabas sa animated story ng munting parol na pumusyaw ang ningning, hanggang nakasumpong ito ng Pananalig, Pag-asa, at Pag-ibig.

Kapagkuwan ay bumungad si Coco Martin na may hawak na parol, segue sa duet nina Lea Salonga at Darren Espanto.

Humataw kapagkuwan ang SHA Boys at si Kim Chiu, sa saliw ng "Jingle Bell Rock."


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kim Chiu

Kasunod ang pag-awit ni Daniel Padilla ng "Have Yourself A Merry Little Christmas."

Ayan na ang iba pang mga Kapamilya tulad nina Vice Ganda, Moira, Gary Valenciano, Bamboo, at marami pang iba.


Moira dela Torre

Humaplos sa puso ang pagdu-duet ng mga mag-ama at mag-ina, gaya nina Ogie & Leila Alcasid, Sunshine Cruz & Sam Montano, at Zsa Zsa Padilla & Karylle, at dance showdown eme nina Luis & Edu Manzano.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Inihayag kapagkuwan nina Bianca Gonzalez at Robi Domingo na ang pre-show ng KTX ay humamig ng P483,042.

Walong minuto ang unang commercial gap, kung saan kabilang ang in-house teasers ng Magandang Buhay, The Good Son, FPJ’s Ang Probinsyano, Ang Sa Iyo Ay Akin, at MayWard movie na Princess DayaReese na mag-i-streaming sa Enero 1, 2021.


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Maymay Entrata & Edward Barber

Ang next segment ay inilaan para sa It’s Showtime sa pangunguna ni Vice Ganda, saka pumasok ang second commercial gap.


It's Showtime family

Nagpasiklab ang Thai heartthrobs na BrightWin, na bumati syempre, “Merry Christmas, Kapamilya!”

“Ikaw ang liwanag at ligaya, Kapamilya!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓


Bright Vachirawit and Metawin Opas-iamkajorn

More and more ang mga paandar.

Nakipag-interact sa virtual audience sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, ganoon din sina Ogie Alcasid at Regine Velasquez. May number din sila, syempre.


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nag-intro ng isang segment sina Liza Soberano at Enrique Gil. Nakakatuwa ang duet nina Iza Calzado at Jodi Sta. Maria, na panay-panay ang pagtawag ng “My love” sa isa’t isa.


Nag-duet din sina Maymay Entrata & Edward Barber, Ronnie Alonte & Loisa Andalio, Grae Fernandez & Kira Balinger, Tony Labrusca & Heaven Peralejo, Yves Flores & Barbie Imperial, at Kiko Estrada & Michelle Vito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bandang 11:30 p.m. inilatag ang mga bagong palabas at programa ng ABS-CBN sa iba’t ibang platforms next year.

Kapagkuwan ay in-intro ni Charo Santos ang Sagip Kapamilya relief operations ng ABS-CBN.

Akala ko ay ending na iyon... hindi pa pala! Makabuluhan ang pagbati at mensahe ni Judy Ann Santos, ganoon din ni Maricel Soriano.


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi ni ABS-CBN COO of Broadcast Cory Vidanes, “Dito sa ABS-CBN, ang pamilya namin ay kayo. Maraming salamat na ang ABS-CBN ay itinuring niyong bahagi ng inyong pamilya. Ang mga programa namin ay lagi n’yong pinatutuloy sa inyong mga tahanan."

Pahayag ni ABS-CBN president & CEO Carlo Katigbak, “Nakakataba po ng puso ang inyong pagtitiwala kaya ito ay hindi namin sasayangin at sisikapin naming masuklian. Hanggang sa aming makakaya, gusto po naming makatulong na gawing mas maligaya ang inyong Pasko at lahat ng araw sa ating buhay.”

At ang lahad ni ABS-CBN chairman Mark Lopez, “Hangad po namin ay makasama n’yo kami sa inyong paglalakbay, sa lahat ng dasal, sa lahat ng pangarap. Hinihingi namin sa Diyos na bigyan kami ng kakayanan na pagbutihin pa ang serbisyo sa lahat ng Pilipino."

GORGY RULA

Marami pa ring big stars ang ABS-CBN. Pero ang nasa huling set na young stars ay nagtatanungan na kung sinu-sino ang mga ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakakabilib ang Kapamilya Channel. Kahit hindi pa rin nakuha ang dating lakas, patuloy pa rin sila sa pag-produce ng mga bagong shows.

Ang daming obvious na palugi, pero tuloy pa rin sila. Milyon ang lugi nila araw-araw!

Sana, makabawi sila kahit sa online pa lang sila malakas.

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kabilang sa Kapamilya stars na nakiisa sa ABS-CBN Christmas special sina (top) Vice Ganda, Judy Ann Santos, Kathryn Bernardo and Daniel Padilla; (bottom) Thai stars Bright Vachirawit and Metawin Opas-Iamkajorn; Liza Soberano and Enrique Gil; Ogie Alcasid and Regine Velasquez.
PHOTO/S: Screen grab from Kapamilya Channel
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results