JERRY OLEA
Apat lamang ang mga nominadong best actor sa 46th Metro Manila Film Festival (MMFF).
Ligwak ang actor-politicians na sina Jinggoy Estrada (Coming Home) at Alfred Vargas (Tagpuan), maging sina Vhong Navarro (Mang Kepweng: Ang Lihim ng Bandanang Itim), Joseph Marco (The Missing), at Miggs Cuaderno (Magikland).
Apat din lang ang nominado sa kategoryang FPJ Memorial Award at Best Child Performer. Sa Best Visual Effects at Gender Sensitivity Award ay tatlo lang ang nominado.
Sa Best Cinematography... anim ang nominado! Dapat ay maximum na lima ang nominado sa bawat kategorya, ngunit hindi na-break ang tie sa nominees ng Best Cinematography.
Magkaakibat ang nominasyon sa mga kategoryang best picture at best director.
Tiglalabindalawa ng nominasyon ang Magikland, The Missing, at The Boy Foretold By The Stars.
Labing-isa ang nominasyon ng Tagpuan.
Tigsisiyam ang Fan Girl, Isa Pang Bahaghari, at Suarez: The Healing Priest.
Walo ang nominasyon ng Coming Home, samantalang nakadalawa ang Mang Kepweng: Ang Lihim ng Bandanang Itim.
Bukod-tangi ang Pakboys: Takusa na walang nasungkit kahit isang nominasyon. Bokya. Ngangey.
Dalawa ang nominasyon ng Isa Pang Bahaghari sa kategoryang Best Supporting Actor—sina Michael de Mesa at Zanjoe Marudo.
Dalawa rin ang nominasyon ng Tagpuan sa kategoryang Best Child Performer.
Narito ang kumpletong talaan ng mga nominado sa MMFF 2020:
BEST PICTURE
The Boy Foretold By The Stars
Fan Girl
The Missing
Magikland
Tagpuan
BEST DIRECTOR
Christian Acuña (Magikland)
McArthur Alejandre (Tagpuan)
Dolly Dulu (The Boy Foretold By The Stars)
Easy Ferrer (The Missing)
Antoinette Jadaone (Fan Girl)
BEST ACTRESS
Nora Aunor (Isa Pang Bahaghari)
Ritz Azul (The Missing)
Iza Calzado (Tagpuan)
Charlie Dizon (Fan Girl)
Sylvia Sanchez (Coming Home)
BEST ACTOR
John Arcilla (Suarez: The Healing Priest)
Paulo Avelino (Fan Girl)
Adrian Lindayag (The Boy Foretold By The Stars)
Phillip Salvador (Isa Pang Bahaghari)
BEST SUPPORTING ACTRESS
Jaclyn Jose (Mang Kepweng: Ang Lihim ng Bandanang Itim)
Shaina Magdayao (Tagpuan)
Miles Ocampo (The Missing)
Bibeth Orteza (Magikland)
Rosanna Roces (Suarez: The Healing Priest)
BEST SUPPORTING ACTOR
Michael de Mesa (Isa Pang Bahaghari)
John Leynard Ramos (The Boy Foretold By The Stars)
Edgar Allan Guzman (Coming Home)
Zanjoe Marudo (Isa Pang Bahaghari)
Dante Rivero (Suarez: The Healing Priest)
BEST CHILD PERFORMER
Janna Agoncillo (Coming Home)
Miguel Gabriel Diokno (Tagpuan)
Seiyo Masunaga (The Missing)
Ryan Jay Obana (Tagpuan)
BEST SCREENPLAY
The Missing (Easy Ferrer)
Tagpuan (Ricardo Lee)
Fan Girl (Antonette Jadaone)
The Boy Foretold By The Stars (Dolly Dulu)
Coming Home (Gina Marissa Tagasa)
GENDER SENSITIVITY AWARD
Coming Home
The Boy Foretold By The Stars
Isa Pang Bahaghari
GATPUNO ANTONIO J. VILLEGAS CULTURAL AWARD
The Boy Foretold By The Stars
Suarez: The Healing Priest
Coming Home
Isa Pang Bahaghari
Magikland
FPJ MEMORIAL AWARD
Coming Home
Suarez: The Healing Priest
Magikland
Isa Pang Bahaghari
BEST CINEMATOGRAPHY
Fan Girl (Neil Daza)
Magikland (Rody Lacap)
The Boy Foretold By The Stars (Marvin Reyes)
Suarez: The Healing Priest (Teejay Gonzales)
The Missing (Marvin Reyes)
Tagpuan (David Carlo Mendoza, Daniel Uy, Alberto Monteras)
BEST SOUND
The Missing (Fatima Nerrika Salim, Immanuel Verona)
Tagpuan (Albert Michael Idioma)
The Boy Foretold By The Stars (Wildsound, Inc.)
Magikland (Albert Michael Idioma, Alex Tomboc of Wildsound Inc.)
Fan Girl (Vincent Villa)
BEST ORIGINAL THEME SONG
Isa Pang Bahaghari ("Hanggang Muli" by Emerzon Texon)
The Boy Foretold by the Stars ("Ulan" by Jhay Cura/Pau Protacio)
Suarez: The Healing Priest ("Yakapin Mo Ako" by Joven Tan)
Magikland ("Smile" by Emerzon Texon)
Coming Home ("Ganyan Ang Pag-ibig" by Lito Camo)
BEST EDITING
Isa Pang Bahaghari (Mai Calaparado)
The Missing (Renewin Alano)
Fan Girl (Benjamin Tolentino)
Tagpuan (Carlo Francisco Manatad)
Magikland (Manet Dayrit, She Lopez Francia of Central Digital Lab)
BEST MUSICAL SCORE
Magikland (Emerxon Texon)
Fan Girl (Teresa Barrozo)
Suarez: The Healing Priest (Sherwin Castillo)
The Boy Foretold By The Stars (Paulo Protacio)
The Missing (Jesse Lasaten)
BEST PRODUCTION DESIGN
The Boy Foretold by the Stars (Lars Magbanua)
The Missing (Popo Diaz)
Magikland (Ericson Navarro)
Suarez: The Healing Priest (Ronnie Dizon)
Tagpuan (Ericson Navarro)
BEST VISUAL EFFECTS
Mang Kepweng: Ang Lihim ng Bandanang Itim (Gerwin Meneses of GMVFX)
Magikland (Richard Francia, Ryan Grimarez of Central Digital Lab)
The Missing (Luminous Films)
NOEL FERRER
Inabot daw ng halos walong oras ang deliberasyon ng 46th MMFF Jury para desisyunan ang credible na resulta para sa Gabi Ng Parangal sa Disyembre 27, Linggo.
At sa kauna-unahang pagkakataon, nangyari rin ang isa sa mga isinusulong ko noon pa mang magkaroon ng Nominees Reveal sa pagsisimula ng festival para subaybayan ang mga pelikulang nominado sa pagbubukas ng festival.
Isinusulat ang thread na ito nang hindi pa ibinibigay sa akin ang listahan ng mga nominado.
Ang makakapanayam kong magkalahad nito ay ang Chairman ng Jury na talagang subok na matatag at may integridad—since siya ang naging Jury Head simula pa noong MMFF 2017—si Cabinet Secretary Karlo Nograles.
Yaman din lang at lahat tayo ay magugulat sa listahan ng mga nominado, ang sigurado ko lamang ay gagawaran ng kauna-unahang Manay Ichu Memorial Award si Tita Gloria Romero.
At may parangal pa rin sa Best Virtual Float sa Virtual Parade of Stars nitong Disyembre 23, Miyerkules. Bukod sa mga boto ng judges, may weight din doon ang likes na makukuha ng mga virtual float na nakapost sa FB Page ng Metro Manila Film Festival (MMFF).
Good luck sa lahat!
GORGY RULA
Naka-text ko si Congressman Alfred Vargas at si dating Senator Jinggoy Estrada, at okay lang sa kanila na hindi sila napasama sa mga nominado sa Best Actor category.
Kaagad na nagpadala ng mensahe ang mga taga-Clever Mind Productions . Nagpapasalamat silang lahat, kasama na ang isa sa mga producers na si Jodi Sta. Maria, dahil sa nakakuha ng 12 nominations ang The Boy Foretold by the Stars.
Napanood ko ang pelikulang ito at deserved ni Adrian Lindayag na ma-nominate siya sa Best Actor category dahil napaka-natural ng pag-arte niya rito.
Pero kung matatalo siya alinman kina John Arcilla, Phillip Salvador o ni Paulo Avelino, okay na rin yun.
Sa Best Actress category, malakas ang kutob kong paglalabanan ito nina Iza Calzado at Charlie Dizon. Pero magaling din si Sylvia Sanchez kaya hindi rin natin masabi.
Sa Best Supporting Actor ay hindi na ako magtataka kung mapanalunan ito ni Jan Rey Escaño dahil nakakaaliw siya sa The Boy Foretold By The Stars. Pero magaling talaga sina Zanjoe Marudo at Michael de Mesa sa Isa Pang Bahaghari, kaya sila ang ipinanalangin kong manalo.
Sa Best Supporting Actress ay pwede itong makuha ni Shaina Magdayao dahil ang galing din niya sa Tagpuan.
Pero hindi ko pa napanood ang ilang pelikula kaya tingnan na lang natin kung sinu-sino sa kanila ang magwagi.
Sa December 27, Linggo, ang virtual awards night.
Ngayong December 24, Huwebes, nila in-announce ang mga nominado kahit hindi pa nagsimula ang showing nito sa Upstream.ph. Hindi kaya makaapekto ito sa ilang pelikulang hindi napili ng mga hurado?
Paano kaya ang Pakboys: Takusa at Isa Pang Bahaghari na idinirek ni Joel Lamangan, na isa pa naman sa mga hurado ng MMFF noong nakaraang taon?
Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika