NOEL FERRER
Mula mismo sa KTX.ph boss na si Gian Carlo Vizcarra: “Regine's FREEDOM is the biggest earning concert on KTX to date.”
Mula sa pagkaka-postpone ng concert na nakatakda sana noong Valentine’s Day, naurong ito ng February 28 dahil sa health emergency sa pamilya ng Songbird.
Nakatulong din ito dahil they had more time to prepare at puliduhin ang mga production numbers.
“Nanganak pa nga dahil send lang ako nang send kay Raul [Mitra, musical director] ng mga bagong piyesa dahil sa mga bagong inspiration ko, tulad ng feature on Britney and the principles she stood for,” sabi ni Regine, bago niya ginawa ang kantang "Hit Me Baby One More Time."
Napanood ng Filipino audiences worldwide ang Freedom: Regine Velasquez-Alcasid Digital Concert via the various ABS-CBN platforms—KTX.ph, iWantTFC, TFC IPTV, and SKYcable PPV.
According to Gian, “Ito ang may pre- and post-concert events na successful din at talagang siksik ang sponsors.”
Particularly touching for me ay ang moment ni Regine para alalahanin ang mga yumao na at hindi na nakapanood ng Freedom, most of whom passed on during the pandemic including Ogie Alcasid’s dad, Senator Joel Villanueva’s sister, Maristel Fernandez’s and Perry Lansigan’s moms, and a lot more frontliners and friends, kasama na ang hairstylist-fan ni Regine na si Chris Rodil.
Regine was in her element talaga in singing memorable songs, and my personal favorite na "Leaves" ng Ben & Ben.
For me, this concert set another benchmark ng pagkapulido at husay ng production at talent mismo sa isang online show—na may dalawang production teams at tatlong director.
Mula sa atin sa PEP, bravo to Team: Freedom!
JERRY OLEA
“Lagare” si Bamboo nitong Sunday night.
Kinanta ni Bamboo ang "Noypi" bilang opening number ng 5th Film Ambassadors’ Night ng FDCP (Film Development Council of the Philippines).
Sa virtual concert ni Regine, nag-duet sila ni Bamboo ng "Himala."
Tweet ni Regine nitong Marso 1, Lunes ng hapon, “Thank you to Mr Baboo ( formal ) for being part of the freedom concert again if you need backup singer I’m a good backup singer promise and also I’m free... thank you again Mr Bamboo”
Mahigit dalawampu (20) ang kinanta ni Regine, orig at bago.
Bongga ang pakikipag-duet ni Regine sa sarili ng "On The Wings of Love."
Tweet ni Cacai Mitra nitong Monday afternoon, “Since yung prod cost namin e nag balloon na talaga, sa bandang huli kinailangan namin magtipid, kaya naisip ko na since libre naman sya sa lagi sa iba, why not sya na din ang guest! #Tipid free for #FreedomConcert”
Kabilang pa sa repertoire ni Regine ang "When The Party Is Over" ni Billie Eilish, "Heart Shaker" ng TWICE, "Brooklyn Yellow Brick Road" ni Elton John, "Istorya" ng The Juans, at sariling awitin na "Bukas Sana" at "Tanging Mahal."
Inialay ni Regine sa asawang si Ogie Alcasid ang kantang "Crazy For You" habang inalala ang kanilang 10th wedding anniversary kamakailan.
Touching din ang performance niya ng "Make You Feel My Love" tampok ang boses ng kanilang anak na si Nate.
Panay-panay ang pasasalamat ni Regine sa Twitter nitong Monday:
Si Paolo Valenciano ang naghatid ng stage direction ng Freedom concert, si Frank Mamaril ang nagsilbing TV director, at si Raul Mitra ang nanguna sa musical direction nito.
GORGY RULA
Malaking bagay ang pagiging Kapamilya ni Regine at nasa ABS-CBN na siya kaya nabuo itong virtual concert niya. May KTX.ph na naging venue ng ganitong palabas.
Solid ang suporta sa kanya ni Ogie Alcasid na ang kuwela ng imbitasyon niya sa Instagram.
Kaya sinabi rin ni Ogie noong huling nakapanayam namin na solid Kapamilya pa rin daw sila.
Definitely ay magre-renew raw sila ng kontrata kung kailangan pa sila ng Kapamilya network.
Kaya asahan natin ang mga susunod pang concerts ni Regine na laging may bagong napapanood kaya laging sold out!
