PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Bahay ni Claudine Barretto, naputulan ng kuryente?

True or fake news?
by PEP Troika
Published Dec 29, 2020
Ikinagulat daw ni Atty. Ferdinand Topacio na nang dumalaw siya sa bahay ni Claudine Barretto (nasa larawan) ay wala itong kuryente. Naputulan ba ng kuryente ang bahay ni Claudine o nagkaproblema lang sila sa Meralco.
PHOTO/S: Screen grab from Claudine Barretto Instagram

GORGY RULA

Nagulat ako sa pinag-usapan nina Atty. Ferdie Topacio sa online show nina Lolit Solis at Cristy Fermin kasama si Mr. Fu.

Naputulan daw ng kuryente ang bahay na tinitirhan ni Claudine Barretto.

Ayon kay Atty. Topacio, nagulat siya nang pumunta siya sa bahay ni Claudine na madilim. Iyon lang daw ang bahay na madilim sa buong village.

Wala raw sina Claudine sa bahay dahil nag-stay muna ang mga ito sa tahanan ni Mommy Inday.

Tinulungan daw ni Atty. Topacio at ng pamilya ni Claudine ang aktres na maayos ang problema nito sa Meralco.

Hindi lang ako nagkaroon ng pagkakataong makausap si Claudine para makumpirma kung naputulan nga ba sila ng kuryente. Kasi, ang buong akala ko, hindi muna nagpuputol ang Meralco hanggang end of December.

Bukas ang pahinang ito para sa paliwanag ni Claudine kung pinutol nga ba o nagkaproblema lang sila sa Meralco.

Kahit sina Manay Lolit ay parang di makapaniwalang sa estado ni Claudine ay mapuputulan pa ito ng kuryente.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

JERRY OLEA

Nitong nakaraang dalawang araw-araw, panay-panay ang pasasalamat ni Claudine sa Instagram sa mga nagregalo sa kanya.

Patunay iyon na marami pa rin ang nagmamahal at nagpapahalaga sa kanya, at handang dumamay.

Hintayin natin ang paglilinaw sa tsikang naputulan ng ilaw ang bahay ni Claudine. Huwag tayong pakuryente sa huwad na bali-balita.

NOEL FERRER

Kailan kaya maiibsan ang mga bagahe ni Claudine Barretto sa buhay? Sana, soon!

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ikinagulat daw ni Atty. Ferdinand Topacio na nang dumalaw siya sa bahay ni Claudine Barretto (nasa larawan) ay wala itong kuryente. Naputulan ba ng kuryente ang bahay ni Claudine o nagkaproblema lang sila sa Meralco.
PHOTO/S: Screen grab from Claudine Barretto Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results