Bortalicious Hunk Personality na na-link dati kay Sikat Na Aktres, hunk din pala ang gusto

by PEP Troika
Jan 3, 2021
Kaya siguro pa-smile-smile lang si Sikat Na Aktres kapag natatanong tungkol kay Hunk Personality. Knows na niya siguro na pareho sila ng hilig.
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan

JERRY OLEA

Sarap na sarap ako sa paglantak ng bulalong sagana sa paminta nitong Enero 1, Biyernes ng tanghali, sa Manay’s restaurant ng Pakil, Laguna... lalo pa’t nakasagap ako ng "kuwentong peppermint" tungkol sa isang hunk personality na na-link sa isang sikat na aktres.

Masalimuot ang love life ng fortysomething actress, na sa dinami-dami ng lalaking minahal ay kasapi pa rin ng SMP (Samahang Malamig ang Pasko) nitong holiday season.

Sandamukal ang kinilig nang maugnay noon si Sikat Na Aktres sa non-showbiz hunk personality na intelihenteng katulad niya.

Mahigit sampung taon ang tanda ni Sikat Na Aktres sa bortalicious hunk personality na napaka-winsome kung ngumiti.

Pero sa simula’t simula pa lang ay diretsahang inihayag ni Sikat Na Aktres na friends lang sila ni Non-Showbiz Hunk Personality.

E, kasi namin, hindi pala maipagkakaloob ni Sikat Na Aktres ang magpapaligaya kay Bortalicious Hunk Personality.

Bago mag-Pasko, namataan ng source nating peppermint si Hunk Personality sa isang mala-paraisong isla, kapiling ang isang kapwa non-showbiz bortalicious hunk na nagmumura ang abs.

Continue reading below ↓

Sa body language ng kanilang harutan sa ilog, ramdam ng source nating peppermint na there’s something spicy and bromantic between the two.

May bahid ng Taiwanese film na Your Name Engraved Herein, 'ika nga.

“It takes one to know one, kaya na-sense ko agad na they’re lovebirds.

"Bet ko sila, at sinubukan kong makipag-eye contact sa kanila at ipahiwatig na ready ako sa ménage à trois, but they have eyes only for each other. Sana, all!” mabining pagbuntong-hininga ng source nating peppermint na ready nga sa threesome.

NOEL FERRER

Hayyy, kaibigan mo naman si Sikat Na Aktres, Tito Jerry... pagmalasakitan mo ito at sabihan na baka mahatsing sa pamhintang hunk personality.

I’m sure, the intelligent girl that she is, nase-sense niya ito... kaya hindi na natin nababalitaan ang intelligent hunk na ito sa mga lakad ng sikat na aktres.

Oh well, lalabas din ang katotohanan sa tamang panahon.

GORGY RULA

Continue reading below ↓

Sabi ko na nga, Barbie!

Kaya smile lang si Sikat Na Aktres kapag tinatanong siya tungkol dito. Kasi nga, baka knows na niya na pareho lang sila ng hilig.

Magkaibigan lang talaga sila at nakakatulong si Hunk Personality sa trabaho ni Sikat Na Aktres.

Pero napapaismid ang ilang kabadingan, kasi, sinasakyan yata ni Hunk Personality ang pagkaka-link niya kay Sikat Na Aktres.

Ginagamit lang ba para makilala?

Oh well, sanay yata si Sikat Na Aktres na nagagamit at minsan ay siya rin ang nanggagamit.

True ba na itong si Hunk Personality ay may naka-date din minsan na taga-showbiz na nakakahatsing din ang personalidad?

Ang sarap talaga pag may paminta sa noche buena!

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kaya siguro pa-smile-smile lang si Sikat Na Aktres kapag natatanong tungkol kay Hunk Personality. Knows na niya siguro na pareho sila ng hilig.
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results