Ali Sotto, nilinaw na hindi dahil sa sibuyas kaya siya umalis ng DZBB

by PEP Troika
2 days ago
“Kasi, tayo ang nagbibigay ng news, di ba? Hindi tayo ang nasa news,” sabi ni Ali Sotto tungkol sa pag-alis niya sa DZBB.
PHOTO/S: Screen grab from GMA News TV

GORGY RULA

Iniiwasan ni Ali Sotto na pag-usapan at gawing isyu ang pag-alis niya sa programa nila ni Arnold Clavio sa DZBB, ang Double A Sa Double B.

Sinabi lang nitong natapos na ang kontrata niya sa radio station ng GMA Network noong December 31, 2020 at hindi na siya nagpa-renew.

Ayaw na niyang idetalye kung ano ang nangyari at ang dahilan ng hindi niya pagtuloy sa programa.

“Masaya na ako ngayon. Okay na yun,” tipid na sagot ni Ali.

Gusto lang niyang linawin na hindi totoo ang kumalat na kuwentong sibuyas ang dahilan ng pagtatalo nila ng isang executive ng DZBB.

Ang lumabas kasing kuwento, na ginawa pa nating blind item dito sa PEP Troika, may inutusan daw siyang P.A. na kunin sa labas ang ipinadalang sibuyas sa kanya. Itinanggi ito ni Ali.

Kahit itanong pa raw sa P.A., wala siyang inutusan dahil alam na niya ang dapat gawin at kung sino ang dapat tumanggap kung mayroon mang dumating na ipinadala sa kanya sa istasyon.

Continue reading below ↓

Napaka-petty raw ng isyung iyon at parang napaka-unprofessional kung iyon ang dahilan ng pag-alis niya.

Wala raw ganoong pangyayari, pero ayaw na niyang dalirutin pa kung ano talaga ang dahilan.

Mas gusto na lang ni Ali na manahimik dahil ayaw niyang lumalabas na nagba-bad mouth sa istasyong pinagsilbihan niya nang ilang taon.

Okay na raw siya at kung ano man ang plano niya sa kanyang broadcasting career, mababalitaan daw natin iyan.

Nakiusap siyang huwag nang kalkalin pa ang isyu dahil hindi na raw siya magsasalita kaugnay rito.

“Kasi, tayo ang nagbibigay ng news, di ba? Hindi tayo ang nasa news,” napapangiti niyang pahayag sa PEP Troika.

JERRY OLEA

Malinaw na hindi sinipa o sinibak si Ali kaya wala na siya sa radyo. Siya ang umayaw.

Tinapos niya ang kontrata, at hindi na siya na-renew.

Hindi siya balat-sibuyas, pero may hangganan ang kanyang pagtitiis at pagtitimpi.

Kasabihan nga... kapag puno na ang salop, dapat nang kalusin. Mabubuhay siya nang mariwasa kahit hindi muna siya kumayod.

Continue reading below ↓

Sa husay niya bilang broadcaster, madali para sa kanya ang bumalik sa eksena.

Sa ngayon, makabubuting mag-enjoy muna siya, iwas-stress, dedma sa negatrons.

NOEL FERRER

Nanghihinayang talaga ako sa Double A sa Double B. Magaling talaga at kakaiba ang tambalan nina Arnold at Ali sa radyo.

Challenge kung sino man ang kapalit nina Arnold at Ali kung kayang pantayan o higitan pa ang narating ng Double A sa Double B.

Good luck!

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
“Kasi, tayo ang nagbibigay ng news, di ba? Hindi tayo ang nasa news,” sabi ni Ali Sotto tungkol sa pag-alis niya sa DZBB.
PHOTO/S: Screen grab from GMA News TV
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results