Controversial female personality, nabuntis ng sikat na aktor?

by PEP Troika
Jan 20, 2021
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan

GORGY RULA

Non-showbiz ang grupong nakasagap ng kuwento tungkol sa isang kontrobersiyal na female personality.

Ang tsismis, nasa interesting stage daw si controversial female personality kaya hindi siya nagpapakita nitong mga nakaraang buwan.

Isang kaibigan at dating katrabaho ang tinanong kung kailan niya huling nakita si controversial female personality.

Matagal siyang nag-isip. Oo nga! Ilang buwan na raw niyang hindi nakikita si controversial female personality.

Hindi raw ito sumisipot sa ilang mahahalagang okasyon at events ng kinabibilangan nitong grupo.

Bakit ba hindi siya ngayon nagpapakita? Totoo bang nagdadalantao ito?

Ayaw na ba niyang magpakita dahil tiyak na siya ang pagpipiyestahan ng sambayanan?

Kung totoo ito, ang sunod na tanong: sino ang nakabuntis sa kanya?

Natulala kami nang sinabi ng aming source na ang pinagdududahang nakabuntis sa kanya ay ang sikat na aktor na super close sa boss ni controversial female personality.

Kung totoo ito, tiyak na malaking eskandalo ito at ewan kung paano maipaliliwanag ni aktor sa misis niya.

Continue reading below ↓

Hay! Ang gulo!

NOEL FERRER

My God! Puwede pala yun? Birds of the same feather, make babies together?

Parang hindi ko matanggap! Nasusulasok ako.

Alam kong a child is a blessing. But not for these two.

Huwag naman po sana. Bawal.

JERRY OLEA

“Bawal kang mahalin ng isang tulad ko/ Bawal kang tumuntong sa api kong mundo

“Kahit sa isip lang, bawal ang sa akin ang sa ‘yo’y magmahal/ Puso ko’y di malaya, bilanggo at bawal

“Bawal sa ‘kin ang iyong tingin, ang ‘yong ngiti, ang ‘yong pansin/ Bawal din ang mga bituin ng ‘yong matang may luningning...”

Swak na swak sa kontrobersyal na female personality at sikat na aktor ang kantang "Bawal" ni Imelda Papin kung totoong nagsalo sila sa forbidden love.

Interesting malaman kung naglilihi ang female personality sa kape o ice cream.

Huwag sanang dumating sa punto na sabunutan at kaladkarin si female personality ng misis ni sikat na aktor, na ang background music pa ay ang kantang "Bawal" ni La Papin.

Continue reading below ↓

“Ang mahipo ang ‘yong kamay ay langit na ang kapantay/ Guni-guni, nangangatal... isipin lang na ito’y bawal!”

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results