Vic Sotto at Pauleen Luna, walang magarbong handaan o regalo para sa kanilang wedding anniversary

by PEP Troika
Feb 2, 2021
Ayon kay Pauleen Luna, simple pero meaningful ang pagdiriwang nila ni Vic Sotto ng kanilang fifth wedding anniversary sa kanilang bahay (left photo). Ikinasal sila (right photo) sa St. James The Great Parish Church sa Alabang noong January 30, 2016.

GORGY RULA

Araw ng pasasalamat sa Diyos ang wedding anniversary para sa mag-asawang Vic Sotto at Pauleen Luna.

Sila raw ang tipo ng mag-asawa na hindi naghahanda ng celebration o nagbibigayan ng regalo sa kanilang wedding anniversary at kahit sa birthday o iba pang mahalagang araw.

Tinanong kasi ng PEP Troika si Pauleen kung paano nila ipinagdiwang ni Vic ang kanilang 5th wedding anniversary noong Sabado, January 30.

Text sa amin ni Pauleen, "Sa bahay lang kami nun, at wala ring gift. Di kami mahilig magregaluhan, e.

"Sobrang uneventful, pero sobrang grateful kasi sobrang masaya pa rin kami."

Basta nakatutok lang daw sila sa three-year-old daughter na si Talitha, o may palayaw na Tali, na ang laki ng nagawa para lalong maging masaya ang kanilang pagsasama.

Malaking bagay rin itong pandemyang ito dahil nasa bahay lang sila at talagang nasulit ang bonding nilang pamilya.

Ayaw na lang magpa-pressure pa nina Pauleen na sundan o bigyan ng kapatid si Tali.

Continue reading below ↓

Kung ipag-adya ng Maykapal na magka-baby pa sila uli, ipagpasalamat daw nila ito.

Pero kay Tali pa lang ay sobrang saya na nilang mag-asawa.

NOEL FERRER

Happy Anniversary, Bossing at Poleng! Iba talaga ang itinadhana.

Kasabay nito, congratulations at best wishes sa Star Magic artist at basketball player na si Miko Raval at ang kanyang asawang si Kaira Dimatulac.

Yung nababalitang nasa family way na di na rin kabataang magandang aktres at ang kanyang buffed na boyfriend, kailan kaya magpapakasal?

Handa naman daw panagutan ito ng hunk kung sakali.

JERRY OLEA

Together forever ang pag-iibigan nina Pauleen at Bossing Vic.

Nakaka-inspire ang recent Instagram posts ni Pauleen kaugnay sa kanilang anibersaryo.

Mensahe ni Pauleen: "With the Lord, we can do anyhing together. Happy 5th Wedding Anniversary, my love! My heart gets bigger every year because of your love."

May souvenir picture rin ang mag-asawa noong gabi ng kanilang anibersaryo.

"I love you," saad ni Pauleen sa caption.

Continue reading below ↓

instagram photo: pauleen anniversary post for husband vic

At isa pang mensahe niya para kay Vic, "One day soon, we will all make beautiful memories and explore the world again. God willing!"

Narito ang throwback picture mula sa kanilang Los Angeles trip noong 2019:

pauleen luna, vic sotto, daughter tali in LA trip

Continue reading below ↓

Inaasam natin ang maraming taon ng pagsasalo nila sa kaligayahan at kapayapaan!

Siyanga pala, happy anniversary rin kina JuSol sa darating na Biyernes, Pebrero 5! Love wins!

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ayon kay Pauleen Luna, simple pero meaningful ang pagdiriwang nila ni Vic Sotto ng kanilang fifth wedding anniversary sa kanilang bahay (left photo). Ikinasal sila (right photo) sa St. James The Great Parish Church sa Alabang noong January 30, 2016.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results