Kapuso drama shows tuluy-tuloy ang paandar at pasiklab

by PEP Troika
5 days ago
(Clockwise) Barbie Forteza and Kate Valdez in Anak Ni Waray vs Anak Ni Biday; Carla Abellana, Tom Rodriguez, Coney Reyes, Mikael Daez, and Rhian Ramos in Love of My Life; Jeric Gonzales, Sheryl Cruz, Sunshine Dizon, and Klea Pineda in Magkaagaw.
PHOTO/S: Courtesy of GMA-7

JERRY OLEA

Pag-asa, Tagumpay, Pagmamahal, at Pagkakaisa ang malalasap ng mga Kapuso sa dami ng mga paandar at pasiklab ng GMA Network.

Enero 4, unang Lunes ng 2021, nag-umpisa ang all-new episodes ng Bilangin Ang Bituin sa Langit sa GMA Afternoon Prime.

Maigting ang paghihiganti ni Nolie de la Cruz (Mylene Dizon) kina Anselmo (Zoren Legaspi) at Margaux Santos (Ina Feleo).

Tutukan ang pagpapatuloy ng kuwento nina Nolie, Maggie (Kyline Alcantara) at Cedes (Nora Aunor) sa Bilangin ang Bituin sa Langit, Lunes hanggang Biyernes ng 4:15 p.m., pagkatapos ng Prima Donnas sa GMA-7.


Continue reading below ↓

Bilangin Ang Bituin Sa Langit stars (from left) Nora Aunor, Mylene Dizon, Kyline Alcantara, Candy Pangilinan, and Zoren Legaspi

Sa Enero 18, Lunes, magbabalik na ang Magkaagaw at Anak ni Waray vs Anak ni Biday, at matutunghayan ang fresh episodes ng Love of My Life.

Ayon kina Jeric Gonzales at Klea Pineda, maraming heavy scenes ang matutunghayan sa new episodes ng Magkaagaw.

Kapana-panabik ang sukdulan ng kuwento! Matatandaan na naputol ang istorya nang nasa panganib si Clarisse (Klea Pineda) at ang kanyang inang si Laura (Sunshine Dizon). Pakana iyon ni Veron (Sheryl Cruz) para pagtakpan ang relasyon nila ni Jio (Jeric Gonzales).

Muling balikan ang maiinit na eksena sa recap ng Magkaagaw na mapapanood simula Enero 18, Lunes ng 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

Hanash ni Barbie Forteza, kaabang-abang ang revelations sa pagbabalik ng Anak ni Waray vs Anak ni Biday.

Sobrang na-enjoy ni Barbie ang umarte muli kaya halos madala siya sa lahat ng mga eksena nila. Aniya, parang nawala sa isip nila yung pandemic na nangyayari, at bumalik agad silang lahat sa istorya.

Continue reading below ↓

Muling balikan ang kuwento ng frenemies/half-sisters na sina Ginalyn at Caitylyn sa recap ng Anak ni Waray vs Anak ni Biday simula Enero 18, Lunes ng 8:00 p.m. sa GMA Telebabad.

Sa Pebrero 8 ay mapapanood na ang fresh episodes ng serye, na nagtatampok din kina Kate Valdez, Migo Adecer, Snooky Serna, Dina Bonnevie, at Jay Manalo.

Disyembre 28, Lunes, Dia de los Niños Inocentes, nag-umpisa ang recap ng Love of My Life. Mapapanood ang all-new episodes nito simula Enero 18, Lunes ng 8:50 pm sa GMA Telebabad.

Maasasaksihan sa fresh episodes ang muling pagbangon ng pamilya Gonzales matapos ang pagpanaw ni Stefano (Tom Rodriguez).

Unti-unti nang magkakaayos ang mag-inang sina Isabella (Coney Reyes) at Nikolai (Mikael Daez) habang malalaman na rin ang kahihinatnan ng love triangle sa pagitan nina Nikolai, Adele (Carla Abellana), at Kelly (Rhian Ramos).

GORGY RULA

Puspusan na ang paglulunsad ng mga bagong drama series ng GMA-7 at GMA News TV.

Continue reading below ↓

Bukas, January 12, ay ipapakilala sa media ang stars na kabilang sa The Lost Recipe na pagbibidahan nina Kelvin Miranda at Mikee Quintos. Kasama rin dito si Paul Salas at Thea Tolentino.


Ang sipag ding mag-promote ni Barbie Forteza ng Anak ni Waray vs. Anak ni Biday. Mapapanood sa The Boobay and Tekla Show ang guesting ni Barbie na ang dami raw niyang pasabog doon.

Continue reading below ↓

Samantala, exciting din ang bagong game shows ng GMA-7 at GNTV.

Sa Game News TV ang Game of Gens na ihu-host nina Andre Paras at Sef Cadayona.

Kinakarir din ni Jose Manalo ang bagong game show niya sa GMA-7, ang Catch Me Out.Ph, na magsisimula na ang taping bukas, January 12. Todo raw ang rehearsals ng amateurs na kasali rito.

Franchise ito sa United Kingdom na excited sa pagsisimula dito sa atin dahil ang Pilipinas ang kauna-unahang nakakuha nito sa buong Asya.

Hindi raw isyu sa GMA-7 na meron ding game show na Fill in the Bank si Jose sa TV5.

NOEL FERRER

Maganda iyang may mga bagong shows at bagong episodes dahil ibig sabihin, tuloy ang trabaho at may bagong papanoorin ang televiewers.

Teka, dahil naka-concentrate ang malalaking ads sa may mga prangkisang networks tulad ng GMA 7 at TV5, ibig bang sabihin, normal ang talent fees nila or may pay cut din ba?

Continue reading below ↓

'Tapos, sana rin ay maibalik na ang ibang award-winning Public Affairs shows na nakatatak na sa atin sa main channel, tulad ng iWitness at ang paborito kong Ang Pinaka sa GMA News TV.

At dahil nasa usaping GMA-7 na rin tayo, nasaan na kaya si Ali Sotto sa DZBB?Nakaka-miss na ang Double A sa Double B.

Ano na ang nangyari sa paborito kong tambalan na ito?

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
(Clockwise) Barbie Forteza and Kate Valdez in Anak Ni Waray vs Anak Ni Biday; Carla Abellana, Tom Rodriguez, Coney Reyes, Mikael Daez, and Rhian Ramos in Love of My Life; Jeric Gonzales, Sheryl Cruz, Sunshine Dizon, and Klea Pineda in Magkaagaw.
PHOTO/S: Courtesy of GMA-7
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results