Mayor Lani Mercado, sumailalim sa angiogram

by PEP Troika
Feb 5, 2021
Senator Bong Revilla on wife Mayor Lani Mercado's angiogram results: “Lani just got out from the room, and angiogram results show no significant concerns. Though she may need to do some medication, doctors said it’s nothing to be worried about."
PHOTO/S: Ramon Bong Revilla Jr. Facebook

GORGY RULA

Nagpapasalamat sa Diyos si Senator Bong Revilla Jr. sa magandang resulta ng angiogram na ginawa sa misis niyang si Bacoor Mayor Lani Mercado.

Ang angiogram ay isang X-ray procedure kung saan sinusuri kung may bara sa blood vessels sa puso ng isang pasyente.

Kahapon, February 4, ay nag-post na si Bong sa Facebook kung saan humingi siya ng dasal dahil nakatakdang i-angiogram si Lani matapos makitaan ng kaunting bara sa valve nito.

Sinamahan lang ni Lani si Bong na nagpa-executive check-up kahapon, at sumabay na rin siya.

Ang ending, si Lani ang nakitaan ng diperensiya sa puso at kailangan daw itong i-angiogram.

Kung hindi raw maganda ang resulta, ididiretso na siya sa angioplasty, isang medical procedure upang manumbalik ang daloy ng dugo sa artery.

Mula pa kaninang umaga, February 5, ay nag-a-update si Bong sa kanyang Facebook live.

Nagpa-endoscopy at colonoscopy siya, at okay naman daw ang resulta. Ang inaalala raw niya ay sumailalim na si Lani sa angiogram.

Continue reading below ↓

Mahigit dalawang oras din silang naghintay. Sa sumunod na FB live ni Bong, ipinakitang lumabas na si Lani at medyo malakas na ang boses nito.

“I’m back. Back to work na,” bati ni Lani kay Bong at sa mga anak nilang sumalubong sa kanya.

Sinaway siya ng panganay nilang anak na si Bryan Revilla na sa Monday pa siya pwedeng bumalik sa trabaho, ayon sa doktor.

“God is so good!” bulalas ni Bong habang dinadala nila si Lani sa kanyang kuwarto.

“God is good. Madami pang makitang apo,” hirit naman ni Lani.

More apo pa raw mula kay Cavite Vice Governor Jolo Revilla, at asawa naman para kay Bryan.

Kuwento naman ni Lani, may tinanggal lang na konting bara sa kanyang valve. Ang bara na yun ay inihalintulad ni Lani sa EDSA papasok ng Makati na may konting traffic lang.

Nagpasalamat silang hindi na kailangang i-angioplasty si Lani.

Nagpasalamat na rin si Bong sa lahat ng nagdasal na maging okay ang resulta ng angiogram ng kanyang misis. Kailangan lang daw ng exercise, diet at tanggal stress.

Continue reading below ↓

“Papa’no ka, Papa?” biro ni Lani sa asawa.

“Ako ba ang stress mo? Sama mo naman!” natatawang tanong ni Bong sa asawa.

“Trabaho,” bawi naman ni Mayor Lani.

JERRY OLEA

Post ni Senator Bong Revilla Jr. sa Facebook nitong Pebrero 5, Biyernes ng hapon:

“Salamat po sa inyong mga dasal.

Continue reading below ↓

“Lani just got out from the room, and angiogram results show no significant concerns. Though she may need to do some medication, doctors said it’s nothing to be worried about.

“We praise God for this wonderful news. Thank you for interceding.”

Mabuti at naagapan ang kundisyon ni Mayor Lani. Ibayong pag-iingat talaga dapat, lalo’t laganap pa ang pandemya.

NOEL FERRER

Health is wealth talaga. Iyan ang isa sa mga pangunahing natutunan natin ngayong pandemya.

No amount of stress sa work ang dapat maging dahilan para maapektuhan ang ating kalusugan at disposisyon bilang tao.

Iba talaga ang kahingian ng public service. It is not about you. Serbisyo talaga para sa iba ito.

Kaya ang sabi, some may have just the mind or just the heart or just the body or just the spirit for it... but it takes a lot of character and nature para magswak ang lahat ng kahingian dito!!!

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Senator Bong Revilla on wife Mayor Lani Mercado's angiogram results: “Lani just got out from the room, and angiogram results show no significant concerns. Though she may need to do some medication, doctors said it’s nothing to be worried about."
PHOTO/S: Ramon Bong Revilla Jr. Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results