PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Senator Bong Revilla, nasorpresa sa engagement ng "baby girl" na si Gianna

Senator Bong Revilla: "Congratulations sa aking anak na si Gianna at kay Jed!"
by PEP Troika
Published Dec 28, 2020
Engaged na si Gianna Revilla, ang anak nina Senator Bong Revilla at Mayor Lani Mercado. Makikitang nasaksihan nina Bong at Lani ang proposal ng boyfriend ni Gianna na si Jed Patricio noong December 25.
PHOTO/S: @giannarevilla Instagram / Bong Revilla Facebook

GORGY RULA

Malalim ang buntong-hininga ni Senator Bong Revilla nang tinanong ko kung ready na ba siyang maging "father of the bride."

Ito ay kaugnay ng engagement ng anak ng senador na si Gianna Revilla sa nobyo nitong si Jed Patricio.

Binanggit ko kay Senator Bong na kahit ako ay parang baby pa rin ang turing ko kay Gianna dahil nasubaybayan ko ang paglaki nito. Naaalala ko pa, 25 years na ang nakararaan nang bininyagan si Gianna sa St. James Parish Church sa Ayala Alabang.

Iyon ang unang episode ng Startalk na live na ginanap sa Ciudad Fernandina sa Greenhills, San Juan. Sina Lolit Solis, Boy Abunda, at Kris Aquino pa ang hosts ng dating showbiz talk show ng GMA-7.

Pero bago ang live airing ng Startalk, sinamahan ko pa si Manay Lolit sa binyag ni Gianna dahil isa siya sa mga ninang kasama si Lorna Tolentino, at ninong din si Direk Chito Roño.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Alas-dos ng hapon ang binyag sa simbahan, at pagkatapos ng seremonya ay di na kami tumuloy sa reception dahil hahabol kami sa live ng Startalk ng alas-kuwatro ng hapon.

Wala pang traffic noon kaya umabot kami sa Greenhills mula sa Ayala Alabang.

Likas na malambing si Gianna kaya siya ang pinaka-close sa amang si Senator Bong. Saksi kami kung paano napapagaan ni Gianna ang lungkot na nararamdaman ni Senator Bong noong nakapiit pa siya sa Camp Crame.

Kaya totoo yung sinabi ni Senator Bong sa kanyang mensahe sa Facebook, “Honestly, nagulat ako anak. Medyo nalungkot dahil baby girl pa rin kita. Pero siyempre, nandun ako kung ano ang ikakasaya mo.”

Pag-uusapan pa raw nila ang tungkol sa kasal, kaya hindi pa niya masabi kung kailan. Pero sure akong hindi mapipigilan ni Senator Bong na maluha kapag dumating ang araw ng kasal nina Gianna at Jed.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NOEL FERRER

Ganyan talaga... Groovy Lolo na talaga si Senator Bong, kailangan nang tanggapin iyan!

At least, sa kabila ng rollercoaster of emotions na dinaanan nila the past year, ito na naman ang isang highlight ng kanilang buhay pamilya ngayon.

Tuloy ang buhay, accept na tumatanda na tayo. At least, may pinagkatandaan.

JERRY OLEA

Bahagi pa ng post ni Senator Bong Revilla sa kanyang Facebook page nitong Disyembre 27, Linggo, “Congratulations sa aking anak na si Gianna at kay Jed!

“Talagang magiging memorable ang paskong ito. Sa kabila ng lahat ng mga bumabalot na pagsubok at walang kasiguruhan, nariyan ang pangako ng mas magandang bukas mula sa Panginoon.

“At 'yan nga ang naging regalo Niya sa aming pamilya.

“Gianna and Jed, your engagement is an expression of God's love. It is a blessing and gift that you should always cherish.

“Lagi niyo Siyang gawing sentro ng inyong pagmamahalan at uumpisahang buhay na magkasama...”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Kalakip niyon ang litrato ng mag-asawang Bong at Lani pati ng newly engaged couple na sina Gianna at Jed.

Mabuhay! Nawa’y maging mabiyaya ang bagong taon para sa ating lahat!


HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Engaged na si Gianna Revilla, ang anak nina Senator Bong Revilla at Mayor Lani Mercado. Makikitang nasaksihan nina Bong at Lani ang proposal ng boyfriend ni Gianna na si Jed Patricio noong December 25.
PHOTO/S: @giannarevilla Instagram / Bong Revilla Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results