Reality search star, girlfriend na ng politician's son

by PEP Troika
Feb 17, 2021
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan

NOEL FERRER

Isang magandang aktres na produkto ng isang reality search ang napapabalitang girlfriend ngayon ng anak ng isang politikong may mataas na katungkulan sa gobyerno.

The girl is the politician’s son’s type.

Dati nang may nakarelasyong artista ang anak ng politiko at pareho sila ng reality search star na maganda, adventurous, at parang chameleon na nagbabago ng look palagi.

Napakaamo ng panlabas pero may inner-rocker vibe ang artistang ito. Kaya hands off ang mga katrabaho ng reality search star.

Nobody messes with her dahil makapangyarihan ang napapabalitang boyfriend na tulad niya ay mahilig sa outdoor adventure.

Hintayin nating manggaling sa kanila mismo ang pag-amin, kaya sana magtagal sila.

JERRY OLEA

Sino ang pipigil sa pagpatak ng ulan? Sino ang haharang sa pagpintig ng puso?

Basta maligaya sila sa isa’t isa at walang nayuyurakan ang kanilang pag-iibigan, two thumbs up tayo!

Dudutdutin pa ba natin ang kani-kanyang nakaraan, gayong gagap nila ang maaliwalas na kinabukasan?

Continue reading below ↓

GORGY RULA

Matagal na silang natsismis. Official na kaya ngayon ang kanilang relasyon?

Kasi, ang dating sa akin nitong si politician's son ay parang nakikitikim lang.

Bawal judgmental! Pero hindi lang naman siya kay aktres na-involve, meron pa sa iba.

Si aktres naman ay matagal ding nakarelasyon ang isang very wealthy figure pero napunta rin iyon sa wala. Sayang naman.

Pero mukhang pareho ang trip itong dalawang ito.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results