PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Blind item: Character actress asks who is award-winning actress

Ang awkward.
by PEP Troika
Published Mar 6, 2021
Naging awkward tuloy sa set ng isang talk show nang ma-"Who are you?" ng isang character actress ang isang award-winning na actress na naging guest co-host ng show.
PHOTO/S: Illustration by Rommel R. Llanes

GORGY RULA

Tanungin ko nga kayo, mga Ka-Troiks, kung ano ang proper o tamang gawin kapag hindi mo kilala ang isang taong kaharap mo?

Siguro, sanay na rin naman kayo sa mga TV shows o guesting at hosting sa isang programa, alam na rin siguro ninyo ang mga dapat gawin, at kung ano ang tamang attitude sa awkward moments sa isang guesting.

Kamakailan lang kasi ay nag-pinch-hit si Magaling Na Aktres sa isang main host na absent sa isang daily show.

Guest nila sa episode na iyon ang isang character actress na madalas na gumanap ng nanay roles sa mga drama series.

Naghanda na ang mga production staff. Nagkaroon ng briefing sa guests bago isalang sa episode na iyon.

Ipinaliwanag ng writer kay Character Actress na wala roon ang isang main host, sa halip ay pansamantalang pumalit itong si Magaling Na Aktres na mas bata sa kanya.

Okey na. Alam na ang topic na pag-uusapan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pagdating sa taping, intro ang mga hosts. Ipinakilala ang guests, kabilang na roon si Character Actress.

Nang bumati si Character Actress, binanggit niya ang pangalan ng isang main host, pero pagdating kay Magaling Na Aktres, napatigil siya.

Ang sabi niya, “Sorry, ha? Who are you?”

Awkward moment. Nagkaroon ng sandaling katahimikan sa studio, na pati mga production staff ay natulala.

Buong-galang namang nagpakilala si Magaling Na Aktres sa kanya.

So, tuloy ang interbyuhan. Pero ang mga production staff ay nagulat at ang ilan ay na-off kay Character Actress.

Hindi nga naman tama na roon na mismo sa set at naka-on ang camera ay deretsahan mong tanungin kung sino siya.

Kaya nagmamarakulyo ang ilang staff dahil parang nahiya raw sila kay Magaling Na Aktres na pinagbigyan lang sila na pumalit sandali sa isang main host nila.

Puwede naman daw bumulong si Character Actress sa staff para magtanong kung sino ang mga artistang kaharap niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bukod sa nagkaroon naman ng briefing bago sila isinalang.

O baka naman problemado lang si Character Actress sa anak niyang nahuhumaling sa isang meztisang young actress?

Saka, sa totoo lang, award-winning si Magaling Na Aktres. Isa sa pinakamagaling sa kanyang henerasyon.

Itong si Character Actress ay wala pa kaming naaalalang acting award na nakuha, o kahit nominasyon man lang sa mga unforgettable performances niya.

Sa tingin ninyo, mga ka-Troiks?

NOEL FERRER

Tama ang ginawa ni Magaling Na Aktres, na buong-pagpapakumbabang nagpakilala kay Character Actress on air.

Pero since taped ang programa, mas tama sanang nag-cut na lang ang director at pinagsabihan si Character Actress sa pangalan ng nag-pinch-hit na host.

Sa ganun, parang nag-statement na rin ang programa na hindi nila hahayaang mapahiya ang guest co-host nila, lalo pa ng isang guest.

Yun lang naman.

Ibabalik ko lang ang tanong ko—kasi, sa show na ito, bakit kasi inalis pa nila ang dating host na markado sa pagsisimula pa lang ng programa?

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sayang!

JERRY OLEA

Taping iyon kaya pwedeng ulitin ang eksena. Pwede ring ayusin sa editing.

Mukhang hindi iyon big deal kay Magaling Na Aktres. Maganda ang kanyang attitude, na itinuloy ang interview matapos ang awkward moment.

Nagpasintabi ang mas may edad na aktres na panauhin. Maaaring nawala sa isip niya kung ano ang pangalan ng kaharap niya.

Hinayaan na lang siguro ng direktor na magtuluy-tuloy ang taping, dahil baka maging awful kung nag-cut pa siya.

Parehong matagal na sa showbiz si Magaling Na Aktres at ang guest na si Character Actress, kaya the show must go on sa kabila ng kapalpakan sa umpisa.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Naging awkward tuloy sa set ng isang talk show nang ma-"Who are you?" ng isang character actress ang isang award-winning na actress na naging guest co-host ng show.
PHOTO/S: Illustration by Rommel R. Llanes
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results