Maricel Laxa at Bing Loyzaga, magtatapatan sa Paano Ang Pangako?

by PEP Troika
Dec 27, 2020
The cast of Paano Ang Pangako?, the second season of Paano Ang Pasko?. The same cast will be joining the second season, and some new characters will be added, like Bing Loyzaga who will play the matriarch of a rival family.
PHOTO/S: IdeaFirst Twitter

JERRY OLEA

Magtatapos ang Christmaseryeng Paano Ang Pasko? sa Enero 1, Biyernes, sa TV5.

Ang bagong yugto nito ay pinamagatang Paano Ang Pangako?, na mag-uumpisa sa Enero 4, Lunes ng 9:00 P.M.

Anim na linggo ang Christmaserye na nag-premiere noong Nobyembre 23, sa pangunguna nina nina Maricel Laxa, Julia Clarete, Beauty Gonzalez, Ricky Davao, at Elijah Canlas.

Nasa cast din nito sina Allan Paule, Ejay Falcon, Danita Paner, Matt Evans, Justine Buenaflor, John “Sweet” Lapus, Devon Seron, Cedrick Juan, at Ace Ismael.

Post ng The IdeaFirst Company (producer) nitong Disyembre 26, Sabado ng hapon sa Facebook at Twitter:

“Bagong Taon. Bagong Yugto. Bagong mga Tauhan. Bagong Makakalaban. #PaanoAngPangako simula Jan 4, 2021 on TV5”

Kalakip ng post ang artcard ng cast ng Paano Ang Pangako?, kung saan kabilang sina Bing Loyzaga, Kyle Velino, Ahron Villena, Karel Marquez, at Miles Ocampo.

Continue reading below ↓

“Hindi ko pa masabi for sure till when ang Book 2 pero definitely mas mahaba pa ito kesa Book 1,” sabi ni Direk Perci Intalan nitong Sabado night.

“May mga bagong characters at may bagong pamilya kasi na kakalaban sa mga Aguinaldo [family nina Maricel Laxa]. Ito yung Dominante-Cruz family na matriarch si Bing Loyzaga.

“Naka-shoot na kami ng good for two weeks pero may mga butas pa. Christmas break muna kami, at magre-resume kami ng lock-in shoot after New Year.”

Dahil may bagong yugto ang Christmaserye, abala pa rin si Elijah Canlas. Si Kokoy de Santos ay meron namang Stay-In Love at Sunday Noontime Live.

Kaya hirap talagang pagtagpuin ang scheds ng EliKoy para sa Season 2 ng Pinoy BL series na Gameboys.

“Naka-two shooting days pa lang ang Season 2 ng Gameboys. Iniikutan lang namin ang schedule nina Elijah at Kokoy,” sabi pa ni Direk Perci.

Streaming ang Season 1 ng Gameboys umpisa Disyembre 30, Miyerkules, sa Netflix.

Continue reading below ↓

NOEL FERRER

Exciting ang Book 2 at kung totoong dapat ang diwa ng Pasko ay pang-araw-araw, kailangang tuluy-tuloy ang buhay lalo na sa pamilyang ito na parang ang daming pinagdaanan.

Masaya rin ako at nadagdag sa cast ang kaibigan nating si Bing Loyzaga, habang pa-exit na si Julia Clarete na naka-mindset namang pam-first season lang.

Paano na ang Kontrabaker ni Bing at ang kanyang masarap na rum cake at iba’t iba pang baked goodies?

GORGY RULA

Nilinaw ni Direk Perci na kasali pa rin si Julia sa Book 2. Marami pa raw eksenang nakunan kaya matagal-tagal pa siyang mapapanood bago siya um-exit sa naturang teleserye.

Pero ang may mahalagang partisipasyon pa rin dito ay si Maricel Laxa, na mabuti na lang at itong magandang proyekto ang ginamit sa pagbabalik niya sa TV.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
The cast of Paano Ang Pangako?, the second season of Paano Ang Pasko?. The same cast will be joining the second season, and some new characters will be added, like Bing Loyzaga who will play the matriarch of a rival family.
PHOTO/S: IdeaFirst Twitter
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results