Rosanna Roces, back-to-back ang mga pelikula kasama sina Nora Aunor at Sharon Cuneta

by PEP Troika
5 days ago
Inihayag ni Rosanna Roces (gitna) ang kanyang saloobin tungkol sa pagiging bahagi ng mga pelikula ng Superstar na si Nora Aunor (kaliwa) at ng Megastar na si Sharon Cuneta (kanan).
PHOTO/S: Noel Orsal

NOEL FERRER

Sa Facebook page ni Rosanna Roces, sinabi niyang mapalad siyang makasama ang movie queens sa mga mahahalagang proyekto.

Ang sabi ni Osang: “Magkasunod na Proyektong nakaka kaba. #Kontrabida ni Ate Guy at #Revirginized ni Sharon Cuneta. Parehong Maganda at kakaibang Obra. Karangalan ko ang mapasama.”

Si Direk Adolf Alix ang direktor ng Kontrabida, na mula sa panulat ni Jerry Gracio. Samantalang ang Revirginized naman ay ididirek ni Darryl Yap.

Masaya tayo at busy sa paggawa ng mga pelikula ang mga movie queens sa gitna ng pandemya.

At parehong tila “kontrobersyal” at “kakaiba” ang premise ng dalawang pelikulang ito na sana ay matapos at mapanood kapag safe na at bukas na ulit ang mga sinehan.

Test case talaga ang pelikula nina Coco at Angelica na Love or Money, na mga A-lister artists na for digital/online release ang pelikula. This will be such a big risk, but it’s worthy to observe and analyze ang kalalabasan.

Continue reading below ↓

Kaya good luck at congratulations sa Superstar at Megastar sa kanilang kani-kanyang pelikula.

Pero teka, tuloy ba ang pagsasama nila sa isang pelikula? Sana!

GORGY RULA

Akala ko, hindi na ang Godfather Productions ang producer ng Kontrabida. Parang nagtitipid na kasi sila ngayon kumpara sa Anak ng Macho Dancer.

Baka sa promo sila totodo ng gastos, dahil excited na ikinukuwento ni Joed sa amin na merong isang malaking artista na maggi-guest at sasampal kay Ate Guy sa isang mahalagang eksena sa Kontrabida.

Bongga kung matutuloy ang pag-apir ng malaking artistang ito. Ayon sa ilang napagtanungan ko, inaayos pa rin nila ito sa malaking artista.

Samantala, narinig ko namang may ilang dating leading men ni Sharon Cuneta na maggi-guest sa Revirginized. Inaayos pa yata nila dahil sobrang sikip din ang schedule ng ilang kilalang aktor na nakatambal noon ng Megastar.

Pero may isa pa akong narinig na may isang malaking proyekto raw na inaayos ang Viva para pa rin kay Sharon, kung saan makakasama niya ang ilang malalaking artistang na nakasama niya noon sa ilang hit movies niya.

Continue reading below ↓

Wala pa kaming ideya kung anong project ito. Naalala ko lang ang unforgettable movie niyang nagpasikat ng linyang “You’re nothing but a second-rate trying hard copycat!”

JERRY OLEA

Swak daw sa feng shui ang Pebrero 26 na target first shooting day ng Kontrabida.

Sa Marso 12 naman nakatakda ang streaming ng Love or Money sa KTX, iWant TFC, at Sky Movies Pay-Per-View, distributed by CineXpress.

Noon pa man ay malakas ang dating ng trailer ng movie nina Coco at Angelica. Swak sa panahon ng pandemya ang tagline ng pelikula. Ano ba ang pipiliin mo — Yakap or Yaman? Kilig or Hilig? Puso Or Luho?

Mahigit dalawampu (20) ang naka-line up na movies ng Godfather Productions ni Joed for this year.

Akala ko nga, isusunod nila sa Anak ng Macho Dancer ang Anak ng Burlesk Queen na naging Burlesk: Ang Huling Sayaw.

Nakipag-meeting din si Joed kay Wendell Ramos para gumanap ito sa kanyang biopic na The Loves, The Miracles, The Life of... JOED.

Continue reading below ↓

Ikinasa rin ang kani-kanyang pelikula nina Ricky Gumera (Ang Bagong Totoy Mola), Charles Nathan (Matinee Idol), at Miko Pasamonte (Cybersex: The Miko Pasamonte Story).

Pinagplanuhan din ang mga pelikulang Monay & Everything, Banat, Macho Gay, Magandang Dalag (or is it Dalaga?), Super Pogi & His Friends, Ang Kasambahay, Cain at Abel, Dyesebel (nakausap na ba nila ang mga kaanak ni Mars Ravelo?), The Door, Island Boys, Binili Kong Pag-ibig, My Best Friend’s Husband, among others.

Of course, pangarap din ni Joed na pagsamahin sina Sharon Cuneta at Maricel Soriano sa isang movie project.

Siyanga pala, ano na ang update sa mga namirata at nagbenta ng Anak ng Macho Dancer? Meron bang nahuli, nakasuhan, o naparusahan?

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Inihayag ni Rosanna Roces (gitna) ang kanyang saloobin tungkol sa pagiging bahagi ng mga pelikula ng Superstar na si Nora Aunor (kaliwa) at ng Megastar na si Sharon Cuneta (kanan).
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results