John Estrada at Ellen Adarna, balik-sitcom; maswerteng nakakatawid ng TV networks

by PEP Troika
Jan 7, 2021
ellen adarna john estrada sitcom
Nagsimula na sina Ellen Adarna at John Estrada na mag-lock in taping para sa kanilang sitcom na John En Ellen, na line produced ng production company ni John.

NOEL FERRER

Tunay na hindi lahat ng tumatawid ay namamatay.

Ito ang pinapatunayan ni John Estrada as he has an upcoming GMA drama series na Babawiin Ko Ang Lahat.

Napag-alaman din nating line produced ng Ichthus Boy Media Production ng aktor ang kanyang bagong comedy show sa TV5, ang John En Ellen, kung saan kasama niya si Ellen Adarna.

Supervising producer sa show si Ruby Cuevas, sa direksyon ni Willy Cuevas. At ang executive producer nila ay si Teacher Faye Martek ng UST, na nakasama na ni John sa TV5 shows like Everybody Hapi at Hapi Together.

Dito, si Faye ay nagmu-multitask bilang aktres din kaya iyan ang aabangan ko!

Comeback sitcom nina John (after Hapi Together) and Ellen Adarna (after Home Sweetie Home) ang John En Ellen.

Kasama rin sa cast sina Angelina Cruz (daughter of Cesar Montano and Sunshine Cruz), Yogo Singh, Long Mejia, Haiza Madrid, and Ronaldo Valdez,

Continue reading below ↓

It’s premiering on January 25 sa TV5.

At sa isang matinding laro ng tadhana, mukhang sa iisang tahanan rin ba magsasama sina Ellen at John Lloyd Cruz? Aabangan natin iyan!

GORGY RULA

Masasabing ang suwerte pa rin ni Ellen Adarna na kaagad siyang nakabalik sa kabila ng mga isyung pinasok niya.

Para sa akin, starlet pa siya bago naging sila ni John Lloyd Cruz.

Naging star si Ellen nang na-in love sa kanya si Lloydie at tinalikuran ang showbiz alang-alang sa kanya at sa kanilang anak.

Pagkatapos ng relasyon nila ng aktor, star pa rin ang dating ni Ellen at nakapagpresyo pa nang bonggang-bongga sa ilang endorsements niya.

Ngayon ay may programang siya ang bida.

Sana, mag-aral na siyang umarte para ma-elevate na siya sa pagiging aktres, kung seryoso na siya sa kanyang showbiz career.

May kakaibang karakter si Ellen kaya nagiging interesado sa kanya ang mga tao. Kaya sana, mahasa na siyang mabuti para isa na siyang ganap na aktres.

Continue reading below ↓

JERRY OLEA

Kasali pa ba si Donny Pangilinan sa Sunday Noontime Live ng TV5?

Dalawa ang bagong project ni Donny sa ABS-CBN katambal si Belle Mariano—isang pelikula at ang series na He’s Into Her.

Si Dimples Romana na nasa Oh, My Dad ng TV5, totoo bang “babawiin” na ng ABS-CBN?

Maliban sa Eat Bulaga, magho-host si Jose Manalo ng Catch Me Out Philippines sa GMA-7. Co-hosts ni Jose sina Kakai Bautista at Derrick Monasterio sa bagong palabas kung saan wagi ang greatest pretender.

E, di ba, merong game show si Jose na Fill In The Bank sa TV5, kung saan co-host niya si Pokwang?

Bida si Benjie Paras sa Ghost Adventures ng TV5. Kasali rin si Benjie sa action-fantasy series ni Senador Bong Revilla sa GMA-7 na Agimat ng Agila.

May reunion movie sina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo titled No Goodbyes sa Star Cinema ng ABS-CBN.

Ibinalita mismo ng News5 nitong Disyembre 2020 na nakikipag-negotiate ang Brightlight Productions kina Bea at John Lloyd para magtambal sa isang project sa TV5.

Continue reading below ↓

Maswerte ang mga artistang nakakatawid-tawid ng TV network!

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nagsimula na sina Ellen Adarna at John Estrada na mag-lock in taping para sa kanilang sitcom na John En Ellen, na line produced ng production company ni John.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results