ASAP Natin 'To, matindi ang hatid na mga pasabog sa kanilang 26th anniversary

by PEP Troika
Feb 6, 2021
asap 26th anniversary
Ipagdiriwang ng ASAP Natin 'To ang kanilang 26th anniversary ngayong Linggo, February 7, sa pangunguna nina (itaas, mula kaliwa) Martin Nievera, Regine Velasquez, Gary Valenciano, Zsa Zsa Padilla, at Ogie Alcasid. Papainitin naman ng Kapamilya young stars ang ASAP dance stage.
PHOTO/S: ASAP Official Facebook

JERRY OLEA

Bigger and stronger ang ASAP Natin ‘To sa pagdiriwang ng 26th anniversary sa Pebrero 7, Linggo.

Special guest si Lea Salonga, may birthday celebration si Martin Nievera, at magpapakitang-gilas ang bagong kampeon ng "Tawag ng Tanghalan" sa It’s Showtime.

LIVE ang anniversary presentation, kung saan meron na namang mga pasabog na bilang sina Zsa Zsa Padilla, Gary Valenciano, Erik Santos, Ogie Alcasid, Regine Velasquez, Bamboo, at Jona.

Magpapakilig ang LoiNie (Loisa Andalio at Ronnie Alonte) alang-alang sa iWant TFC series na Unloving You na may bahid ng 1985 film na Hindi Nahahati Ang Langit, ganoon din ang tambalang XavMi (Xavier at Mico) nina Tony Labrusca at JC Alcantara. Panalo ang pag-ibig!

Tatapak na ng ASAP stage ang newest Kapamilya na si Janine Gutierrez bilang host, samantalang ang kanyang kapatid na si Diego Gutierrez ay kasanib-pwersa pa rin sina Sam Cruz, Anji Salvacion, at KD Estrada.

Ipapakita nina Kim Chiu, Maymay Entrata, G-Force, Charlie Dizon, Jameson Blake, at Joao Constancia kung bakit ang ASAP ang home of the best dancers. Kasama nila sa paghataw si Vhong Navarro.

Continue reading below ↓

Paiindakin nina Darren Espanto at Joshua Garcia ang mga dyed-in-the-wool Kapamilya sa kanilang hip-hop performance.

Magpapayanig ang P-Pop boy group na BGYO, samantalang magpapaantig ang bandang This Band at ang vocal group na The Company.

Huwag palampasin ang grand anniversary special na ito ng longest-running musical variety show sa Linggo ng alas dose ng tanghali sa TV5, Kapamilya Channel (SKYcable channel 8 SD at channel 167 HD, Cablelink channel 8, G Sat Direct TV channel 22, at Cignal channel 22), Kapamilya Online Live, at A2Z (sa analog at digital TV).

NOEL FERRER

Lagi na lang, tuwing anniversary tinatanong, darating ba sina Pops Fernandez, Ariel Rivera, at Dayanara Torres na kasama sa original ASAP?

Nakakasenti lang sundan ang history ng ASAP dahil halos lahat ng mga poste ng All-Out Sundays—not counting the ones that come from GMA talent shows like Alden Richards and Julie Anne San Jose—ay minsan ding naging parte ng ASAP.

Continue reading below ↓

Happy 26th Anniversary, ASAP!

JERRY OLEA

Tinweet ng ASAP Natin ‘To ang ilang trivia kaugnay sa programa:

#1 Before moving to its current home at ABS-CBN STUDIO 10, ASAP was first telecast from Delta Theater in Quezon City on February 5, 1995. Dito unang nagtanghal ang original hosts na sina Martin Nievera, Pops Fernandez, Ariel Rivera at Miss Universe 1993 Dayanara Torres.

ASAP Natin 'To Trivia 1

Continue reading below ↓

#2 Bakit waging-wagi ang kantahan sa ASAP for the past 26 Years? Dahil dito lalong nahubog ang mga pinakamahuhusay na singing champions ng bansa! As long as there are talented and hardworking dreamers, ASAP will never run out of the finest champion singers!

ASAP Natin 'To Trivia 2

#3 Imposibleng hindi ka mapasayaw kapag nakatutok ka sa ASAP! The Hottest Moves! The Slickest Grooves! 26 Years nang hatid ng Dance Royalties on the ASAP Stage!

Continue reading below ↓

ASAP Natin 'To Trivia 3

#4 Ever since, hindi nawala sa ASAP Concert Stage ang mga pinag-uusapang pangmalakasang biritan ng mga Finest Divas ng Bansa! Sa ASAP rin nakilala ang mga grupo ng mga divas na tumatak at kinabiliban tulad ng Y.R.S at ASAP Birit Queens!

ASAP Natin 'To Trivia 4

Continue reading below ↓

#5 STYLE. BEAUTY. TALENT. GRACE. CHARM. NAME IT. They’ve all got it! For 26 Years, ASAP has cast the spotlight on the most talked about, most desirable and most captivating female stars of each generation. They are the IT girls! They are more than just pretty faces.

ASAP Natin 'To Trivia 5

#6 Sa ASAP nabuo, minahal at kinakiligan ang maraming iconic boy groups ng bansa! Sino ba naman ang makakalimot sa mga nakakatuwang performances ng Kanto Boys, Hot Concert Treats ng The Hunks at Coverboys hanggang sa nakakakilig na panghaharana ng ASAP Boyfriendz?

Continue reading below ↓

ASAP Natin 'To Trivia 6

#7 Sino ba naman ang hindi naki-sing along sa swabeng jamming na may makulit pang kwentuhan sa ASAP SESSIONISTAS? Marami pang jamming groups ang nabuo sa ASAP na napakinggan hindi lang sa Pilipinas kung hindi maging sa ibang panig ng mundo!

ASAP Natin 'To Trivia 7

Continue reading below ↓

GORGY RULA

Kahit ano pang pasabog, pasiklab, payanig o pakinemfer chenelyn na world-class performances ang nasa grand anniversary celebration ng ASAP Natin ‘To, kung mahina ang signal niyan sa televiewers... alam na.

Aba! May bonggang-bonggang paandar ang GMA Network para sa loyal Kapuso fans nito sa Linggo, Pebrero 7, sa weekend variety show na All-Out Sundays.

Ilulunsad na ang sa AOS ang mobile digital (DTT) receiver na GMA Now, ang plug-and-play dongle na pwedeng magamit ng Android smartphone users para libreng makapanood ng TV kahit on-the-go. Go! Go! Go!

Mas magiging maganda ang viewing experience sa pinalinaw nitong digital TV broadcast ng mga paboritong Kapuso channel na GMA, GMA News TV, Heart of Asia, Hallypop, pati na rin ang DepEd TV soon, at iba pang free-to-air channels na available sa area.

May iba pang exclusive interactive features para sa GMA Now users habang connected sa internet.

Available ang GMA Now sa mga piling lugar sa Metro Manila, Rizal, Bulacan, Pampanga, Cavite, Laguna, Baguio City, Pangasinan, Batangas, Metro Cebu, Metro Davao, at Cagayan de Oro.

Continue reading below ↓

Sa presyong abot-kaya na P649, maaari nang makabili ng GMA Now sa official GMA store sa Lazada, Shopee, o kaya ay sa mga malapit na tech at gadget stores. AyOS!!!

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ipagdiriwang ng ASAP Natin 'To ang kanilang 26th anniversary ngayong Linggo, February 7, sa pangunguna nina (itaas, mula kaliwa) Martin Nievera, Regine Velasquez, Gary Valenciano, Zsa Zsa Padilla, at Ogie Alcasid. Papainitin naman ng Kapamilya young stars ang ASAP dance stage.
PHOTO/S: ASAP Official Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results