PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Barbie Forteza on her 'Kapuso Primetime Princess' title

Si Barbie Forteza na ba ang bagong Kapuso Primetime Queen?
by PEP Troika
Published Mar 9, 2021
Barbie Forteza: “After years of asking me this question, I think, mas confident na po ako ngayon magsabi that I earned that title, and mas i-improve ko pa po to be worthy to be the Primetime Princess.”
PHOTO/S: @barbieforteza on Instagram

GORGY RULA

Napakataas ng rating ng Anak ni Waray vs. Anak ni Biday noong nakaraang Biyernes, Marso 5.

Naka-19.1% ito, at lalo pang umiinit ang takbo ng kuwento ng pinagbibidahan niyang Kapuso prime-time series.

Ngayong linggo na ang finale ng Anak ni Waray vs. Anak ni Biday kaya inaasahang mas tataas pa ang rating nito at hindi na bibitawan ng mga manonood.

Napatili na lang si Barbie Forteza nang biniro naming siya na kaya ang bagong Kapuso Primetime Queen?

Pinili ni Marian Rivera na magpahinga muna sa paggawa ng mga prime-time series, kaya tinanong namin kay Barbie kung sa kanya na ba ipapasa ang titulong Kapuso Primetime Queen dahil siya ang Kapuso Primetime Princess sa ngayon.

“Oh my God! No!” tili ni Barbie nang ipinadala namin sa kanya ang tanong noong Sabado, Marso 6.

“Ate Marian will always be the Primetime Queen. Nothing and no one can ever change that,” dagdag niyang sagot.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Masaya na raw siya sa Kapuso Primetime Princess, na pinaghirapan daw niya.

“After years of asking me this question, I think, mas confident na po ako ngayon magsabi that I earned that title, and mas i-improve ko pa po to be worthy to be the Primetime Princess,” natatawa niyang pahayag.

Kabilang sa mga prime-time series ni Barbie ay ang First Time (2010), Pilyang Kerubin (2010), Paroa: Ang Kuwento Ni Mariposa (2012-2013), Anna KareNina (2013), That's My Amboy (2016), Meant To Be (2017), Inday Will Aways Love You (2018), at Kara Mia (2019).

Sa totoo lang, naghi-hit talaga ang halos lahat ng prime-time series na pinagbidahan ni Barbie. Kung sakali, sa kanya karapat-dapat ipasa ni Marian ang titulong Kapuso Primetime Queen.

NOEL FERRER

Nagtatak na si Pops Fernandez bilang Concert Queen kahit lie low na siya pagko-concert.

Binansagan ni Kuya Germs na "Mall Show King" si Jhake Vargas na pwede niyang akuin, lalo pa’t wala pa namang nakakapag-mall show ngayong panahon ng pandemya.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Revival King" ang bansag kay Jojo Mendrez kahit wala sa Spotify ang kanyang biggest revival song na "Handog" ni Florante, o kahit kumakanta siya ng original songs.

Ang punto... nananatili sa iyo ang title kapag kinagat na ito ng masang sumusuporta sa iyo.

Tamang huwag nang agawan ni Barbie Forteza ng title na Kapuso Primetime Queen si Marian Rivera dahil ibinibigay yun sa stellar contract star ng GMA network.

Ngunit heto dapat ang assignment ng GMA...

Una, hanapan ng sariling title na tatatak kay Barbie na isang mahusay na aktres (at kailangang iangat pa ang box-office status nito).

At pangalawa, hanapan din ng iba pang title si Marian Rivera para hindi na kinukuwestiyon kung bakit siya Primetime Queen kahit wala siyang prime-time show.

Para rin hindi kailangang mag-explain kung circa ano ba ang reign nito—not by her doing—but because of the assignments din given by her mother network, at iyung tinanggap niyang gawin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

JERRY OLEA

Simula noong Marso 1, Lunes, ay kaabang-abang ang mga kaganapan sa Anak ni Waray vs. Anak ni Biday.

Gaya ng nasabi ko na... siksik, liglig, at hitik na hitik ng patalastas ang mga episode nito.

Sa finale week ng Anak ni Waray vs Anak ni Biday, mas kapana-panabik ang mga eksena.

Napatunayan sa DNA test na si Ginalyn (Barbie Forteza) ang biological daughter ni Sussie (Dina Bonnevie), at si Caitlyn (Kate Valdez) ang tunay na anak ni Amy (Snooky Serna).

Nagmatigas sina Sussie at Caitlyn. Patuloy ang pagmamataas. Pusong bato. Toxic attitude.

May magagawa ba si Joaquin (Jay Manalo) upang mapag-ayos ang kanyang mga mag-ina?

Kailangan bang mamatay si Joaquin upang lumambot ang puso ni Sussie, at huwag na itong bulagin ng labis na pagngingitngit?

Kung ano’t ano man, handa na ako emotionally, mentally, and spiritually sa nag-uumapaw na commercial load ng Anak ni Waray vs Anak ni Biday on its final four nights.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Barbie Forteza: “After years of asking me this question, I think, mas confident na po ako ngayon magsabi that I earned that title, and mas i-improve ko pa po to be worthy to be the Primetime Princess.”
PHOTO/S: @barbieforteza on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results